"WHY are you crying, Marjorie?" nagtataka na tanong ni Jonathan sa nakasalubong niyang dalaga. Parehas sila na patungo sa kuwarto ni Ashlene.
Si Marjorie ay para sa gamot ng pasyente nito at siya naman ay para i-check lang ulit ang kaniyang asawa. Isama na rin ang pag-iwas niya sana kay JL. Ayaw niya sanang bigyan pa ng pagkakataon si JL na gawin ulit ang pang-aakit sa kaniya. Ayaw niyang matuloy ang muntik na namang kasalanan na nagawa niya kasama ang mapanuksong babae na iyon.
Subalit kapansin-pansin ang parang pag-iwas ni Marjorie. Hindi siya nito sinagot. Instead, she shot him a narrowed glare.
"Wait lang, Marjorie." Dali-daling iniharang ni Jonathan ang katawan sa lalakaran ng dalaga upang makausap muna ito. Nagtaka kasi siya sa kakaibang inasal nito.
Halatang nabigla si Marjorie.
Napahimas si Jonathan sa batok. Abruptly, he became uncomfortable. "Sorry, but I think we need to talk, Marjorie. What's the matter? May nangyari ba?"
"Sorry rin, Kuya, pero kailangan ko nang bigyan ng gamot si Ate Ashlene," nga lang ay alibi ng dalaga. Iniyuko nito ang ulo bilang paggalang pa rin sa kaniya bago nagpatiunang pumasok sa silid.
Nag-alangan man ay sumunod si Jonathan sa dalaga. At nahalata niya talaga ang pagkailang o pag-iwas sa kaniya nito.
"Marjorie, puwede na ba tayong mag-usap?" saka lang niya muling kinausap ito nang sa wakas ay matapos ito sa ginawa. Nagtataka na kasi talaga siya. Isa pa'y ayaw niya ang ganito na pati si Marjorie ay lalayo ang loob sa kaniya. Hindi siya sanay.
"Kuya, okay na po si Ate Ashlene. Maiwan ko na po kayo," subalit paalam naman nito sa kaniya.
Napakamot-batok na lang siya ulit. Wala siyang nagawa kundi ang hayaan na itong umalis. Nahiya na siya. Next time na lang siguro niya ito kakausapin.
"Ashlene, Hon, bakit kaya galit sa akin si Marjorie? Did she say anything to you?" parang tangang naitanong niya tuloy sa tulog niyang asawa nang umupo siya sa tabi nito.
Ilang minuto siyang kinain ng kaguluhan sa isipan bago may kung anong masamang kutob na lumukob sa kaniyang dibdib. Napatuwid siya nang pagkakaupo.
"Hindi kaya tungkol ito kay JL? May napansin na ba si Marjorie sa amin o may nakita ba siya?"
Possible! Possible na iyon nga ang dahilan. Mukhang may alam na nga si Marjorie tungkol sa nangyari sa kanila ni JL. Magkapatid ang dalawa kaya maaaring nagkuwentuhan sila.
"Sh*t!" Napahilamos si Jonathan. Nakaramdam siya ng matinding kahihiyan. Wala na siyang mukha na maihaharap pa sa magkapatid, lalong-lalo na kay Marjorie.
"But wait, kung tungkol sa amin JL ang problema ay bakit sa akin nagagalit si Marjorie? Si JL ang umaakit sa akin kaya dapat sa kapatid niya siya galit at hindi sa akin. Dapat nga ay humihingi sa akin si Marjorie ng paumanhin dahil ginugulo ako ng kapatid nito."
"Really, Jonathan? Si Marjorie pa ang dapat mahiya sa 'yo? Hindi ba't ikaw ang naging marupok? Tandaan mo, walang malandi kung walang magpapalandi?" mabuti na lamang at saway sa kaniya ng sarili. He suddenly woke up to his foolishness.
Nakaramdam ulit si Jonathan ng hiya kay Marjorie. Iginagalang siya ng dalaga pero heto't nakakahiya ang kaniyang ginawa. Pinatulan niya ang kapatid nito kahit may asawa siya. Siguro ang tingin na ngayon sa kaniya ni Marjorie ay napakaduming lalaki, na parehas lang siya ng ibang lalaki na manloloko ng asawa.
Iiling-iling siyang napatayo. Nag-isip siya ng gagawin kung paano siya makabawi kay Marjorie. Animo'y isa siyang pusa na hindi makaanak na nagpabalik-balik siya ng lakad.
Kung bakit kasi nangyari ito sa kaniyang asawa. Natukso tuloy siya.
Bigla na naman siyang natauhan. Bumalik siya sa kaniyang asawa at masuyong hinawakan sa kamay. "Sorry, Hon, I didn't mean what I said. It's not your fault, it's all my fault, okay? I love you, Hon," saka madamdamin niyang paghingi ng tawad. Ngani-nganing suntukin niya ang sarili. Hindi niya lamang nagawa dahil biglang nag-vibrate ang kaniyang cellphone na nasa bulsa ng kaniyang pantalon. Dinukot niya iyon at tiningnan.
It's Gomer who's calling.
"Pare, bakit?" sagot niya sa tawag ng kaibigan.
"Pare, pumunta ka rito now na! Hurry up!" Natataranta ang boses ni Gomer sa kabilang linya.
"Saan?"
"Dito sa bar, pare. Dito sa Tipsy Teapot."
Nagsalubong ang kaniyang dalawang kilay. "And why should I go there? What's going on?"
"It's about JL, pare. Lasing na lasing siya ngayon. Nagwawala. Hinahanap ka."
Dumagundong sa loob ng silid ang kanyang, "What?!"
"Oo, pare, at hindi na namin alam paano ito aawatin. Pangalan mo lagi ang sinasabi niya. Ikaw lang daw ang gusto niyang makita at makausap kaya ang mabuti pa'y pumunta ka na rito. Ang kulit, pare. Nakakahiya na sa mga tao. Naandito pa naman ang ibang mga kakilala natin."
His jaw clenched as he cast a glance to his wife. Napatitig siya kay Ashlene. Magagawa niya bang iwanan ang asawa para sa ibang babae?
"Pare, ano? Pupunta ka ba rito?" pangungulit ni Gomer. "Baka makasira ang pinagagawa ng babaeng ito sa negosyo natin."
Before answering, he let out a deep sigh. "Oo, papunta na ako. Wait lang."
Wala na siyang isip-isip pa na lumabas sa silid ng kaniyang asawa. Pupuntahan niya si JL, oo, pero iyon ay upang awatin lamang sa nakakahiyang ginagawa.
Ano na lang ang sasabihin sa kaniya ng mga kakilala niya? Na may bago na siya agad gayong comatose pa ang kaniyang asawa? Ayaw niyang mangyari iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/62076056-288-k914123.jpg)
BINABASA MO ANG
REVENGE OF THE REAL WIFE (published under IMMAC)
Romantizm(R18) Gawa ng aksidente ay na-comatose si Ashlene. Nanatili siyang tulog ng ilang buwan dahilan para kumuha si Jonathan ng private nurse. Ang hindi alam ni Jonathan ay ang desisyon niya na iyon ang magdadala ng kaguluhan sa buhay nila na mag-asawa...