Part 32 || Wrong Move

13.4K 242 3
                                    

"NAIINIS na talaga ako sa kapatid mo," himutok ni JL sa gitna ng mainit nilang pagniniig ni Jonathan.

"Bakit? Ano'ng ginawa sa 'yo ni Darren?" nagtatakang tanong ni Jonathan habang panay naman ang pag-ulos nito sa kaniyang ibabaw.

Nakaisang round na sila pero matigas pa rin ang pagkalalaki ni Jonathan kaya sige pa rin ito sa paglabas-pasok sa basa at madulas pa rin na pagkababae niya. Wala silang kasawaan.

"Kanina sinunod ko ang utos mo na amuin siya. Iginawan ko siya ng breakfast in bed pero alam mo kung ano'ng ginawa niya sa akin? Sinupladohan ba naman ako kaysa pasalamatan. Ibang-iba sa 'yo ang kapatid mo. He's really a jerk!"

Nawalan na ng gana si Jonathan. Umalis na ito sa ibabaw niya at umayos nang higa. "I'm sorry, JL. Troublemaker na talaga ang kapatid kong iyon since bata pa. Habaan mo pa sana ang pasensya mo sa kaniya. Sila ni Marjorie."

Titirik-tirik ang mga mata ni JL na nagkumot hanggang dibdib. "Bakit ba kasi hindi mo pa pauwiin iyon sa inyo?"

"I won't be able to do that. Hindi ko 'yon mauutusan. Kung ano ang gusto niya ay siyang masusunod. Nag-aalala nga ako dahil baka humahanap lang iyon ng tyempo bago niya ako isumbong."

"And so what?"

"JL, malaking gulo iyon kapag nagkataon. Siguradong isusumpa ako nina Mommy at ni Mama Marcelina kapag nalaman nila ang ginagawa kong ito. Kaya sana bawas-bawasan muna natin ang ganito o kaya huwag muna. Hintayin muna nating umalis si Darren dito sa bahay."

Napakunot-noo si JL. Handa na sana niyang awayin si Jonathan dahil hindi niya nagustuhan ang ideya nito, pero dahil bigla ring may pumasok na reyalisasyon sa isip niya ay pinigilan niya ang sarili. Alam na niya kung paanong mawawala sa landas nila ni Jonathan ang mga buwisit.

"You mean," Yumakap siya sa dibdib ni Jonathan, "kaya tayong isumbong ni Darren sa mga parents niyo ni Ashlene?"

"Oo naman." Bumuntong-hininga si Jonathan. "Kabisado ko ang kilaw ng bituka niyon kahit hindi kami magkasundo. Gustong-gusto ako niyon mapahamak. Sabi ko nga, ang ikakasama ko ay ikakatuwa niya."

"Eh, ano'ng mangyayari kung isusumbong niyang nambabae ka tapos kasama mo pa ako rito sa bahay niyo?"

"They may take Ashlene from me, and I will not forgive myself if that happens. Hindi ko kaya na ilalayo nila sa akin ang asawa ko," madamdaming sagot ni Jonathan.

Kahit nasaktan ay lihim na napangisi si JL sa sinabing iyon ni Jonathan. Kung ganoon ay si Darren pa pala na kinaiinisan niya ang makakatulong sa kaniya para mawala si Ashlene sa landas niya.

Sumilay ang tipid pero demonyita niyang ngisi. What a nice twist, huh!

Bumangon na siya. Kinuha niya ang puting tuwalya at iyon lang ang ipinangtakip niya sa hubad na katawan niya.

"Where you going?"

"Sa room ko. Paumaga na. Baka magising na ang mga pasaway nating mga kapatid," kunwari ay concern niyang tugon pero ang totoo ay alam niya na sa mga sandaling iyon ay nasa labas na si Darren at nag-aabang na sa kaniyang paglabas. Katulad noong nakaraang gabi na nakita niya ang binata na nagmamanman. Hindi lang siya nagpahalata at hindi lang niya binanggit kay Jonathan. Ayaw niya kasi na mag-alala si Jonathan at baka lalo nitong sabihin na tigilan muna nila ang ginagawa nila.

Pero iba na ngayon, iba na ang gusto niyang mangyari. Gagamitin niya si Darren para mawala na si Ashlene sa bahay na ito.

"Ingat ka sa paglabas mo. Make sure they won't see you, especially Darren."

"Okay." Pinulot ni JL ang mga damit na nagkalat sa sahig. Sinadya niyang hindi nagbihis. At sumilip muna siya sa pasilyo bago lumabas. Hindi nga siya nabigo dahil nakita nga niya roon si Darren, lihim na naghihintay ulit sa kaniyang paglabas.

"Sige, Darren, isumbong mo kami nang mapasaakin na talaga ang Kuya Jonathan mo. Ilayo mo na ang Ashlene na iyon dito. Ilibing mo na siya ng buhay," nagdidiwang ang damdamin niyang sabi sa isip niya.

Nang lumabas siya ay ilang beses na kinunan siya ni Darren ng larawan.

Tuwang-tuwa naman si Darren sa mga nakuha niyang mga larawan dahil sa hitsura ni JL na halos hubad. Sa isip-isip ng binata ay nakakuha na siya ng mabigat na ebidensya. Sapat na iyon. Wala siyang kaide-ideya sa mas matinding mangyayari oras na gawin nito ang pagsusumbong.

"Ano'ng ginagawa mo, Sir Darren?" nagulantang si Darren nang biglang nagsalita sa likod niya si Marjorie.

Pamosong nakangiti ang binata nang lingunin niya ito. Pasimple at kampanting ibinulsa ang cellphone na ginamit sa pagkuha ng mga

"Bakit mo kinuhan ng pictures si Ate JL? Ano'ng binabalak mo?"

"Mind your own business, Sweetie," namimilyong saad niya. Tiwalang-tiwala siya

"Kung anuman ang iniisip mong gawin ay huwag mong ituloy!" tumaas na ang boses ni Marjorie. Nagalit na sa kaniya.

"Hindi mo ako katulad na duwag kaya hindi mo maitama ang maling ginagawa ng mga kapatid natin. Kung ikaw nasisikmura mo ang ginagawa nila, puwes ako hindi. Ipapakita ko kay Mommy at kay Tita Marcelina ang picture para matigil na ang kahibangan nila, and no one can stop me."

"Mag-isip ka muna sana, Sir Darren. Baka kasi lalo lamang gugulo ang sitwasyon kapag ipinakita mo 'yan sa kanila."

"I don't care. At least, gagawin ko ang parte ko at iyon ay ang ipagtanggol si Ate Ashlene. She doesn't deserve this kind of bullshit."

"Hindi puwede." Napailing-iling ang dalagang nurse. Gusto ni Marjorie ang nakikita niya na pagmamalasakit ni Darren kay Ate Ashlene nila pero huwag sana sa ganoong paraan. "Akin na 'yang cellphone, Sir Darren. Hindi mo alam ang ginagawa mo. Lalong magiging komplikado lamang ang lahat."

"No." Ngunit umiwas si Darren. Nagmatigas.

"Sabing akin na 'yan." Nilapitan ni Marjorie ang binata at pilit kinuha sa bulsa ang cellphone.

"Kiss mo muna ako," pilyong hamon ni Darren. Nakita niya kasing ang cute ni Marjorie sa pilit na pakikipag-agawan sa kaniya ng cellphone. Ang bango pa. Amoy bagong ligo. Gusto ng kaniyang ilong ang fresh na scent ng sabon nito.

"Utang na loob, Sir Darren, huwag mong gawing biro ang bagay na ito. Huwag kang magpadalus-dalos," mangiyak-ngiyak na sumamo na sa kaniya ng dalaga.

Sa narinig ay sumeryoso ulit si Darren. "But this is the right thing to do, Marjorie. They should be reported so that their betrayal to Ate Ashlene can come to an end."

"Pero, Sir Darren, hindi mo naiitindihan."

"Kahit ano'ng sabihin mo ay hindi mo na ako mapipigilan," madiin niyang huling sabi sa dalaga at lumakad na siya paalis. Iniwan na niya ito.

"Paano kung imbis na si Ate JL ang mapaalis dito sa bahay ay si Ate Ashlene pala? Paano kung ang ilayo kay Kuya Jonathan ay Ate Ashlene at hindi si Ate JL? Paano kung sa gagawin mo, ang magwawagi pala ay ang kabit at hindi ang legal na asawa?" pahabol na sabi ni Nurse Marjorie.

Unfortunately, hindi na umabot pa ang mga iyon sa pandinig ni Darren.

REVENGE OF THE REAL WIFE (published under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon