"chapter 23"

1 0 0
                                    

(Ang nakaraan ni arturo 3)
   (Ang plano ni mozimo)  

Sa palasyo..
Naghahanda si tolome sa pagdating ng matalik na kaibigang si mozimo.

"Mga ilang sandali naririto na si mozimo. Kayong dalawa na ang sumalubong sa kanya at maghahatid dito sa aking tanggapan."

Utos ni tolome sa dalawang alalay.
Sabay lang sumang ayon ang dalawang alalay at lumabas na sila ng palasyo.
Samantalang si tolome ay umakyat sa kanilang silid pag dating nya ay nakita nyang inaayusan si aida ng kanilang mga katulong.

"Hmmm pagandahin nyo ang asawa ko ah.
Kailangan kapag humarap sya sa bisita ko mamamangha sa kagandahan nya ah."

"Opo don tolome."

Malamyang sagot ng tatlong alila.
Hindi na pinansin ni tolome ang bagay na yun at sya naman ay nagbihis na rin.
Habang abala ang mag asawa abala rin ang mag kasama sa labas abala sa pag uusap.

"Zandro mukhang dehado tayo sa kaibigan ni tolome balita ko galing sa syudad ang isang yun at alam mo bang pumatay yun at nakulong.?"

"Oo alam ko nabanggit ni tolome na kaya daw ginawa yun ni mozimo eh para lamang makapag hasik ng lagim sa kulungan at doon dumami ang kanyang katulad pareho sila ng tolomeng nag gawa sa ating alila."

"Wag kang mag alala zandro may hangganan din ang kasamaan ni tolome."

"Inaasahan ko na yan gardo sana magtagumpay tayo sa magiging digmaan."

"Sana nga pero mas mainam kung di matutuklasan ni tolome ang pag tratraydor natin sa kanya."

"Kaya nga may kasabihan tayong dalawa diba.?"

"Kung walang isasakripisyo walang tagumpay."

Sabay na sabi ng dalawa ngunit bigla silang nalungkot.

"Ang dami na nating isinakripisyo mga kaibigan mga kabataan mga kababaihan ako napilitang gawing aswang ang pamilya ko para di sila mapahamak."

Sabi ni gardo.
Na ikinalungkot ni zandro.

"Buti ka pa buo ang pamilya ako nga parang inabandona na ng asawa ko eh."

"Malay mo naman zandro balikan ka nun. Pag mahal ka ng tao kahit ano ka pa babalikan ka nun."

"Hmmm... Sana nga ."

Sagot ni zandro kay gardo ng makita nyang paparating ang dalawang kalesa.

"Ayan na sila zandro."

"Bakit dalawa lang na kalesa sabi ni tolome hukbong sandatahan ang dala ni mozimo hindi ba't labing dalawang tao ang pinakatay ni tolome para lang sa dami ng tauhan ni mozimo.?"

"Hindi ko alam zandro pero kinakabahan ako parang may mali."

Sabi ni gardo hindi na sumagot si zandro papaano'y huminto sa kanilang harapan ang malaki at kulay itim na kalesa .
Ang unang bumaba ay ang kanang kamay ni mozimo na si armando ang tangkad nito mas malaki kay arturo maihahalintulad ito sa isang wwe wrestler na si great khali .
Napanganga ang dalawa dahil sa nakakatakot nitong katawan hitik ang bato bato ang mga muscle nito.
Sumunod na bumaba ay si mozimo na ganoon din halos ang tindig sa kanyang kanang kamay.

"Oh may gagabay pa pala sa akin si tolome talaga inaalala pa ako."

Sabi ni mozimo.

"Kasi medyo magulo pa ang bayan baka nasa paligid lang ang mga bandido."

Sagot ni zandro.
Napangiti naman si mozimo saka ito nagsalita.

"Napapansin mo ba na napakatahimik ng paligid.?"

TWO BAD WOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon