Part 6

25.4K 421 18
                                    

"BUTI nakarating ka, Sis."

Nagbeso-beso sila ni Flower nang magkita sila sa venue nang party na kaniyang pinuntahan.

"Ako pa ba?" nakangiting nagyayabang na sagot ni JL pagkuwa'y inilibot nito ang tingin sa paligid ng resto bar.

Patay-sindi ang iba't ibang kulay ng lugar at madami-dami na ang nagkakasiyahan. At dahil malakas ang tugtog ay halos nagsisigawan na sila ni Flower para magkarinigan.

"Mukhang ang saya, ah?"

"Oo naman. Saka madaming guwapo kaya sure akong mag-i-enjoy ka, Sis," proud na sabi ni Flower. Kumuha ito ng isang wine glass nang may dumaan na isang waiter sa banda nila at iniabot iyon sa kaniya. "At saka sosyal dito hindi tulad sa trabaho natin doon sa Hong Kong. Puros matitino ang mga tao rito. Lahat professional. Tayo lang ang hindi. Buti na lang hindi halata."

Inismiran niya ang kaibigan. Ang gaga talaga.

"Eh, nasaan na ang boyfriend mo na birthday celebrant? Ipakilala mo na siya sa 'kin para naman maagaw ko na siya sa 'yo?" biro niya pagkatapos niyang sumimsim sa mamahaling wine.

"Subukan mo lang nang ipapakulam kita. Paluluwagin ko ulit iyang pinasikip mong ano mo," biro rin sa kaniya ng kaibigan.

Malutong silang nagtawanan. Nag-apiran din.

"So, kamusta naman ang inaakala ng lahat na dakilang domestic helper sa abroad?" tanong ni Flower nang makakuha sila ng table na solo nila. Iyong nakatayo lang sila. Crowded na ang bar kaya mahirap na maghanap ng sariling lugar. Maliban kasi sa bisita ay madami ring walk in customer ang bar.

"Gaga ka. Bunganga mo pigilan mo't baka may makarinig," saway niya sa kaibigan.

Si Flower lang ang tanging nakakaalam ng kaniyang sekreto; ang sekreto na hindi talaga domestic helper ang trabaho niya sa Hong Kong. Sapagkat ang totoo ay entertainer siya ng isang bar doon.

Noong una ay naging domestic helper naman talaga siya pero nahirapan siya kaya nang sumunod na contract niya ay entertainer na ang in-apply-an niya. Pinalabas lang niya na domestic helper pa rin siya sa nanay at sa kapatid niya para payagan siya noon na muling mag-abroad.

Sa trabahong iyon sila muling nagkita ni Flower dahil ito mismo ang nag-recruit sa kaniya. Nakilala lamang nito si Gomer kaya hindi na bumalik pa sa Hong Kong.

"Wala ka man lang bang nasilo roon na rich na foreigner?"

Umiling siya. "Ayaw kong ibigay ang puso ko sa kanila. Sapat nang natitikman nila ang katawan ko. Huwag na nilang pasukin ang buhay ko."

"Ay, taray pang matalino ang sagot," biro ni Flower. Itinulak pa siya nito sa braso.

Natawa naman siya.

"Nasaan na nga siya? Excited na akong makilala ang boylet mo. Kikilatisin ko kung guwapo nga tulad nang ipinagmamayabang mo sa akin," pag-iiba niya sa usapan. Pinakaayaw niya kasi na pinag-uusapan ang masalimuot niyang naging buhay sa Hong Kong. Boring 'yun.

Iginala naman ni Flower ang tingin sa paligid. "Wait. Nandito 'yun kanina lang, eh." At mas lumuwang na nga ang pagkakangiti nito nang makita na nito ang business tycoon na nobyo. "Ayun pala siya."

"Saan do'n?" Halos magkandahaba-haba naman ang leeg ni JL sa pagtanaw sa mga nag-uumpukan at nagkakatuwaang mga kalalakihan.

"Ay naku, halika na nga lang. Lumapit tayo sa kanila." Hinila siya ni Flower.

Nagkukulitan sila na magkaibigan na palapit sa nobyo raw nito. In fairness, guwapo nga si Gomer. Hindi pa man ay naiinggit na siya kay Flower.

Hanggang sa napakislot siya nang may mahagip siya sa isa sa mga kasama ni Gomer. Namilog ang kaniyang mga mata at umuwang ang kaniyang mga labi. Rumegidon din sa kaba ang kaniyang didbib.

REVENGE OF THE REAL WIFE (published under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon