"CHAPTER 6"

12 2 0
                                        

(Ador..)

.......

Sa hapag kainan nakalatag ang mga pagkaing inihaw na tilapia at sari saring gulay ang hinain ng dalawang kasama ni ador.

"Oh wag kang mahihiya pakapalan ng mukha ang labanan dito. LAPANG....!

sabi ni emong sabay upo at kumuha agad ng dahon ng saging na syang nagsisilbing kainan nila.

"Ummmm...! Wow! Sarap naman ng mga to'.

Sabi ni ador

"Syempre sariwa yan eh.

Sabi ni domeng.

"Oo nga pala maiba ako bakit di na kayo bumalik duon sa tulay na yun.?

Tanung ni ador.

" ang naaalala ko lang eh parang may kaguluhan sa bayan na yun nung bata pa kami itong si domeng karga karga ko pa ito papaalis ng bahay eh..

Paliwanag ni emong.

"Ah magkapatid kayo so simula nun hindi na kayo pinabalik sa bayan nyo ng tatay nyo? E yung nanay nyo ba nasaan nung panahon na yon.?

Tanong uli ni ador.

"Kasama sana namin yun paalis si nanay e bumalik sya. Susunod sana ako kasama si domeng ng biglang dumating uli si tatay.nung nalaman nya sa akin na binalikan sya ni nanay mahigpit nyang binilin na kahit anong mangyari wag wag kami papasok sa bayan ng hindi sila bumabalik ni nanay pero dalawang put' walong taon na hindi sila bumabalik.

Kwento ni emong.

"Sa tagal nun ni hindi kayo nagbalak na pumasok uli sa tulay na yun?

Tanung ni ador.

"Ilang beses na kaming nagbalak pero parang may humihila sa amin pabalik eh.

Paliwanag ni emong.

"Hindi yun natatakot lang kayo na sumuway sa bilin ng tatay nyo.

Sabi ni ador.

"Baka nga.

Mahinang sabi ni emong.

"Kayo rin ba ang nagtayo nito.?

Tanung ni ador. Habang iginagala ang paningin sa loob ng kubo nina emong at domeng.

"Oo kaming dalawa tapos yung ibang naging bisita namin dito tumulong sila at gaya rin ng sinabi ko syo kanina pumunta rin sila sa tulay na yun at di na nagbalikan .ikaw tutuloy kapa ba.?

Sabi ni emong. Kay ador. Bago sumagot si ador tumango muna ito at saka lang nagsalita.

"Oo kailangan eh mga kasamahan ko sila eh at kasama din dun ang kasintahan kong si grace. Kailangan ko sya hanapin kasama ang kapatid nya..

Sagot ni ador. Nagkatinginan ang magkapatid at medyo nalungkot sa sinabi ni ador.

"Mawawalan na naman tayo ng kaibigan ay naku!.

Sabi ni domeng.

"Wag kayo mag alala babalik ako pangako.

Sabi ni ador.

"Sana nga Waaaaahahahahaahahahaahahahahah.!!

Bulalas ni emong na sinabayan din ng halakhak ng kapatid nyang si domeng.
Takang taka na parang nainsulto sa tawanan ng dalawang magkapatid pero bigla ring nagbago ang iniisip ni ador .

"Ano ba talagang meron sa tulay na yun napaka misteryoso naman ng tulay na yun.?
At itong dalawa bakit itong dalawang to' ay parang siguradong sigurado sa mga sinasabi nila?
Marami na kayang nakarating duon na kasing dami ng sasakyan na nakaparada duon?

Sabi sa sarili ni ador. Nasa ganoong sitwasyon sya ng pagmumuni muni ng bigla syang gulatin ng mag kapatid.

"WAAAHHHHH. TULALA ........!!!!!

bulalas ng magkapatid sabay hagalpakan ng tawa. Medyo nainis si ador pero dahil alam nyang wala sa katinuan ang mga kaharap pinag pasensyahan nya ito.

" emong maari mo ba akong samahan sa garahe kukuha ako ng isang motorsiklo na magagamit ko sa pagpasok sa tulay.?

Sabi ni ador.

"Oo ba tara samahan ka namin .

Sabi ni emong.
Sabay silang naglabasan galing sa loob ng kubo. Nauuna sa lakaran ang dalawang magkapatid si ador naman ay iginagala ang paningin sa paligid ng bukid. Ng may napansin sya na kakaibang tanim sa dinaanan nila. Itinanong nya sa magkapatid bakit meron yung dalawa ng ganong klaseng halaman. Nagtawaan lang ang mag kapatid.

"Bakit nagtatanim kayo ng ganuong klaseng halaman?

Tanong ni ador.

"Hahaha... Yan ang alagang alaga namin dito herbal yan.

Sabi ni domeng habang naglalakad.

"Herbal? eh sa amin sa lungsod e ipinagbabawal yung marijuana e.

Sabi ni ador.

" eh di wow!

Sagot naman ni emong. Sabay talikod kay ador at tumuloy sa pag lalakad. Napailing na lang si ador at sumunod na lang sya sa dalawa ng paglakad.
Ilang minuto naman ang nakalipas ng malapit na sila sa tambakan ng mga abandonadong sasakyan ng may naamoy si ador biglang bumaligtad ang sikmura nya dahil sa sangsang na amoy di na nya napigilan kaya napasandal sya sa isang puno at duon nag suka. Pag angat nya ng ulo napaatras sya sa nabungaran nya isang baka ang nakahandusay at biyak ang tiyan wala na ang lamang loob at parang nilapa ng mga mababangis na hayop ang itsura ng baka. Bigla rin yun napansin ni emong na ikinagulat ni ador.

"Anong hayop ang dumali dyan.mga tigre?

Tanong ni ador kay emong.napailing muna si emong bago sumagot.

"Natural na dito yan minsan nga tao pa ang nakahandusay sa kagubatan dito eh .

Sabi ni emong.

"Anong tao ibig sabihin may mga patay na tinatapon dito oh kaya kinakatay ng mababangis na hayop?

Tanung ni ador

"Sa palagay ko baboy ramo ang may gawa nyan.

Sabi ni domeng.

"Baka nga! Pero kaibigang ador hindi mo naitatanong kapag nanghuhuli kami ng baboy ramo hindi talaga namin mapatay nasusugatan lang at pagkalipas ng ilang araw may makikita na lang kaming bangkay ng tao sa damuhan minsan sa favorite garden namin..

Paliwanag ni emong.

"Saang garden sa damuhang nakaka adik!?

Sabi ni ador.hindi sumagot si emong tanging ngiting makahulugan lang ang ipinakita nya kay ador...
Hindi na muling nagsalita si ador ng maalala nya ang pinaliwanag ni emong nahihiwagaan na sya sa mga pangyayari ngunit kailangan nya munang unahin ang mga kasamahan nya bago nya tuklasin kung anong mayroon ang magkapatid na kasama nya ngayon.....


$$$$$$$$@$$$$$$$$$$

Wew

Next
Tunghayan naman natin sila abel .... Stay guys nalalapit na ang ........




Basta basahin nyo na lang

TWO BAD WOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon