Part 3

27.8K 557 1
                                    

MATAPOS asikasuhin ang paglabas ni Ashlene sa ospital, awa ng Diyos ay naiuwi ito ni Jonathan sa kanilang bahay na walang problema.

"Siya ang magiging pasyente mo rito sa bahay, Marjorie. Siya ang asawa ko," isang araw ay pakilala ni Jonathan sa asawa sa private nurse na kaniyang nakuha. Ganoon pa rin ang kondisyon ng asawa na kung wala sana ang mga aparato na nakakabit sa katawan ni Ashlene ay aakalain na natutulog lamang nang mahimbing.

Si Marjorie Arizala ay ang nurse na ini-recommend din ng ospital kung saan galing si Ashlene na na-confine ng dalawang buwan

"Ano po ang nangyari sa mukha ni Ma'am, Sir?" unang tanong ni Marjorie ukol sa magiging pasyente nito. Kitang-kita kasi ang malaking peklat sa kanang bahagi ng mukha ni Ashlene.

"Gawa ng car accident. Maliban sa comatose ay medyo napinsala rin ang kaniyang mukha," tugon ni Jonathan.

"Ah, okay po. Pero kahit gano'n ay ang ganda pa rin po ni Ma'am," humahangang saad ng dalagang nurse sa kabila ng lahat.

Napangiti si Jonathan sa nurse. Sobrang ganda naman talaga kasi ng asawa niya. Hindi nakabawas ang malaki na peklat sa kagandahan nito. At mabait pa si Ashlene kaya nga mahal na mahal niya ito nang sobra.

"Sige po, Sir. Huwag po kayong mag-aalala dahil ako na po ang bahala sa kaniya simula ngayon. Promise ko na hinding-hindi ako aalis sa piling niya hangga't hindi siya nagigising."

"Salamat din, Marjorie, dahil pumayag kang maging private nurse ng asawa ko. You're a big help."

"Tungkulin ko po 'yon, Sir."

Mas ngumiti siya sa dalaga. Mukha naman itong mabait kaya tiwala na siya rito agad. At dahil wala pa siyang trabaho ng araw na iyon gawa na bukas pa siya babalik sa opisina niya ay pinanood niya muna ang ginagawang pag-aasikaso ni Marjorie sa kaniyang asawa. Tumutulong din siya paminsan-minsan.

"Gusto ko ay 'kuya' na ang itatawag mo sa 'kin at hindi na 'sir'. Kuya Jonathan na lang, okay lang ba?" aniya rito nang nagmimiryenda sila.

"Sige po... Kuya Jonathan."

Muli silang nagngitian at ipinagpatuloy nila ang pagkain ng pizza na ipina-deliver niya.

"So, do you have a boyfriend?"

"Naku wala po, Kuya," mabilis na sagot ni Marjorie. Nag-blush pa ang dalaga.

Natawa naman siya. "Okay lang naman kahit mag-boyfriend ka habang nandirito ka sa bahay. Basta huwag mo lang pababayaan si Ate Ashlene mo."

"Kuya, naman, eh." Parang bata na napalabi si Marjorie. Halatang hindi ito komportable kapag love life nito ang topic ng usapan.

Muling natawa si Jonathan. Pakiramdam niya tuloy ay nadagdagan siya ng isang kapatid sa katauhan ni Nurse Marjorie. Sa tingin niya ay hindi siya nagkamali sa pag-hire rito.

"Siya nga pala may kapatid ka?"

"Opo, Kuya. Si Ate JL po. Domestic helper po siya sa Hong Kong pero ngayon po ay nandito na siya sa Pilipinas. Umuwi na po."

Napakunot-noo si Jonathan sa pangalang ibinigkas ni Marjorie. Parang pamilyar kasi sa kaniya ang pangalang JL, hindi niya lang maalala kung saan niya narinig.

"May kapatid din ako. Si Darren. Minsan dadalaw siguro siya rito at makikilala mo rin siya. Si Ate Ashlene mo naman ay mag-isa lang siya kaya 'yong mama niya lang siguro ang bibisita sa kaniya," imporma naman niya sa dalaga. Hinayaan na lang niya ang pangalang JL na iyon. Hindi naman 'yon mahalaga.

"Okay po, Kuya. Kapag dumalaw sila'y ako na po ang bahala sa kanila."

"Salamat, Marjorie."

Kiming ngumiti ang nurse. Halatang medyo nahihiya pa rin ito sa kaniya. Gayunman, ngayon pa lang ay alam na niyang makakasundo niya ang dalaga at pati na rin si Ashlene kapag ito ay nagising na. Sa tingin niya kasi ay napalaki nang maayos si Marjorie. Mahiyain man ito ay nasa lugar naman ang pagkamahiyain.

REVENGE OF THE REAL WIFE (published under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon