Part 22 || The Contra

13.5K 259 8
                                    

NAKARAMDAM na ng uhaw si Jonathan kaya napilitan siyang lumabas ng kuwarto. Ayaw niya sana gawa na iniiwasan niya si JL, ngunit wala naman siyang mautusan dahil umalis na si Marjorie. Sinamantala ng dalaga ang sinabi niyang puwede itong mag-rest day sa araw na iyon.

Kung bakit ba kasi nagawa niya iyon kay JL. Magpahanggang ngayon ay hindi niya mawari kung ano ang pumasok sa isip niya at nagawa niyang galawin ang dalaga. Para na tuloy siyang timang ngayon na nagkukulong sa kuwarto ng sarili niyang bahay para lang makaiwas.

Napalatak siya't napailing-iling.

"Babalik ako agad, Hon," bago ang lahat ay paalam niya muna kay Ashlene. Siguro naman ay walang magiging problema kahit lumabas siya dahil kasama naman yata ni Marjorie si JL na umalis ng bahay.

"Oh, shit!" Subalit anong gulat niya nang mapagbuksan niya si JL ng pinto. Papasok o kakatok yata sana ang dalaga pero naunahan niya ito sa pagbukas.

"Hi," malambing na bati nito sa kaniya. Naglalandi na naman.

He frowned. Akala ba niya'y kasama ito ni Marjorie? Bakit ito nandito?

"May gagawin ka, Jonathan?" nang-aakit na tanong pa ni JL.

"Iinom lang sana ng tubig," kaswal niya na sagot.

Lumapit ang dalaga sa kaniya, as in malapit na malapit. Hinaplos nito ang kaniyang pisngi. Iniiwas niya ang mukha, pero ang kaniyang labi naman ang nilaro-laro ni JL, tapos ay siniil na siya ng halik.

"Stop it, JL!" Sa una'y umiwas siya. But all of a sudden, heat blasted through him when JL's tongue playfully roamed in his mouth. Kusang tumigas na naman tuloy ang kanyang pagkalalaki. Mabuti na lang at bago siya mawalan ulit ng hwisyo ay naalala niya ang kaniyang asawa. Bigla ay hinawakan niya ang mga kamay ni JL upang patigilin ito sa ginagawang pang-aakit sa kaniya.

"JL, utang na loob may asawa na ako. Hindi tama ito," matigas ang anyo na saway niya.

"Sssh..." Subalit ayaw magpapigil ni JL. Hinalikan ulit siya nang nagbabagang mga halik. Ikinawit na pati ang mga braso nito sa kaniyang leeg.

JL's kisses were making him so candy. All his spines were becoming weak. Hanggang sa namalayan na lang niya na lumalaban na ang labi niya sa halik nito. He accepted her tongue, then went on further and sucked on it.

"Oohhh..." ungol ni JL na nasarapan.

Mayamaya ay dahan-dahan na hinila na Jonathan ang pinto ng silid ni Ashlene para magsara iyon, para hindi makita ng kaniyang asawa ang ginagawa niyang kataksilan... na naman.

Naging hayok na hayok na ang espadahan ng mga dila nila ni JL. Nagkakalansingan na pati ang kanilang mga ngipin. Ang kamay niya'y kung saan-saan na napapahaplos sa napakalambot na katawan nito.

"Ooohhh, Jonathan..." mas nakakadarang pa ang bawat wild na ungol ni JL. Masarap sa kaniyang pandinig. Nakakainit pa lalo sa kaniya.

Nang mawala na talaga siya sa hwisyo at puros sarap na ang gusto ng kaniyang katawan ay hinapit na niya nang tuluyan ang maliit na baywang ng dalaga para lalong magdikit ang mga katawan nila.

"Kuya Jonathan, nandito na ako! Bumalik na po ako!" nang bigla-bigla ay malakas na boses at tila nanadyang papansin ni Marjorie.

Awtomatikong natigilan ang dalawa sa kanilang romansahan. Animo'y napakalamig na tubig ang tinig ni Marjorie na bumuhos sa kanila, lalo na kay Jonathan.

"Sorry..." Bahagya pang naitulak ni Jonathan si JL nang matauhan. Madali siyang umiwas.

"Jonathan, hayaan mo na si Marjorie," pigil sa kaniya ni JL. Biglang yakap ito sa kaniyang likod. "I need you know. Mababaliw ako kapag ititigil natin ito."

"Enough, JL. This is wrong," pagsaway niya ulit. Marahas niyang kinalas ang kamay nito sa kaniyang likod, at saka dali-dali nang umalis.

Gusto niya ulit suntukin ang sarili nang nasa hagdanan na siya. Bakit ba napakadali sa kaniya na paakit sa babaeng 'yon? Bakit ang rupok niya ngayon gayong noon naman ay kahit gaano pa kaakit-akit ang isang babae sa kaniyang harapan ay hindi naman siya tinitigasan?

Tangna! Ayaw niya ng ganito! Mahal niya ang kanyang asawa!

Inis na inis naman na pinunasan ni JL ang bunganga nang wala na si Jonathan. Totoong bitin na bitin siya at kasalanan ng magaling niyang kapatid.

"Kung akala mong mapipigilan mo ako, puwes nagkakamali ka, Marjorie!" naniningkit ang mata niya na wika. Sa unang pagkakataon ay tumubo ang matinding inis niya para sa nakababatang kapatid.

Saglit ay malalaki ang mga hakbang niyang sinundan si Jonathan. Kailangan niyang mapigilan ang anumang sasabihin ni Marjorie kay Jonathan.

Sa living room, nakita niya roon ang dalawa na nag-uusap.

"Biglang sumama po kasi ang pakiramdam ko, Kuya, kaya bumalik na lang ako rito," pagdadahilan ni Marjorie kay Jonathan pagkatapos siyang tapunan ng makahulugang tingin.

Napakunot-noo si JL. Blangko kasi ang ekspresyon ng mukha ng kaniyang kapatid kaya hindi niya mawari kung ano ang gusto nitong palabasin sa tingin nito.

"Kung ganoon ay mapahinga ka na sa room mo. Don't forget to take medicine, okay?" totoong concern na sabi naman ni Jonathan kay Marjorie.

"Opo, Kuya, iinom po ako ng gamot. Buti pa kayo may concern sa taong may sakit," may laman na sagot naman ng huli.

Napahalukipkip si JL kasabay nang pagtirik ng kaniyang mga mata. Alam niyang siya ang pinaringgan ni Marjorie, as if naman may pake siya.

"Ikaw, Ate? Bakit nandito ka pa? Akala ko ba nahihilo ka kaya nauna kang umuwi? Nagdahilan ka lang ba?" ang hindi nga lang niya inasahan ay baling sa kaniya nito.

Pabiglang napatingin sa dako niya si Jonathan. Noon lang nito napansin ang kaniyang presensya. At bumakas agad sa mukha nito ang pagkabahala.

"Hindi na. Ang init lang kasi sa labas," napilitan niyang sagot. Ang sama ng tingin niya kay Marjorie pagkatapos. She was really pissed off. Gusto niyang tirisin ito. Ang kapal ng mukha na makialam.

"Sa kusina muna ako, Kuya. Magluluto muna ako ng pananghalian natin. Kaya ko pa naman po. Mahirap na kasi kung maiiwan kang mag-isa rito," parinig na naman ni Marjorie.

Tumaas ang dibdib ni JL. Lalong kumulo ang dugo niya sa kapatid. Gaga rin talaga!

"No. Magpahinga ka," giit ni Jonathan kay Marjorie.

"Mamaya na lang po," ngunit tanggi pa rin ni Marjorie at lumakad na patungong kusina.

Hindi na umimik si Jonathan. Hihimas-himas na lang ito ng batok na patungo ulit sa taas, pabalik sa kuwarto ng asawa. Walang anumang nilampasan niya si JL sa may hagdanan.

Minsan pa ay tumirik ang mga mata naman ni JL. Alam niyang iniiwasan na rin siya ni Jonathan, pero hahayaan na lang niya muna ito. Madami pa namang araw para akitin niya ito ulit.

Sa halip ay matalim ang naging tingin ni JL sa likod ng kaniyang kapatid na patungong kusina. Huwag lang sanang tama ang hinala niya na makikialam ito sa kaniyang balak dahil kahit kapatid niya ito ay hindi niya ito sasantuhin.

Walang sinuman ang hahayaan niyang humadlang sa kanila ni Jonathan. Kahit pa ang demonyo ay handa niyang kalabanin kung sakali.

REVENGE OF THE REAL WIFE (published under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon