Part 36 || Sworn Duty

13.4K 277 8
                                    

"SI ASHLENE! Kukunin nila ang asawa ko sa akin!" Napabalikwas ng bangon si Jonathan kahit na mahilo-hilo pa siya sa malakas na suntok sa kaniya ni Darren kanina.

"Jonathan, ano ba! Hayaan mo na sila na kunin nila ang babaeng 'yon. At least, wala ka nang alagain pa," pero singhal na pigil sa kaniya ni JL.

"Asawa ko 'yon. Asawa ko ang ilalayo nila sa 'kin at hindi ako papayag."

"Pabayaan mo na siyang mawala tutal nandito naman ako na papalit sa asawa mo. Buhay na buhay ako, Jonathan, hindi tulad ni Ashlene na parang patay na. Wala na siyang magiging silbi sa iyo. Pinapahirapan ka lang niya sa pag-aalaga sa kaniya."

Napatitig si Jonathan sa mukha ni JL. Hindi siya makapaniwala sa mga inilabas ng bunganga nito.

"Sorry, nadala lang ako," maagap na pambawi naman ni JL bago siya magalit dito. "Pero seryoso ako dahil kaya ko naman na maging asawa sa 'yo. Kaya kong palitan si Ashlene, Jonathan."

Hinaplos ni JL ang pisngi niya, dagdag sa panunuyo sa kaniya. Subalit nanaig pa rin ang pagiging asawa niya kay Ashlene. "No. Hindi ko kaya na ilayo nila sa akin ang aking asawa. Mahal na mahal ko pa rin siya."

"Tanga ka ba talaga, huh?!" Galit na muling itinulak siya sa balikat ni JL.

Natumba siya ulit sa kama. Napaupo siya roon na litong-lito ang kaniyang hitsura. Namumula ang mga mata sa nagbabadyang mga luha.

"Sabing pabayaan mo na sila! Nandito naman ako, eh! Ako na ang magiging asawa mo! Ako ang papalit sa walang kuwenta mong asawa! Mamamatay na rin naman na 'yon kaya hayaan mo na. Dalawin na lang natin siya kapag ibuburol na siya!"

Sa narinig ay awtomatika na nagdilim ang paningin ni Jonathan. Marahas siyang tumayo at sinampal si JL. "Kahit kailan ay hindi mo siya mapapalitan at lalong hindi siya mamamatay! Gigising pa ang asawa ko para sa akin! Ilagay mo yan sa kukote mo!" saka mabagsik niyang duro rito.

Sapo ang pisngi ay kitang-kita sa mukha ni JL ang pagkagulantang. Para ba'y humiwalay ang kaluluwa nito sa katawan nito ng ilang segundo. Masakit ang sampal ni Jonathan pero malayong mas masakit sa pakiramdam niya ang binitawang mga salita nito.

Mayamaya ay tumulo ang mga luha ni JL habang nakatitig kay Jonathan. Akala niya ay napapantayan na niya si Ashlene sa puso ni Jonathan pero malinaw na hindi pa pala.

"I'm sorry." Kahit si Jonathan ay nagulat sa kaniyang nagawa pero lumabas pa rin siya pagkasabi niya niyon. Pipigilan pa rin niya ang kaniyang biyenan. Hindi talaga siya makakapayag na kukunin sa kaniya si Ashlene.

Hindi nga lang siya nakaporma agad dahil hinarangan siya ng tatlong malalaki ang katawan na mga lalaki na sadyang inupahan ni Aling Marcelina upang pigilan siya. At nang nagpumilit nga siya ay walang awa na binugbog siya ng mga ito.

"Tama na! Tama na po!" sigaw ni Marjorie nang makita niya ang sitwasyon. Hirap na hirap agad si Kuya Jonathan niya. Halos wala ng malay. Ginusto niya itong saklolohan pero pinipigilan siya ni Darren. "Anong klase kang kapatid?! Bakit mo pinapahirapan ang kuya mo?!" singhal na lamang niya sa binata.

"Dahil wala siyang kuwentang asawa, Marjorie. Napakabait ni Ate Ashlene pero ano'ng ginawa niya? Pinagtaksilan niya at ngayon pa talaga na kailangan siya ng asawa niya. Kuya Jonathan deserves all of this. Kulang pa nga ang lahat ng ito, eh. Dapat pa nga ay makulong siya, sila ng Ate JL mo. Magpasalamat sila dahil napakiusapan ko pa si Tita Marcelina," ngunit pagrarason ni Darren. Obviously, gusto talaga nito na matikman ng kapatid ang consequences ng panloloko nito sa asawa.

Hindi na nakaimik pa si Marjorie. Darren was right, though.

"Jonathan, Diyos ko!" malakas na sigaw na rin ni JL nang dinaluhan nito si Jonathan. "Ano'ng ginawa niyo sa kanIya! Mga hayup kayo!" At nagwala nang makita ang epekto sa pambubugbog kay Jonathan. Umiiyak nitong niyakap si Jonathan dahil lupaypay na si Jonathan at may black eye. Dinudugo rin ang bunganga ni Jonathan dahil sa putok sa labi.

"Kunin niyo na ang babaeng 'yan! Wala na kaming pakialam! At umalis na kayo rito! Mga hayup kayo! Mga walang utang na loob! Alis!" nanggagalaiting sigaw naman ni JL kina Darren at Marjorie.

"Ate..." Umiiyak si Marjorie habang nakatingin sa kapatid. Gusto niya itong lapitan at payapain dahil kapatid niya pa rin to kahit gaano pa ito kasama, ngunit hindi naman niya magawa.

"Alis na! At kalimutan niyo na na mga kapatid niyo kami! Mga wala kayong kuwentang mga kapatid!" pagtataboy pa sa kanila ni JL habang kalong-kalong ang ulo ni Jonathan.

"Let's go." Hindi apektado na hinila na nga ni Darren si Marjorie papasok ulit sa loob ng silid ni Ashlene.

"Pero ang Kuya Jonathan, Darren, Baka mapaano siya," protesta ni Marjorie sa nagpa-panic na tono.

"He will be okay. Binugbog lang siya kaya hindi siya mamamatay." Inakbayan ni Darren si Marjorie at hinila para mapayakap sa kaniya. Inalo niya ang dalaga sa pamamagitan ng paghagod sa likod nito.

Hindi nagtagal ay kumalma na rin si Marjorie. Inisip na lang niya na hindi rin naman pababayan ni Ate JL niya si Kuya Jonathan nila.

Saglit nga lang ay ready na raw na ilabas si Ashlene. Tumulong na rin sila ni Darren.

"Tayo na," matigas na sabi ni Aling Marcelina sa mga tauhan nang maayos na naipasok na sa ambulansiya si Ashlene. Ayaw na ng ginang na magtagal ang anak nito sa bahay na iyon at baka kung ano pa ang magawa nito sa manugang na inakala nitong matino.

"M-ma'am?" agaw-pansin ni Marjorie kay Aling Marcelina.

Tiningnan ng ginang ang dalagang nurse. Naghintay ng sasabihin nito.

"Ma'am, hayaan o payagan niyo po sana ako na sumama sa inyo. Sana pumayag po kayo na ako ulit ang mag-alaga sa anak niyo. Ako na lang po ulit ang kunin niyong private nurse niya. Willing po ako na sumama sa inyo kahit saan para kay Ate Ashlene," lakas-loob na pakiusap ni Marjorie.

"Pero hindi ba't kapatid ka ng babaeng malandi na 'yon? Why should I trust you?"

Napatingin si Marjorie kay Darren. Nanlumo siya dahil sinabi rin pala ni Darren pati ang tungkol do'n. Kunsabagay dapat naman talaga.

"Tita, iba po siya sa kapatid niya. May malasakit po siya kay Ate Ashlene. Sa kabila ng lahat ay prinotektahan niya po si Ate Ashlene sa kaniyang kapatid. I guarantee that we can trust her, Tita," mabilis namang pagtatanggol sa kaniya.

"Opo. Handa po akong alagaan si Ate Ashlene kahit pa... kahit pa walang kabayaran. Sige po kahit huwag niyo na po akong sahuran, Ma'am, okay lang po basta isama niyo lang po ako," senserong dagdag ni Marjorie sa sinabi ni Darren.

"At bakit mo ginagawa ito sa anak ko?"

"Dahil gusto ko pong punan ang kasalanan ni Ate JL ko sa kaniya sa pamamagitan nito, Ma'am. Gusto ko pong bumawi sa kaniya kahit na alam ko na hindi iyon magiging sapat na kabayaran sa panggugulo ng kapatid ko sa kanilang mag-asawa," matapat na sagot ni Marjorie. "Isa pa ay napamahal na po sa akin si Ate Ashlene. Nangako po ako sa kaniya na aalagaan ko siya hanggang magising po siya."

Ilang sandali na nag-isip si Aling Marcelina. Awa ng Diyos, sa huli ay pumayag na rin ito.

Tuwang-tuwa si Marjorie na sumakay sa ambulansya. Saglit ay paalis na sila ng bahay ni Jonathan.

Ang hindi nila alam na inihatid sila ni JL ng tanaw sa may balcony, at ngising-ngisi ito. Tuwang-tuwa dahil tagumpay ang kaniyang plano. Napaalis na niya na ang bangkay na asawa ni Jonathan sa bahay na iyon. Siya na ngayon ang reyna.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 8 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

REVENGE OF THE REAL WIFE (published under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon