Part 1 || The Accident

65.5K 1K 17
                                    

"Suddenly, our married life was ruined when another woman appeared, seeking to usurp my position as the legal wife."

-Ashlene Zamora Villasera



"I LOVE you so much, Ashlene. Ang saya-saya ko dahil sa wakas ay nasa sa iyo na ang aking apelyido," paglalambing ni Jonathan sa kaniyang asawa. Hinawakan niya ang isang kamay ni Ashlene at nginitian ng pagkatamis-tamis.

Sa kaniyang loob-loob ay muli siyang nangangako na kahit na ano ang mangyari ay magiging mabuti siyang asawa para kay Ashlene, na ito lamang ang mamahalin niyang babae habambuhay.

Kanina lang sila ikinasal ni Ashlene sa halos dalawang taon rin nilang pagiging mag-live-in partner. Bago kasi sila nagpasya na magpakasal ay naisip muna nila noon na magsama at tingnan kung sila ba ay compatible talaga para sa isa't isa o hindi pala.

At ngayon, heto na sila, papunta na sa kanilang wedding reception sakay ng kanilang wedding car. Mas buo na ang paniniwala nila na ang kanilang relasyon ay magiging panghabambuhay na.

Sa wakas ay tapos na ang kanilang kasal na noon pa nila gusto na mangyari. Lagi lang nila hindi itinutuloy dahil may takot pa sila noon na baka hindi mag-work ang kanilang pagsasama. Gayunman, hindi nila pinagsisisihan kahit natagalan pa ang kasal nila dahil ngayon ay wala na silang pangamba. They are now certain that they are truly destined for each other, ready na sa panghabambuhay na commitment.

"Mas mahal kita, Jonathan," masayang tugon ni Ashlene. Inihilig niya ang kaniyang ulo sa matipunong dibdib ni Jonathan.

Kung masaya si Jonathan ay higit pang masaya si Ashlene. Mahal na mahal niya ang kaniyang asawa. At katulad ng mga babaeng ikinasal sa lalaking kaniyang mahal ay hindi rin mailarawan ang kasiyahang nararamdaman niya sa sandaling iyon. Actually, ang pakiramdam niya ay nasa alapaap pa rin siya magpahanggang ngayon.

Sa simbahan kanina, siya pati na ang mga bisita nila ay walang humpay sa pag-iyak. Grabe ang saya niya kanina. Tama nga ang sabi-sabi na ang pinakamasayang araw sa buhay ng isang babae ay ang araw na ikasal siya sa lalaking pinakamamahal niya. Napatunayan niya iyon kanina.

Mayamaya ay tumigil ang kanilang wedding car dahil nagkulay pula ang traffic light.

Ashlene felt her husband kiss the top of her head. She lifted her gaze, and upon seeing his handsome face, she smiled sweetly. She even saw him mouth, 'I love you,' before he planted a kiss on her forehead. Ang sweet talaga ng kaniyang asawa.

"Tatandaan mo palagi na mahal na mahal kita, Hon. Kahit pa mawala ako ay ikaw lang, wala nang iba pa," naglalambing na sabi naman niya.

Naging kasabay niyon ang pag-andar ng kanilang wedding car dahil nagkulay berde na ang traffic light. Subalit kasabay rin niyon ang bigla-biglang pagsulpot ng isang truck na bumangga sa kanila.

In a split second, A horrible sound shattered the silence, shaking the place and changing everything in their newlywed life.

"Clear!" the doctor shouted before pressing the defibrillator paddles to Ashlene's chest. He was trying his best to revive Ashlene.

Si Ashlene, siya ang napuruhan sa nangyaring aksidente kanina lamang. Halos hindi na nga makilala ito dahil sa dami ng dugo gawa ng tinamong sugat ng mukha nito.

Kasabay rin n'yon ay ang panggagamot din sa sugatang si Jonathan sa kabilang banda ng Emergency Room. Luckily, hours later, Jonathan was no longer in critical condition. Hindi katulad ng driver ng kanilang wedding car na dead on arrival.

"A-Ashlene..." At nang nagkamalay na siya ay ang pangalan agad ng kaniyang asawa ang tinawag niya. Nagbukas-sarado siya sa kaniyang mga mata dahil nasisilaw siya sa liwanag.

"Diyos ko!" Nataranta naman si Mrs. Susan Villasera. Agad niyang niyakap ang anak nang makitang gising na nga nang tuluyan ito sa halos dalawang araw rin nitong pagiging tulog.

"Thank God at nagising ka na, Son," she howled while shedding tears.

Jonathan, still weak, let his eyes roam around. He was puzzled about where they were and wondered why he felt pain almost all over his body. Pero nang ipinaalala na sa kaniya ng isipan ang nangyari; iyong truck, iyong banggaan, iyong nakakatakot na tunog ng salpukan ay biglang lumuwa ang mga mata ni Jonathan.

"M-Mom?!"

Humiwalay sa yakap si Aling Susan. "How are you, Son? Ano'ng nararamdaman mo?"

Abruptly, Jonathan held his mother's hand. "Mom, where's my wife? Bakit wala siya rito? Ayos lang ba siya?" tapos ay sunod-sunod niyang tanong. His panicky voice filled the private hospital's room.

Subalit iyak lamang ang isinagot ni Aling Susan sa kaniya, na siyang nagpakaba pa nang husto sa dibdib niya.

"Where's Ashlene, Mom? Please sagutin mo ako," tanong niya pa. He forced himself to sit down, but he winced when he felt a pain in his head. He groped his head and realized it was bandaged.

"Pakiusap humiga ka lang, Anak. Ang mga sugat mo," atubiling pigil sa kaniya ng ina.

"Mom, please answer me. Nasaan ang asawa ko?" sumamo niya pa rin. He doesn't mind all his pain. Ang mahalaga lamang sa kaniya ngayon ay malaman kung ano ang kalagayan ng kaniyang asawa. Sapagkat ang kaniyang naaalala ay sa banda ni Ashlene sumalpok ang truck.

"I'm sorry, but your wife is comatose, Son. Nasa ICU pa rin siya ngayon," nakakalungkot na nga na sagot sa kaniya ng mommy niya habang humihikbi.

Sa narinig, pakiramdam ni Jonathan ay na-paralyze siya ng ilang sandali. He was shocked and terrified. And after seconds crept by, he cried his heart out and shook his head incredulously.

"Hindi maaari na nangyayari ito kay Ashlene! No! It can't be!

"Magpakatatag ka, Son," alo sa kaniya ng ina.

"Sabihin mo sa 'kin na nagbibiro ka lang, Mom. Na hindi totoo!" pakiusap niya sa ina.

"Totoo, Son."

Nanghina si Jonathan. He felt like he had lost his strength again. Humihiyaw ang kaniyang isipan.

"Hindi maaari ito! Kakakasal lang namin ni Ashlene! Dapat ay masaya kami ngayon at hindi ganito!"

"Don't worry, Son, dahil matatag ang asawa mo. Naniniwala ako na makaka-survive si Ashlene katulad mo. Ipagdasal na lang natin na bukas o isang araw ay gigising din siya upang magkasama kayo ulit." His mother caressed his back wholeheartedly. "Wait, tatawagin ko 'yong doktor."

"No, Mom, gusto ko nang makita ang asawa ko. Where's the ICU?" but he protested and aggressively removed all the tiny tubes attached to his body.

"Huwag mong gawin 'yan, Son!" hestirikal na pakiusap ni Aling Susan.

Hindi pinansin ni Jonathan ang ina. Ipinagpatuloy niya ang ginagawa kahit na napapangiwi siya dahil sa mga hapding nararamdaman, lalo na nang hinila niya ang karayom ng dextrose sa kaniyang kamay.

Kailangan niyang puntahan ang kaniyang asawa. Baka hinahanap na siya ni Ashlene. Baka tinatawag na siya nito.

"Son, tama na. Iyang mga sugat mo," pakiusap ng ninenerbyos niyang ina. "Nurse! Doc!" at sigaw na nito nang hindi talaga siya nagpapapigil.

"Mom, please dalhin mo ako kay Ashlene. I want to see my wife," he insisted. Umalis na siya sa kama. Hindi siya nakinig. Hindi siya nagpapigil. Wala na siyang pakialam sa kaniyang sarili.

Natigilan lamang siya nang nakaramdam siya ng sakit sa kaniyang mga paa nang kaniyang subukan na ilakad. Napahawak siya sa pader at nakangiwing nasapo ang kaniyang ulo. Hanggang sa nahilo na siya at bumagsak sa sahig.

"Diyos ko, Anak!" Agad na umalalay ang ina sa kaniya. "Sinabi ko na, hindi mo kaya. Huwag kasing matigas ang ulo mo. Kagigising mo lang at mahina ka pa kaya huwag mong pilitin ang sarili mo. Wala ka namang dapat ipag-alala dahil nandoon naman ang Mama Marcelina mo na nagbabantay sa asawa mo. If you want, let's visit her tomorrow, huwag lang muna ngayon."

"Hindi, Mom, mas kailangan ako ng asawa ko sa mga oras na 'to," giit pa rin niya. Pinilit niya ulit na tumayo. Unfortunately, wala naman siyang nagawa sa huli dahil may pilay pala ang kaniyang isang binti.

REVENGE OF THE REAL WIFE (published under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon