Naalimpungatan si Jonathan sa mga masuyong halik ng kaniyang asawa. Napangiti siya habang nanatiling nakapikit. Ninamnam niya ang pagmamahal na nakalakip sa mga halik nito.
Subalit nang siya ay nagmulat na ng mga mata ay napabalikwas siya nang bangon. Akala niya kasi talaga ay si Ashlene ang humahalik sa kaniya pero si JL pala.
"Good morning," abo't hanggang tainga ang ngiti na bati sa kanya ng dalaga.
Minuto ang itinagal bago siya nakapag-react.
"Darn it!" at inis na inis sa kaniyang sarili na naibulalas niya nang napakabilis na ipinaalala ng kaniyang utak ang mga mainit na tagpo nila ni JL kagabi lamang.
In frustration, naihilamos niya ang mga palad sa kaniyang mukha. What on earth prompted him to do that? Bakit siya nagpaakit kay JL?
"Salamat, ha?" untag ni JL sa kaniya kasabay nang paggagap nito ng kaniyang isang kamay. "Ang saya-saya ko kagabi. Iyon na yata ang pinakamasayang gabi sa tanan ng buhay ko."
Animo'y napaso naman siya na binawi ang kamay. Kung kagabi ay nadadarang siya kay JL, ngayon naman ay para siyang napapalibutan ng yelo habang katabi ito.
"Bakit?" Nagsalubong ang mga kilay ni JL. Hindi nagustuhan ang kanyang ikinilos.
"Sorry, JL, pero hindi dapat nangyari 'yon," aniya. Nagmamadali siyang bumaba sa kama at tinungo ang banyo.
"Anong sorry?! Gago ka ba?!" sigaw ni JL pero nagbingi-bingihan siya.
Sa loob ng banyo ay nasabunutan ni Jonathan ang sarili. Gulong-gulo siya dahil si Ashlene agad ang inaalala niya. Ano pa'ng mukha ang maihaharap niya ngayon sa kaniyang asawa? Sa kabila ng sitwasyon ni Ashlene ay ngayon pa talaga siya nagloko? Fuck, JL was right, ang gago nga niya.
"Jonathan, sorry sa nasabi ko. Ikaw naman kasi," mayamaya ay boses ni JL sa labas ng pinto.
Hindi siya sumagot. Gulong-gulo pa rin siya.
"Jonathan, ang tagal mo naman diyan? Are you all right, Babe?" Kinatok na ni JL ang pinto ng banyo.
Wala siyang ideya kung gaano na siya katagal sa loob ng banyo. Natulala na kasi siya.
"Jonathan?"
He let out a deep sigh. Hanggang sa napilitan na nga siyang lumabas. Hindi niya maaaring talikuran si JL pagkatapo ng nangyari kagabi. He couldn't turn his back on JL after what happened between them last night. Mas gago na siya kapag ganoon.
Ngumiti nang pagkatamis-tamis ang dalaga nang makita siya. At napalunok naman siya ng kaniyang laway nang dahan-dahan ay inalis nito ang roba nito. Tumambad sa kaniya ang perpekto sa hugis na katawan nito dahil wala pa rin pa pala itong saplot na kahit ano.
"You don't need to worry, Jonathan." Mapang-akit na niyapos pa siya nito sa dibdib. "Sapagkat tinitiyak ko sa iyo na wala kahit sino man ang makakaalam ng lahat ng ito. Rest assured na tayong dalawa lamang ang makakaalam nito."
Napalunok lamang siya ulit. Hindi siya makakilos ni makapag-isip na ng tama.
Mabuti na lang at biglang may kumatok sa pinto. May dahilan na para maiwasan niya pansamantala si JL. Kulang na nga lang ay magpasalamat siya sa Diyos. Hindi niya lamang ginawa dahil ang kapal naman ng mukha niya na kausapin ang Diyos gayong kagagawa lamang niya ng matinding kasalanan. Baka nga sinusunog na ngayon sa impyerno ang kaniyang kaluluwa.
"Kuya, gising ka na? Nandito na po ang doktor ni Ate Ashlene," boses ni Marjorie.
"S-sige lalabas na ako," utal-utal na sagot niya saka madali siyang nagbihis.
Walang gana na isinuot naman ulit ni JL ang roba at nakahalukipkip na pinapanood siya.
"Lalabas lang ako at kapag... kapag may chance ka ay lumabas ka na rin dito. Hindi puwede na makita ka ng kapatid mo rito," balisang bilin ni Jonathan kay JL pagkatapos niyang magbihis at bago niya iwanan ito. At kung gaano kabilis siya na lumabas sa kanyang silid na animo'y may tinatakasan ay siya namang bagal nang kanyang pagpasok sa silid ni Ashlene.
"Good morning, Mr. Villasera," bati sa kaniya ng doktor nang makita siya. Sinusuri na nito si Ashlene.
Ngumiti si Jonathan bilang ganting-bati, pati na rin kay Marjorie. Umaalalay ang dalagang nurse sa ginagawa ng doktor. Walang kaalam-alam sa ginawa nilang kasalanan ng Ate JL nito.
He suddenly felt a pang of guilt, which prompted him to distance himself. Napahalukipkip na lamang siya sa may tabi. Pinagpapawisan siya nang malapot kahit na ang lamig-lamig naman ng silid ng kanyang asawa.
"Doc, tingnan niyo parang naluha po si Ate Ashlene," mayamaya ay bigkas ni Marjorie na nagpabahala lalo sa kaniya.
Jonathan's eyes grew wide in horror. May ipinaliwanag ang doktor tungkol doon ngunit hindi niya naunawaan dahil nilamon na siya ng kanyang konsensiya.
"Sorry, Hon, pero maniwala ka. Hindi ko 'yon sinasadya," lihim na iyak ng kaniyang puso. Naisip niya kasi na baka ang totoong dahilan ng pagluha ni Ashlene ay dahil sa ginawa niyang pagtataksil dito.
Napapikit siya nang mariin. Lagi niyang sinasabi na hindi niya magagawang saktan ang kaniyang mahal na asawa pero nagawa na niya. Wala siyang kuwenta. Isa siyang malaking shit.
Lumipas ang ilang sandali na parang wala siyang namalayan.
"Kuya, nakaalis na po si Doc." Nagulat na lang siya nang sabihin iyon ni Marjorie.
"Gano'n ba," wala pa rin sa sariling aniya.
"Kuya, okay ka lang ba?"
"Oo naman. Bakit?" Sinikap niyang hindi mautal sa kabila ng nerbyos. Sa pakiramdam din niya kasi ay parang nagtaksil din siya kay Marjorie.
"Eh, kasi po para kang wala sa sarili kanina pa. Wala ka man lang kaimik-imik. Nagtaka nga po si Doc."
Pinilit niyang ngumiti. "I'm fine. May iniisip lang ako tungkol sa trabaho," saka kaila niya. "Sige na, pahinga ka muna. Ako na muna ang bahala sa Ate mo."
"Hindi ka papasok sa trabaho mo, Kuya?"
Umiling siya. "Gusto ko naman na bantayan maghapon ang Ate Ashlene mo. Alam mo na kailangan kong bumawi."
"Ganoon po ba." Napangiti si Marjorie sa sinabi niyang iyon. "Naku, sigurado na tuwang-tuwa si Ate Ashlene ngayon. Natitiyak kong kinikilig siya. Alam mo kasi, Kuya, ang taong coma ay matalas pa rin ang pakiramdam. Alam pa rin daw nila ang mga nangyayari sa kanilang paligid kahit tulog sila."
Bigla siyang nasamid. Kunwari ay naubo lang siya.
"Kaya nga ipinagtataka ko po kung bakit naluha si Ate Ashlene. Nakaramdam kaya siya ng lungkot? May nangyari kaya na nakita niya?"
"Didn't the doctor already explain that? Baka iyon lang talaga ang dahilan," maagap na pagwawala niya sa pupuwedeng maisip na hindi maganda ni Marjorie.
"Sabagay po. Sabi ni Doc ay normal lang daw po 'yon ulit."
"Oo, baka nga. Siya sige na, iwanan mo na kami ni Ate mo. Kung gusto mo ring mag-day off ngayon ay sige lang. Nandito naman ako."
"Talaga po, Kuya?" Tuwang-tuwa ang nurse.
He nodded with a small smile.
"Sige po. Magde-day off po ako ngayon."
Lalabas na sana si Marjorie nang muli niya itong tawagin. "Isama mo na rin ang Ate JL mo. Baka naiinip na siya rito," sabi niya kahit na ang totoong dahilan ay ayaw niya sanang makita pa sa ngayon si JL. Hindi na niya alam paano pa ito haharapin.
"Opo, Kuya. Iyon nga po talaga ang balak ko."
Nang tuluyang makalabas si Marjorie ay naiwan siya sa piling ng kaniyang asawa na hindi alam kung ano ang unang sasabihin dito. Nahihiya talaga siya kay Ashlene. Hiyang-hiya.
BINABASA MO ANG
REVENGE OF THE REAL WIFE (published under IMMAC)
Romantik(R18) Gawa ng aksidente ay na-comatose si Ashlene. Nanatili siyang tulog ng ilang buwan dahilan para kumuha si Jonathan ng private nurse. Ang hindi alam ni Jonathan ay ang desisyon niya na iyon ang magdadala ng kaguluhan sa buhay nila na mag-asawa...