"ANO'NG ginagawa mo rito, JL? Baka makita tayo ng kapatid ko!" nag-aalalang bulalas ni Jonathan nang mapagbuksan niya ang kumakatok sa pinto ng silid niya.
"Sssh..." Nang-aakit naman na tinakpan ni JL ng hintuturo nito ang bibig ni Jonathan. "Tulog na sila," saka pagrarason nito. Pagkatapos ay sinunggaban na ng nagbabagang halik nito ang marupok na Adan.
Saglit lang ay dahan-dahan na ngang nagsara ang pinto ng kuwarto pero kasabay niyon ay ang paglabas naman ni Darren na nagtatago. At siya ring paglabas din ni Marjorie sa silid ni Ashlene. Hindi rin ito tulog tulad nang inakala ni JL.
Nagtama ang tingin ng dalawa. Wala man silang sali-salita ay nagkakaintindihan sila.
Si Marjorie ang unang nagbawi ng tingin at nagtungo na sa kusina.
KINABUKASAN, habang nakatayo sa salaming bintana si Darren ay kitang-kita niya ang malaswang lambingan ng kapatid niya at ang malanding babae sa gate ng bahay.
Ang eksena ng dalawa ay papasok na si Jonathan sa trabaho at inihatid ito sa may kotse ng mistress nito. Naghalikan pa ang dalawa na aakalaing mag-asawa.
Nakuyom na lang ni Darren ang kaniyang mga kamao. Ang inis niya sa kaniyang kapatid ay nadagdagan lalo. "Paanong nagagawa nitong pagtaksilan ang napakabait nitong asawa? God, does he have no shame?!"
Mas pinatunayan pa ngayon ng kaniyang kapatid na hindi niya dapat ito iniidolo o nirerespeto bilang kuya. Tama lang pala na kahit kailan ay ganito na ang setup nila na magkapatid, mag-kuya na hindi parang magkakilala. Mas wala pa pala itong kuwentang tao kaysa sa inakala niya.
Nasa malalim siyang pag-iisip nang tumunog ang cellphone niya sa kaniyang bulsa. Nang tingnan niya ang tumatawag ay ang mommy nila. Mommy nila, na si Jonathan lang ang kinikilalang anak porke ito raw ang matino at mabait na anak.
He scuffed. Sino ngayon sa kanila ang matino?
"Mom?" sagot na niya sa tawag ng ina.
"Where on the earth are you again? Bakita hindi ka umuwi?"
"Nandito ako sa bahay ni Kuya."
"Huh?" Nagulat syempre ang may favoritism nilang ina. "Bakit ka nandiyan? May nangyari ba d'yan?"
"Wala naman, but I think I need to stay here for a while, Mom." Hindi niya muna sasabihin sa kanilang ina ang kaniyang natuklasan. Wala pa siya sa mood. Tinatamad pa siyang makipaglaro sa paboritong anak.
Yeah, nakatira pa rin siya sa kanilang family house kahit na hindi niya kasundo ang ina dahil hindi siya ang paborito. Wala pa rin kasi siyang kakayahan para magsolo. At saka para sa kaniya, bakit niya pahihirapan ang sarili niya? Gusto niya ay kahit pera lang ay may mapapala siya sa pamilya niya, hindi lang puros Jonathan.
Simula't sapol ay puros si Jonathan na lang ang alam nila na anak. Porke hindi siya matalino at ang kuya niya ang matalino, laging siya na lang ang sinasabihang walang silbi. Pinanindigan niya tuloy.
"But why? Hindi ba't ayaw na ayaw mo g'yan? What's gotten into you?"
"Maganda naman pala kasi rito sa bahay nila. Nakaka-relax pala kaya dito muna ako. And besides, I also want to help, kahit sa pagbabantay lang kay Ate Ashlene, Mom," pagsisinungaling niya kahit alam niyang malayo sa character niya.
"Kung gano'n ay sige. Mabuti naman at naisip mo 'yan. Malaking tulong nga sa Kuya mo kung diyan ka muna."
"Yeah."
"Eh, kumusta naman ang kawawang Ate Ashlene mo? Is there any improvement in her?"
"She's fine. Mabait at magaling naman iyong private nurse niya," sagot niya. "Si Kuya ang hindi okay," ngunit ay hindi niya namalayan na naidugtong.
"What do you mean hindi okay ang kuya mo?" Biglang nag-alala tuloy ang mommy nila.
Malademonyong napangisi siya. "I mean hindi siya okay dahil alam niyo na nalulungkot pa rin siya sa kalagayan ni Ate Ashlene."
Bumuntong-hininga ang ina. Naginhawaan malamang dahil nasa maayos naman pa lang kalagayan ang paborito nitong anak. "Sige, sabihin mo na lang sa Kuya mo na bibisita ako diyan kapag hindi na ako busy sa kumpanya natin."
"Okay."
Kung anu-ano pa ang ibinilin sa kaniya ng ina bago pinatay ang tawag. Walang anumang initsa niya ang kaniyang cellphone sa ibabaw ng kama.
Lalo siyang na-excite sa kalalabasan ng kuwentong ito. Gayunman, hindi pa ito ang tamang oras para sabihin niya sa ina ang ginagawang katarantaduhan ng kapatid. Hahanap muna siya ng tyempo. Kukuha muna siya ng ebidensiya, maraming ebidensiya kung kinakailangan.
Hindi niya hahayaang magtagal ang baluktot na gawain ng kaniyang Kuya Jonathan. Napakabait ng hipag niya. Wala siyang masasabi ni katiting na masamang ugali ni Ashlene.
Katunayan, si Ate Ashlene niya ang naging kakampi niya noon. Si Ate Ashlene niya lamang ang nagparamdam sa kaniya na nag-i-exist siya sa mundo. Ito na ang araw para makaganti siya kabutihang ipinakita sa kaniya noon ni Ashlene. Ipagtatanggol niya ang walang kalaban-labang hipag niya.
Nawala lang sa malalim na pag-iisip ang binata nang may kumatok sa silid na kinaroroonan niya.
"Come in," simpleng pagpapatuloy niya sa tao sa likod ng pinto.
Nagbukas nga ang pinto at napatanga siya nang makita kung sino ang pumasok. It's no other than but the bitchy homewrecker, JL.
"I brought you breakfast. Hindi ka na kasi bumaba," ngiting-ngiti sabi sa kaniya sabay pakita sa hawa-hawak nitong tray na kinalalagyan ng pagkain.
"I don't eat breakfast," matabang niyang imporma.
"Pero pinaghirapan ko itong i-prepare para sa 'yo. Kahit tikman mo lang ay masaya na ako," pagpipilit ni JL. Naroon pa rin ang ngiti sa labi kahit na halatang nadismaya sa ipinakita niyang coldness.
Well, she deserves it after all!
"I didn't tell you to do that," pabalang niyang rason.
Tumiim ang mga labi ni JL. Kitang-kita na pigil na pigil nito ang sariling huwag magalit. "Sige, okay lang. Next time na lang," sabi nito nang muling nagsalita.
Lihim namang napangisi si Darren. Natatawa siya sa babae. Best actress din pala ang malandi.
"I have to go." Inuhan niyang lumabas ng kuwarto si JL. Sinadya niyang binangga ang balikat nito.
Naniningkit naman ang mga mata ni JL na naiwan. Kung hindi lang sa sinabi ni Jonathan na kailangang amuin niya si Darren para makasundo niya ito ay baka kung ano na ang nagawa niya. Kung hindi siya nakapagpigil ay baka naibalibag niya ang tray na hawak sa likod ng Darren na 'yon.
Pesteng lalaki!
Asar na asar siyang talaga. Nadagdagan na naman ang buwisit sa buhay niya.
Sa paglabas naman ni Darren ay hindi sinasadyang nakasalubong niya si Marjorie. Nagyuko ng ulo ang dalagang nurse bilang paggalang sa kanIya bago ito pumasok na naman sa silid ni Ashlene.
Kita at ramdam niya ang pagkailang sa kaniya ng dalaga, pero masaya siya dahil may katulad ni Marjorie na nagmamalasakit sa kaniyang hipag. Sana lang ay hindi ito magbago. Sana hanggang sa huli ay hindi ito magpapademonyo sa kapatid nitong higad.
Time will come, magiging kakampi niya si Marjorie. Sa tamang panahon at malapit na 'yon. Malapit-lapit na ang pagbubunyag niya sa maling gawain ng kaniyang Kuya Jonathan.
BINABASA MO ANG
REVENGE OF THE REAL WIFE (published under IMMAC)
Storie d'amore(R18) Gawa ng aksidente ay na-comatose si Ashlene. Nanatili siyang tulog ng ilang buwan dahilan para kumuha si Jonathan ng private nurse. Ang hindi alam ni Jonathan ay ang desisyon niya na iyon ang magdadala ng kaguluhan sa buhay nila na mag-asawa...