"OKAY NA. On the way na raw siya rito," anunsyo ni Gomer kina Flower at JL nang ibaba nito ang cellphone matapos makipag-usap kay Jonathan.
Nasa iisang table ang tatlo sa bar na kinaroroonan. At ang totoo ay kunwari lang ang sinabi ni Gomer kay Jonathan. Plano lang lahat iyon ni JL upang makasama at masolo niya ulit si Jonathan sa gabing iyon.
"Thanks, Gomer. Ang bait mo talaga," nakakaloko ang ngiting pasalamat ni JL. Sinubukan lang naman niya si Gomer kanina. Hindi naman niya alam na boto rin pala talaga ito sa kaniya para kay Jonathan. Hindi niya inasahan na papayag agad ito sa plano niya.
"Ayan, ha? Tinutulungan ka na namin, Sis. Sana nga ay masilo mo si Jonathan," wika ni Flower na kumapit sa bisig ng nobyo.
"Oo nga at galingan mo. Make my friend happy again. Naburo na sa asawa niyang comatose, eh," ayuda ni Gomer sa sinabi ng nobya. Nalason na talaga ni Flower ang isip nito.
"Kampay!" Masayang-masaya na itinaas ni JL ang wine glass na hawak. Mabuti at naisip niyang pumunta roon sa bar pagkatapos ng naging away nila ni Marjorie kanina. Gumanda ang araw at gabi niya.
"Kampay para sa kalandian mo, Sis!" Tumatawang idinikit naman ni Flower ang wine glass nito.
Nilaklak ni JL ang laman ng baso pagkatapos. Bottoms up. Hindi pa nakontento ay iyong bote na ng alak ang ininuman niya.
"Sige, inom pa para pagdating ni Jonathan ay wild ka na talaga," nakatawang saad din ni Gomer nang nakipag-cheers din sa kaniya.
"May point ka," sabi niya rito habang itinuro-turo ito. Pagkuwa'y pinanay na nga niya ang tungga ng alak. Excited na siya at sabik na sabik na masolo ulit ang lalaking pinakamamahal niya. Hindi pa man ay miss na miss na kasi niya agad si Jonathan sa kama.
"I love you, Jonathan! Handa akong maging kabit mo sabihin mo lang!" kalaunan ay malakas na sigaw ng lasing na lasing na ngang si JL. Malutong na nagtatawa ito at nagsasayaw-sayaw. "Wooh! Ang saya-saya ko! Akin na si Jonathan ko!"
Sina Flower at Gomer na lasing na rin ay malalakas din ang mga halakhak. Tawang-tawa sila na pinapanood ang pagwawala ni JL.
Halos mag-isang linya naman ang dalawang kilay ni Jonathan sa nadatnang eksena na iyon. Malalaki ang mga hakbang niyang tinungo ang table ng tatlo.
"Pare, nandito ka na pala," sabi ni Gomer nang makita siya. Inalok agad sa kanya ang isang bote ng alak. "Inom ka."
Hindi niya ito pinansin. Dumiretso siya sa kinaroroonan ni JL. Walang anumang hinablot niya ang isang braso nito.
Nagulat si JL pero saglit lang dahil nang nakita at nakilala siya ay anong luwang na ng naging ngiti nito.
"Jonathan, you're here. Sabi ko na nga ba't hindi mo ako matitiis. Na-miss mo ako, ano?" paglalambing na ng dalaga sa kanya. Agad itong pumulupot sa kaniyang leeg, at pupungay-pungay ang mga mata na hahalikan siya dapat.
"JL, ano ba?! Umayos ka nga!" Buti at naiiwas ni Jonathan ang labi.
"Hey, guys," agaw-pansin pa nga ni JL sa mga tao sa bar. "Look. Nandito na ang aking husband-to-be. Siya si Jonathan. Ang guwapo-guwapo niya, ano?"
Marami ang pumalakpak, lalo na ang mga babaeng nainggit kay JL. Pero mayroon din namang napakunot-noo at sila ang mga kakilala ng mag-asawang Ashlene at Jonathan. Nagtataka ang mga ito kay Jonathan; kay Jonathan na buong akala nila ay mahal na mahal si Ashlene pero mukhang hindi naman pala dahil ipinagpalit na pala agad kahit buhay pa.
"Magiging asawa ko siya, girls, kaya mainggit kayo," JL added. Sinasadya na iniinggit ang mga kapwa nito babae sa bar.
Nag-booo ang mga babaeng nainggit nga.
BINABASA MO ANG
REVENGE OF THE REAL WIFE (published under IMMAC)
Romance(R18) Gawa ng aksidente ay na-comatose si Ashlene. Nanatili siyang tulog ng ilang buwan dahilan para kumuha si Jonathan ng private nurse. Ang hindi alam ni Jonathan ay ang desisyon niya na iyon ang magdadala ng kaguluhan sa buhay nila na mag-asawa...