"SIR, you have a visitor outside. She mentioned she's a friend of yours," imporma ng secretary kay Jonathan sa intercom.
"Okay. Let her in, Rachel. Thank you," sagot ni Jonathan habang nasa mga documents pa rin ang tingin. Masyado siyang madaming kailangang pirmahan, at kailangang matapos niya agad ang mga iyon para maaga siyang makauwi at maasikaso niya naman si Ashlene. Ewan ba niya pero parang gusto niya agad makita ang kaniyang asawa. Kinakabahan kasi siya na hindi niya mawari.
"You're expecting a guest? Client ba?" bungad ni Gomer na siyang pakape-kape na lang. Kanina naman ay nasa labas ito at busy naman sa pakikipag-usap sa mga supplier nila. Si Gomer ang may gamay sa pagkilatis ng mga parts at accessories ng sasakyan. Iyon naman ang tuka nito sa kanilang negosyo.
"Wala naman." Nagtaka na rin siya dahil wala nga pala siyang inaasahang bibisita. Wala rin siyang matandaan na appointment sa client nila ngayong araw. Kung meron man sana ay hindi roon sa opisina niya papupuntahin kundi sa mas komportableng lugar dahil priority nila na ma-please ang bawat kliyente.
Natigil sa pagpirma si Jonathan sa mga papeles. Wondering, he waited for his visitor to enter.
Nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang pamilyar na babae ay literal na nalaglag kapwa ang mga panga nila ni Gomer.
"Hi," malambing at ngiting-ngiti na bati sa kanila ni JL. Ito pala ang kaniyang bisita. At kapansin-pansin na lalong nagpaka-sexy ang dalaga. Sobrang hot nito.
"Wetewiw!" sipol ni Gomer. "JL, alam mo ba na para kang isang Dyosa na nalaglag mula sa langit upang kami ay bigyan ng ngiti sa pagod naming sandali," saka matalinghaga na biro nito sabay drum ng mga palad sa desk.
Napangiti naman si JL. Kinilig sa isinaad ni Gomer. "Actually, kasama ko si Flower," tapos biro rin niya.
"Huh?" Agad iyong ikinamutla ng mukha ni Gomer. Mabilis nitong inayos ang sarili habang nagkandahaba-haba ang leeg sa pinto. Naghintay na may papasok pa.
"Joke lang."
"Ikaw talaga."
Kiming natawa si JL. May patakip pa sa bunganga na animo'y isang mahinhin na binibini.
Nanatili namang tahimik si Jonathan sa kinauupuan. Awang pa rin ang kaniyang mga labi habang nakatitig siya kay JL. Subalit hindi dahil sa siya ay nababatombalani sa kagandahan ni JL kundi dahil akala niya ay si Ashlene na ito kanina nang makita niyang pumasok. Para ngang tumalon hanggang buwan ang kaniyang puso. Katunayan kung hindi niya siguro nakilala agad si JL ay napatakbo siya rito upang yakapin.
Maliban kasi sa damit na suot ni JL na kaparehas sa paboritong damit ni Ashlene ay naamoy rin niya ang laging pabango ng kaniyang asawa. Kung wala nga sigurong pumasok na JL ay iisipin niya na dinalaw siya ng multo ni Ashlene.
May nabasa kasi siya tungkol sa mga comatose na pasyente. At ang sabi, kahit hindi pa raw sila patay ay humihiwalay na raw ang kaluluwa nila sa katawan nila't gumagala kung saan-saan.
"Okay ka lang ba, Jonathan?" Lumapit sa kaniya si JL. Tulad ito ng isang modelo na nang-aakit ang mga lakad. Halatang sinasadya pa nito na ipinapakita ang mapuputi at long-legged nitong hita na lumilitaw gawa ng mataas na slit ng sexy dress na suot nito.
"Bagay ba sa 'kin 'to, Hon?" ngunit ay boses ni Ashlene na kaniya namang na-imagine. Hindi na si JL ang kaniyang nakikita kundi si Ashlene na. At tulad ng laging ginagawa ni Ashlene kapag may bagong binili na damit ay ipinapa-check sa kaniya ang suot nito. Ugali na kasi ni Ashlene ang ganoon pero hindi lang para tanungin kung bagay sa kaniya, kundi dahil para itanong kung approve ba sa kaniya kung iyon ang isusuot nito.
Jonathan almost shed a tear. Ang ngiti sa kaniya ni Ashlene na kay tamis ay dumurog sa kaniyang puso. God, miss na miss na niya ang kaniyang asawa.
"May problema ba sa hitsura ko, Jonathan? Bakit parang natulala ka na?" untag sa kaniya ni JL na siya nang nagpabalik sa kaniyang sarili.

BINABASA MO ANG
REVENGE OF THE REAL WIFE (published under IMMAC)
Romance(R18) Gawa ng aksidente ay na-comatose si Ashlene. Nanatili siyang tulog ng ilang buwan dahilan para kumuha si Jonathan ng private nurse. Ang hindi alam ni Jonathan ay ang desisyon niya na iyon ang magdadala ng kaguluhan sa buhay nila na mag-asawa...