PART 8 II Temptation

22.4K 338 14
                                    

NANG SUMUNOD NA ARAW.

"Sorry, pare, kung bigla na lang akong umalis sa party," paghingi ng dispensa ni Jonathan kay Gomer nang magsabay silang magkaibigan na pumasok sa kanilang negosyo kinabukasan.

Silang dalawa ni Gomer ang may-ari ng Armor Auto Buy and Sell na kanilang ipinatayo limang taon na ang nakakaraan. Kasama nila ang isa pa nilang kabarkada na si Briks pero nasa ibang bansa na kaya ipinauubaya na sa kanila ang pamamahala. At kahit paano ay maganda pa rin ang takbo ng kanilang 'baby' kung tawagin nila. Ang unang chicks nila.

"It's okay, pare, pero puwede malaman kung bakit ka nga ba bigla na lang umalis? Ano 'yong sinabi mong emergency?" sagot at tanong sa kaniya ni Gomer.

Nag-uusap ang magkaibigan habang patungo sa kanilang opisina. Tyempo na magkasabay silang pumasok.

"Si Ashlene. Akala ng nurse ay gigising na siya. Unfortunately, it turned out to be a false alarm."

"Really?"

Tumango si Jonathan. Hindi nga lang niya malaman kung ngingiti siya o ano.

"Sayang pala kung gano'n. Sana'y nagising na lang siya," saad pa ni Gomer na ngumiti pero may bakas na lungkot. Malapit din kasi si Gomer sa kaniyang asawa. Kapag dumadalaw kasi noon sa kaniya si Ashlene sa opisina ay laging may dalang kung anu-ano rin ito para kay Gomer.

"Oo nga, eh," he said weakly, a deep sadness moving through his eyes. "Pero sabi naman ng doktor ay may mas pag-asa pang gumising na siya dahil sa paggalaw niya kagabi. He advised me not to worry excessively anymore, as he considered it a positive sign."

"Well, that's still good news. Congrats, makakapiling mo na ulit ang asawa mo malapit na, pare," ani Gomer. Smiling, he punched him on the shoulder.

Isang alanganing ngiti naman ang itinugon niya sa kaibigan. Sana magdilang anghel ito. Sana nga malapit na niyang makasama ulit si Ashlene dahil miss na niya ang asawa. He missed her intensely, to the point that his chest ached, his head throbbed, and his eyes welled up every time he was reminded of her.

"Oh, I remember nga pala, pare." May kinuha si Gomer sa wallet nito at iniabot sa kaniya. "Here. Ibigay ko raw sa 'yo."

"What is this?" nagtakang tanong niya kahit alam niyang cellphone number iyon na nakasulat sa isang maliit na papel.

"Do you remember JL? 'Yong kaibigan ng girlfriend ko?"

Tumango siya dahil naaalala nga niya ang dalaga. Nasa kasarapan sila nang pag-uusap kagabi ni JL nang biglang tawagan siya ni Marjorie.

"What about her?" he asked disinterestedly. Pumasok na siya sa kanilang opisina.

Sumunod sa kaniya si Gomer. May mga tauhan sila na bumati sa kanila na kanilang mga sinuklian naman at may kasama pang ngiti sa kanilang mga labi. Parehas sila ni Gomer na may pagpapahalaga sa kanilang negosyo at mga empleyado kaya nagiging maganda ang takbo ng Armor Auto.

"Sabi niya ay ibigay ko raw 'yan sa 'yo. Tawagan mo raw siya agad. Actually, hinihingi niya ang number mo pero alam ko naman ang ugali mo na hindi basta-basta nagbibigay ng numero lalo na sa babae kasi takot ka kay Ashlene kaya hindi ko ibinigay." Sinundan ni Gomer ng malutong na tawa ang sinabi.

Tipid siyang ngumiti.

"Type ka ni JL, pare," saad pa na may kasamang kindat sa kaniya si Gomer.

Jonathan shook his head. He wasn't interested. Ibinulsa lang niya ang papel na ibinigay sa kaniya ni Gomer. Pagkuwa'y nag-busy-busy-an na siya sa kaniyang desk.

"Hindi mo ite-text o icha-chat man lang?" dismayadong tanong ni Gomer makaraan ng ilang sandali. "Sayang naman, pare. Ang ganda pa naman ni JL. Hayup ang katawan. Parang hinulma sa isang hour glass."

