ANG SINABI ni JL na magba-bonding silang magkapatid ay hindi nangyari. Nawalan agad ng mood si JL. Nagpaalam siya sa kapatid at umalis din agad.
"Talaga? Seyoso?" Halos hindi makapaniwala si Flower nang ikuwento niya rito ang kaniyang natuklasan ukol kay Jonathan. "Kinilabutan naman ako. Ang liit talaga ng mundo, ano? Grabe."
Sumimsim ng alak si JL. Naroon siya ngayon sa bahay ni Flower. Doon siya dumiretso pagkatapos niyang bumisita kay Marjorie.
Maliit nga talaga ang mundo at mapaglaro pa, pero sa ngalan ng nararamdaman niya para kay Jonathan ay handa siyang makipaglaro kahit buhay niya pa ang kaniyang kailangang isugal kung saka-sakali.
"Inaalagaan ng kapatid mo ang karibal mo? Naku, mahirap 'yan, Sis," wika pa ni Flower na may pamosong ngiti.
Napalatak siya. "Kaya nga ang laki ng problema ko. Ang tingin ko kasi kay Marjorie ay napalapit na siya kay Ashlene."
"Hindi mo naman masisisi ang kapatid mo kasi pasyente niya iyon. Halos lahat naman ng nurse ay ganoon. Iyon ang sinumpaan nilang tungkulin, eh."
"So, hahayan ko na lamang itong nararamdaman ko upang hindi masira ang trabaho ni Marjorie, ganoon ba?"
"Ikaw kung kaya mong sabihin sa kapatid mo na ang gusto mong maging asawa ay ang asawa ng inaalagaan niya, kaya mo ba?"
JL let out a frustrated breath. Nag-uumpisa na siyang mainis dahil may tendency pa yata na si Marjorie ang magiging hadlang sa plano niyang paiibigin si Jonathan.
"Saka sure ka ba na paiibigin mo si Jonathan kahit may asawa na? Remember magiging kabit ka if ever. Kahit kasi comatose si Ashlene ay asawa pa rin siya ni Jonathan. Buhay pa rin 'yon, eh."
"'Di ba sinabi ko na sa 'yo kanina pa na wala akong pakialam kahit na may asawa na siya. Basta gusto ko siya, period. Tapos ang usapan," napakaseryosong giit niya.
Dati ay nagmahal na rin si JL pero isinuko niya ang pagmamahal na iyon dahil sa pag-a-abroad niya para sa pamilya niya. Ngayon hindi na, wala na siyang balak na isuko ulit ang lalaking mahal niya dahil lang may asawa na ito. May edad na siya para magpaubaya ulit. Kailangan na niya ng lalaking makakatuwang sa buhay at si Jonathan lang ang gusto niya.
Ano naman ang big deal kung magiging kabit siya? Trabaho nga niya iyon sa Hong Kong noon. Hindi na bago iyon sa kaniya.
"Isa pa'y gusto ko nang magbago. Pagod na ang katawan ko kaka-pokpok. Gusto ko nang mapirmi sa piling ng isang lalaki na mahal ko at mahal ako."
"Kung ganoon ay bakit hindi mo na lang gamitin ang nurse mong kapatid para mapalapit kay Jonathan?"
Napakunot-noo si JL. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
Pilya namang ngumiti si Flower. "Close sina Jonathan at Marjorie, hindi ba?"
"Oh, tapos? Ano'ng konek?"
"Simple lang, Sis. Iyon ang gamitin mong paraan. Makipag-close-close-an ka rin sa kanila. Gamitin mo ang kapatid mo."
Napaisip nang ilang segundo si JL sa ideyang iyon. Mayamaya ay sumilay na sa labi niya ang isang nakakalokong ngiti. "Gets ko na. Ang galing mo, Sis."
"Utak lang 'yan, Sis," nakatawang saad ni Flower na itinuro-turo ang sariling sintido nito. Tiwalang-tiwala na epektibo ang naisip nitong ideya.
At hindi na nga nagpaligoy-ligoy pa si JL nang makaisip sila na magkaibigan nang magandang sasabihin kay Marjorie. Tinawagan niya agad ang kapatid.
"Ate, bakit po?" agad na sagot ni Marjorie sa kabilang linya.
"Marjorie, ano kasi may problema ako." Ginawa ni JL na kaawa-awa ang kaniyang boses.
"Huh? Ano po 'yon, Ate?"
"Ano kasi... uhm... hindi ako puwedeng umuwi sa bahay, Marjorie, kaya puwede ba akong tumuloy r'yan?"
Hindi na nakasagot si Marjorie. Hindi niya kasi alam kung puwede nga ba ang hinihinging pabor ng Ate JL niya.
Habang hawak ang cellphone sa tainga ay napatingin ang dalagang nurse sa kaniyang amo na abala sa pagkain. Kasalukuyang sabay silang kumakain ni Jonathan nang nag-ring ang cellphone niya.
"Please, Marjorie. Pakiusapan mo naman ang amo mo para sa akin kung puwede ako riyan kahit ngayong gabi lang. Wala talaga akong matutulugan ngayon kasi, eh," sumamo pa ni JL nang hindi pa rin umiimik ang kapatid sa kabilang linya. Kailangan niyang mapapayag ang kaniyang kapatid, by hook or by crook.
"Bakit hindi ka makauwi, Ate?"
"Ang totoo, may lalaki kasi akong nakilala. Eh, type niya ako pero hindi ko naman siya gusto. Sinundan niya ako sa bahay natin. Natatakot ako, Marjorie, dahil stalker ko na siya ngayon," JL said in helplessly tone.
Nakaramdam na rin ng pag-alala si Marjorie para sa kapatid.
"Is there something wrong? Sino 'yang kausap mo?" Mabuti na lamang at naunahan siya ng pansin ng amo niya. Nahalata malamang nito ang kilos niyang hindi mapakali.
Dinig na dinig naman ni JL ang boses ni Jonathan. Lumundag talaga ang kaniyang puso at napangiti. Hindi na siya makapaghintay na makasama ito. Excited na siya.
Alam niyang hindi siya mahihindian ni Marjorie kaya natitiyak na niyang mangyayari iyon. Mahal siya ng kaniyang kapatid kaya tiwalang-tiwala siya na papatulan nito ang plano niya.
Lahat nang sinabi niya ay naisip lang nila ni Flower. Wala talaga siyang stalker. Gumawa lang sila ng kuwento upang kapani-paniwala.
"Kuya, si ano... si Ate JL ko po. Nakikiusap po siya kung puwede po siyang makitulog dito ngayon kasi raw po ay may lalaking sunod nang sunod sa kaniya kahit sa bahay namin," utal-utal ang boses ni Marjorie na narinig niya.
"Ganyan nga, little sis," sa loob-loob naman niya na tuwang-tuwa.
"Gano'n ba? Sige, walang problema. Papuntahin mo na siya rito at baka kung ano'ng gawin ng lalaking iyon sa kaniya. May isa pa naman na kuwarto sa taas. Puwede rin iyong guest room."
Napa-Yes si JL sa isip-isip niya nang marinig niya iyon na sinabi ni Jonathan. Kinindatan niya si Flower para ipaalam na tagumpay ang naisip nilang kuwento.
Walang tunog na pumalakpak naman si Flower.
"Ate, nandiyan ka pa? Sige raw po, Ate. Sabi ni Kuya Jonathan ay puwede ka raw makitulog ngayon dito."
"Talaga? Naku, sabihin mo na salamat. Ang bait naman niya."
"Opo. Sige na pumunta ka na rito, Ate. Ingat ka, ha?"
"Sige. Hintayin mo ako, ha?" At kaniya nang pinatay ang tawag.
Nag-apiran na silang magkaibigan pagkatapos.
"Sabi ko sa 'yo, eh," tuwang saad ni Flower.
Maluwang na ngumiti si JL sa kaibigan habang isinisilid niya ang cellphone niya sa bag. "So, paano maiwan na kita rito? Kailangan ko nang puntahan ang future husband ko."
"Go, Sis. Ipaglaban mo ang bandila ng kalandian mo," pagtataboy sa kanIya ni Flower. Nagtatawang pinalo pa ang kaniyang puwitan.
Napahagikgik naman siya. Walang maisidlan ang tuwa ng kanIyang puso. Hindi siya makapaniwala na makakasama na niya sa iisang bubong si Jonathan. Salamat sa kaniyang kapatid na aanga-anga.
BINABASA MO ANG
REVENGE OF THE REAL WIFE (published under IMMAC)
Romance(R18) Gawa ng aksidente ay na-comatose si Ashlene. Nanatili siyang tulog ng ilang buwan dahilan para kumuha si Jonathan ng private nurse. Ang hindi alam ni Jonathan ay ang desisyon niya na iyon ang magdadala ng kaguluhan sa buhay nila na mag-asawa...