"KUYA..." Nang hindi pa rin makita ni Marjorie ang binata ay napitan siyang tinawagan na niya ang kaniyang amo.
"Yes, Marjorie?" Napatayo sa kinauupuang executive chair si Jonathan. Dinagsa agad siya ng kaba at takot. Sa kabila kasi ng mga nangyari ay hindi na niya inaasahan na magagawang tawagan pa siya ng dalaga, ni hindi na nga siya nito kinakausap.
"Kuya, si Sir Darren po. Hindi ko po siya makita rito sa bahay," garalgal at natatara ang boses ni Marjorie sa kabilang linya. "Wala rin po ang kotse niya."
"Baka may pinuntahan lang siya. Huwag kang mag-alala sa kaniya. Ugali na talaga niya ang aalis nang hindi nagpapaalam."
"Kuya, mukhang hindi lang siya basta umalis lang. Kinakabahan po ako sa puwede niyang gawin."
Nakakunot-noo na bumalik si Jonathan sa pagkakaupo. "Bakit? Ano sa tingin mo ang gagawin niya, Marjorie?"
"Kuya, may dapat kang malaman."
"What is it?"
"Kuya, kasi ano... kasi po si Sir Darren ilang beses ko siyang nakita na kinukuhanan niya kayo ng picture ni Ate JL. Tapos po ay nasabi niya sa 'kin na ebidensya raw niya iyon. Hindi ko alam kung ano'ng plano niya pero natitiyak ko na ibubuking niya kayo."
Tila pinagsakluban si Jonathan ng langit at lupa. Awtomatiko na bumaba ang lahat ng dugo niya sa katawan. Tama nga ang hinala niya sa kapatid.
"Kuya, sorry po kung ngayon ko lang sinabi. Ilang beses ko naman pong pinigilan si Sir Darren pero ayaw lang niya po talagang makinig sa akin."
"It's okay, Marjorie. And don't worry too much, ako na ang bahala kay Darren."
"Sige po."
Pinatay na ni Jonathan ang tawag ni Marjorie at dali-daling kinuha ang kaniyang business coat. Uuwi siya sa bahay ng parents nila. Baka doon na ang punta ng tarantado niyang kapatid.
Muntik pa niyang nabangga ni Gomer sa kaniyang pagmamadali na makaalis sa sa opisina. Muntik nang matapon sa kaniya ang dala-dala nitong kape.
"Aalis ka, pare?"
"Oo, pare, kaya ikaw na muna ang bahala rito."
"Saan ka naman pupunta?"
"Sa bahay," maikling sagot niya sa kaibigan at itinuloy na ang pag-alis. Madaling sumakay siya sa kaniyang kotse pagkalabas at pinaharurot. Kung puwede nga lang ay paliparin na niya ang sasakyan makarating lang sana siya agad sa kanilang family house.
*******
"ANO NA namang kalokohan ito, Son?" Hindi makapaniwala si Misis Susan Villasera sa ipinapakita ng anak na bunso.
Si Darren kasi ay may hawak na cellphone na may mga larawan ni Jonathan kasama ang isang babae. May kuha na naghahalikan, may palabas ang babae sa kuwarto ni Jonathan, at mayroon ding papasok. Tapos ay may parang masayang nagkukuwentuhan ang dalawa, at kung anu-ano pa na paglalandi ng babae kay Jonathan.
"Can't you see it, Mom? That's Kuya with his mistress. Niloloko ng magaling niyong anak si Ate Ashlene." At nagisimula nang mainis si Darren sa ina dahil kahit may ebidensya na nga siyang ipinapakita ay nagbubulagbugan pa rin ito. Ayaw talagang maniwala na may ginagawang katarantaduhan ang paborito nitong anak.
"Tumigil ka!" Ang malupit ay isang sampal pa ang natamo niya sa ina.
"Bakit mo ako sinampal, Mom? Nagsasabi lang ako ng totoo!" puno ng paghihimagsik na kaniyang tanong habang hawak-hawak ang namumula niyang pisngi.
BINABASA MO ANG
REVENGE OF THE REAL WIFE (published under IMMAC)
Romance(R18) Gawa ng aksidente ay na-comatose si Ashlene. Nanatili siyang tulog ng ilang buwan dahilan para kumuha si Jonathan ng private nurse. Ang hindi alam ni Jonathan ay ang desisyon niya na iyon ang magdadala ng kaguluhan sa buhay nila na mag-asawa...