"If you want ay ikaw na lang," pilyo niyang sabi kasabay nang pagbubukas niya ng kaniyang laptop na laging nasa ibabaw ng kaniyang desk.

"Ayoko. Mahal ko na si Flower. Kahit gano'n ang babaeng 'yon ay seryoso ako sa kaniya."

"Gano'n din ako sa aking asawa, pare," aniya na natuwa rin dahil mukhang seryoso na sa buhay ang kaibigan. Sa tagal nitong playboy ay sa wakas mukhang nakahanap na rin ito ng katapat, tulad niya kay Ashlene.

At seryoso siya sa sinabi. Mahal na mahal niya si Ashlene kaya kahit gaano pa kaganda si JL ay hindi niya ito papatulan. Ngayon pa ba siya magloloko na may kasiguraduhan nang gigising pa ang kaniyang asawa?

Hihintayin na lamang niyang magising si Ashlene kaysa sa gumawa siya ng katarantaduhang pagsisisihan niya lamang bandang huli.





----------

WALA naman nang magawa si Marjorie sa mga sandaling iyon kaya tumawag siya sa kanilang bahay.

"Hello?" sagot ng kabilang linya na tinig bagong gising.

"Hello, Ate? Kumusta kayo r'yan?" natuwang bati ni Marjorie. Busy raw sa pamamalengke ang nanay nila kaya sunod ang Ate JL niya ang tinawagan niya.

"Kakauwi mo lang dito noong isang araw, hindi ba? Syempre ganoon pa rin. Okay lang naman kami," tamad ang boses na sagot ng kapatid.

"Sorry kung naistorbo ko ang tulog mo, Ate. Miss ko na kasi kayo agad." Humagikgik si Marjorie. Gusto rin niyang maglambing sa Ate JL niya kaya tinawagan pa rin niya ito kahit na sinabi na sa kaniya ng nanay nila na puyat na naman ito kagabi.

"Ikaw talaga." Nagbago na ang timpla ng boses ni JL. Hindi na inaantok. "Ano'ng ginagawa mo ngayon? Ako heto bagong gising lang. Napuyat kasi ako kagabi."

"Paano gumimik ka na naman daw sabi ni Nanay? Wala ka nang sawa kakagimik."

"'Yaan mo na ako. Ngayon lang ako nagdadalaga, eh. So, ano nga? Ano'ng ginagawa mo ngayon d'yan?"

Napatingin si Marjorie sa kaniyang pasyente bago sumagot. "Ito gano'n pa rin. Binabantayan pa rin si Ate Ashlene. Akala ko nga ay magigising na siya kagabi, eh, pero false alarm lang pala."

"Kilitiin mo kaya para magising na?"

"Sana nga ganoon lang siya kadaling gisingin. Boring kaya ang pagbabantay kapag ganito."

"Eh, at least mas magaan naman ang trabaho mo r'yan kaysa doon ka sa mga hospital."

"Sabagay. Kaso ang boring lang kasi talaga, Ate. Wala man lang makausap dito."

Ilang sandali na hindi umimik si JL.

"Ate, nandiyan ka pa ba?"

"Ah, Oo. Inisip ko lang kasi kung saan ako gagala ngayon pero wala akong maisip. Kung gusto mo ay diyan na lang ako pupunta. Chika-chika tayo para hindi ka kamo nabo-boring. Bonding tayo?"

Awtomatikong namilog ang mga mata ni Marjorie sa katuwaan. "Talaga, Ate? Pupunta ka rito?"

"Oo, pero ang tanong hindi ba magagalit sa 'yo ang amo mo?"

"Okay lang 'yon. Mabait naman at hindi mahigpit si Kuya, eh. Punta ka rito, ha? Hihintayin kita, Ate."

"Sige, sige. Magpapaalam lang ako kay Nanay pagdating niya sa pamamalengke tapos magbibihis na ako."

"Sige, Ate. Ingat ka sa byahe mamaya."

Matapos patayin ang tawag ay nagtatalon sa sobrang kasiyahan si Marjorie. Iyon talaga ang gustong-gusto niya na sana ay mangyari noon pa; ang makapag-bonding silang magkapatid.

REVENGE OF THE REAL WIFE (published under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon