NAG-IINAT pa si Marjorie na lumabas sa kaniyang silid. Kagigising niya lang at magluluto siya ng almusal. Kasama na iyon sa trabaho niya na syempre pagkukusa niya na rin.
Ayaw sana ni Kuya Jonathan niya na gawin niya pa ang mga gawaing bahay dahil ang trabaho niya lang daw dapat ay alagaan ang kaniyang Ate Ashlene. Siya lamang ang nagkukusa dahil nakakahiya naman na mas marami pa ang oras na nakatunganga siya kaysa sa nagtatrabaho siya.
"Ate, ako na rito." Ngunit anong gulat niya nang mabungaran niya ang kanyang Ate JL na abala na sa pagluluto roon sa kusina. Nataranta siya.
"Oh, gising ka na pala. Gusto mo na bang magkape?" Nakangiti na lumingon sa kaniya ang kapatid. Nagpiprito ito ng itlog. Luto na ang Cinnamon Brioche French Toast at chocolate pancake. Mukhang pinaghandaan talaga ng kaniyang Ate JL ang fancy breakfast na ginawa.
"Ate, bisita ka rito kaya dapat hindi mo ginagawa 'yan. Akin na po 'yan." Nakangusong agaw sana niya sa siyansi na hawak ng kapatid, pero hindi siya nito hinayaan.
"Ako na 'to. Madali lang naman ang mga niluto ko," nakangiting anang kapatid. Inilalayo ang hawak na siyansi. "At saka patapos naman na ako kaya umupo ka na lang diyan."
Napakamot-batok si Marjorie. "Bisita kita kaya dapat ay nagre-relax ka lang dito, eh. 'Tsaka trabaho ko talaga 'yan, Ate. Paano kung nakita ka ni Kuya? Baka sabihin niya inutusan kita. Nakakahiya."
Napangiti si JL. Ang totoo ay iyon nga ang gusto niya, ang makita siya ni Jonathan na nagluluto. "Hayaan mo na ako. Gusto ko lang din naman na pagsilbihan ka tulad noon. Naalala mo pa? Ako ang tagaluto ng baon mo noong high school ka?"
Napalabi si Marjorie dahil na-touch siya sa kapatid. Malambing na niyakap na lang niya ito at hindi na nga nagreklamo pa. Ang totoo ay nasisiyahan siya sa ginawa ng kaniyang Ate JL. Naalala nga niya na ito talaga ang nag-aalalaga sa kaniya noong mga bata pa lang sila kapag nasa trabaho ang kanilang nanay.
"Ayan, kain na," sabi sa kaniya nang matapos na ito sa paghahain.
"Salamat, Ate." Abot hanggang tainga ang ngiti niya.
"Eh, si Kuya mo? Anong oras siya nag-aalmusal?" tanong ni JL habang panay ang tingin sa taas ng bahay. Umaasa siyang papasok na rin sa kusina ang lalaking sadyang ipinagluto talaga niya ng almusal.
"Minsan po ay maaga siya na gumigising pero baka mamaya pa po siya ngayon kasi baka napuyat siya sa pagbabantay kay Ate Ashlene kagabi," sagot ni Marjorie na panay na ang kain.
"Ay, gano'n ba." Hindi naitago ni JL ang disappointment. Sobrang nanghinayang siya dahil masasayang lang pala ang lahat ng paghihirap niya sa pagluluto. Pero hindi siya papayag, kailangang kasabay nila si Jonathan sa almusal.
Salubong ang mga kilay na pinag-isipan niya kung ano ang dapat gawin. At nang hindi na tumitingin si Marjorie sa kaniya dahil abala na sa pagkain ay mabilis siyang tumalilis sa kusina. Madaling pinuntahan niya sa taas si Jonathan. Susunduin niya ang lalaking mahal niya.
Alanganin man ay kinatok niya ang pinto ng silid ni Jonathan. Kagat-kagat niya ang kaniyang lower lip na naghintay na magbubukas iyon. Subalit isang katok pa ang ginawa niya dahil walang nagbukas. Sa pangalawang katok ay saka lamang may nagbukas ang pinto.
"Yes?" Bagong gising si Jonathan na sumingaw ang ulo roon.
Her heart literally skipped a beat. Paano'y kahit bagong gising ay ang guwapo pa rin talaga si Jonathan. Mas naging hot pa ito sa messy look nito.
"Ang sarap gasahain ang loko," pilyang naisaloob niya.
"Do you need something, JL?" pupungas-pungas na tanong ulit ni Jonathan na siyang nagpabalik sa kaniyang huwisyo.
Tumikhim siya para umayos ang tila nanuyo niyang lalamunan. "Ano kasi... nagluto ako ng almusal. Baka gusto mong mag-almusal na para sabay-sabay na tayo ni Marjorie?" pero naging utal-utal pa rin niyang sagot.
Saglit na nag-isip si Jonathan bago tumugon. "Okay, sure. Saglit lang at bababa na rin ako. I'll just fix myself a bit."
"Sige, take your time," kilig naman na sabi niya. She had never blushed her entire life, but now, she felt herself turning as red as a beet, from the roots of her hair down to her toenails. Para talaga siyang nagbabalik pagka-teenager. Ang lakas talaga ng tama ng puso niya kay Jonathan.
Isinara na ni Jonathan ang pinto ng silid pero nanatili pa rin siya roon sa kinatatayuan. Hihintayin niya ito. Uumpisahan na niyang magpapansin kay Jonathan. Uumpisahan niya sa araw na ito ang pang-aakit dito.
Hindi sinasadya ay dumako ang tingin niya sa katapat na silid, sa silid ni Ashlene. Napahalukipkip siya't mataray na napangisi na para ba'y nakikita pa rin niya si Ashlene roon kahit sarado ang pinto.
"Sorry, girl, pero minamahal ko na ang asawa mo. Huwag kang mag-alala dahil aalagaan ko naman siya. Matulog ka lang diyan nang matulog. Huwag ka na magigising, okay?" at gusto niyang matawa na sabi niya sa kaniyang isipan.
Akala niya noong nalaman niyang may asawa na si Jonathan ay wala na siyang pag-asa. Salamat sa Diyos dahil comatose pala ang asawa nito. Buti na lang.
"Why are you still here?" tinig ulit ni Jonathan na nagpalingon sa kaniya. Lumabas agad. Nagpalit lang pala ng damit. "Dapat sa dining mo na ako hinintay."
Ngumiti siya nang pagkatamis-tamis. "Baka kasi hindi ka lumabas, eh. Baka kako maitulog mo ulit. Sayang naman 'yong mga niluto ko para sa 'yo kung hindi mo man lang matitikman."
"Ikaw talaga," ang nasabi na lang ni Jonathan. He was wearing his killer smile again, the one that had almost taken her breath away the first time she had seen him.
Napakagat-labi si JL. Nakaramdam kasi siya ng kakaiba sa pagitan ng mga hita niya. Shit!
"Tara na?" anyaya na niya rito at baka kung ano na ang magawa niya. Baka bigla na lang siyang maghubad sa harapan nito.
"Wait lang, JL. Sisilipin ko lang saglit ang asawa ko." Humakbang si Jonathan. Tinungo nito ang katapat na pinto at binuksan iyon.
May kumurot sa puso ni JL pero hinayaan na lang niya. Pasasaan at mamamatay rin naman ang asawa nito. Titisin na lang niya muna ang paghihintay kung kailan ang araw na iyon.
Pumasok na si Jonathan sa silid ni Ashlene.
Ayaw man sana ni JL ay hindi niya napigilan ang sarili na sumilip pa rin. Tiningnan at inalam niya kung ano ang gagawin muna roon ni Jonathan.
"Good morning, Hon," bati lang pala ni Jonathan sa tulog na asawa at hinalikan sa noo.
Umasim ang mukha ni JL. "Kailangan pa ba 'yan? Eh, Diyos ko, para na ngang patay ang Ashlene na 'yan. Kakadiri," at saka naaasar na usal niya ulit sa sarili.
"Let's go," nabigla tuloy siya nang biglang anyaya na sa kaniya ni Jonathan. Nagpatiuna na ito ng lakad palabas.
"Salamat naman," sa loob-loob ulit ni JL. Naiinis siya nang sobra. Jonathan doesn't deserve to take care of a comatose wife. Ang dapat kay Jonathan ay pinapaligaya sa kama at hindi nag-aalaga ng walang kuwentang asawa.
Isang masamang sulyap pa siya kay Ashlene bago siya sumunod kay Jonathan. Ang dapat talagang gawin kay Ashlene ay inililibing na para wala na siyang kaagaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/62076056-288-k914123.jpg)
BINABASA MO ANG
REVENGE OF THE REAL WIFE (published under IMMAC)
Romantik(R18) Gawa ng aksidente ay na-comatose si Ashlene. Nanatili siyang tulog ng ilang buwan dahilan para kumuha si Jonathan ng private nurse. Ang hindi alam ni Jonathan ay ang desisyon niya na iyon ang magdadala ng kaguluhan sa buhay nila na mag-asawa...