"AYAW MO talagang uminom?" nang-aakit na tanong ni JL sa kaniya. Nasa isang mamahaling restaurant na silang dalawa. At embis na kumain lang ay sinamahan ni JL ang order nito ng alak na siyang iniinom nito ngayon.
Jonathan shook his head. Konti lamang ang nakain niya kahit masasarap ang mga putahe sa kanilang table, naaasiwa siya sa ginagawa ng dalaga. Halatang sanay na sanay ito sa pag-inom ng alak. Kabaliktaran nito si Ashlene na ni tikim ay hindi magawa.
"Sige na. Tikman mo lang. Masarap ang alak nila rito. Dito kami lagi ni Flower nag-iinom kaya alam ko." Pero mapilit talaga si JL. Halos ipainom na sa kaniya ang laman ng baso katulad ng isang bata.
Minsan natatawa rin siya. Makulit pero malambing naman kasi ang dalaga.
"Isa lang, ha?" mayamaya ay pag-unlak na niya rito.
Tumango-tango si JL habang pumapalakpak na walang tunog. Namumungay na ang mga mata nito. Tinamaan na siguro kaunti.
Tinungga na niya ang laman ng baso. Bottoms up para maubos na agad at makauwi na sila.
"Nice." Tuwang-tuwa si JL.
Napangiwi naman siya. Gumuhit sa kaniyang lalamunan ang alcohol. Nanibago siya dahil hindi naman na siya palainom simula nang nakasama niya si Ashlene sa iisang bubong. Hindi dahil sa pinagbawalan siya, ginusto niya lang talaga noon na maghinay-hinay na sa alak para sa asawa.
"Umuwi na tayo. Hinihintay na ako ng asawa ko sa bahay," pagkatapos ay pag-anyaya na niya nang umayos ang kaniyang pakiramdam.
Napatuwid ang tingin ni JL sa kaniya. Tinitigan siya.
"Why? May dumi ba ako sa mukha?" Nailang na napahilamos siya sa kaniyang mukha.
"Gan'yan mo siya kamahal?" pero seryosong tanong ni JL embis na sagutin iyon.
"Sino? Si Ashlene? Of course, I love my wife very much."
"Kahit wala na siyang silbi?"
Halos mag-isang linya ang mga kilay ni Jonathan. Hindi niya nagustuhan ang naging tanong na iyon ng dalaga. Masakit sa damdamin pero kung iisipin ay tama naman si JL. Wala nang silbi ang kaniyang asawa, pero ngayon lang naman dahil kapag nagising na ito ay babalik na ang lahat ulit sa normal.
"I mean ngayon na may sakit siya. Sakit na walang kasiguraduhan kung gigising pa. Sabi kasi sa akin ni Marjorie ay matagal na siyang tulog."
Hindi siya umimik, sa halip ay kaniyang nilaro ang yelo sa hawak na baso.
"Bakit hindi mo pa siya i-give up? Baka pagod na siya? You know what I mean," sabi pa ni JL.
"Mahal ko, eh," maagap niyang sagot. "Mahal na mahal kaya hindi ko kayang mawala siya sa akin."
"Sa tingin mo pagmamahal pa 'yan? Baka naman pagka-selfish na 'yan?"
"The doctor reassured us that there is hope. My wife still has brainwaves. At aasa ako kahit gaano pa kaliit ang pag-asa na gigising siya," buo ang loob at madiin niyang sagot.
"Okay, pero hindi ka ba naghahanap ng kalinga? Hindi mo ba nami-miss ang mga bagay na naibibigay lang sa iyo ng isang babae?" Masuyo at nakakaakit ang boses na ni JL. "I mean sa kama? Hindi ka ba nakakaramdam ng pangangailangan?"
Jonathan gulped after hearing those words. Syempre ay kaniyang nauunawaan ang nais ipabatid ng kausap. Prangka nga talaga si JL. Liberated. Ibang-iba sa kapatid nito. At dahil sa lalaki siya ay hindi niya maikakaila na naramdaman niya ang biglang pagkislot ng pagkalalaki niya sa pagbanggit nito sa maselang bagay na iyon. Para bang bigla-bigla ay nagising ang ano niya mula sa mahabang panahong pagkakatulog simula na-comatose si Ashlene.
![](https://img.wattpad.com/cover/62076056-288-k914123.jpg)
BINABASA MO ANG
REVENGE OF THE REAL WIFE (published under IMMAC)
Romans(R18) Gawa ng aksidente ay na-comatose si Ashlene. Nanatili siyang tulog ng ilang buwan dahilan para kumuha si Jonathan ng private nurse. Ang hindi alam ni Jonathan ay ang desisyon niya na iyon ang magdadala ng kaguluhan sa buhay nila na mag-asawa...