"PARANG hindi ka mapakali, pare, ah? Is there something wrong?" pansin ni Gomer kay Jonathan. Panay kasi ang bukas at sara ni Jonathan sa mga cabinet files nila sa opisina. Halatang wala ang focus ang kaibigan sa trabaho. Na para ba'y naroon man ang katawan nito pero halata namang naglalakbay kung saan ang isipan nito.
"Nag-aalala kasi ako, pare," pag-amin ni Jonathan kay Gomer. Itinabi niya ang mga document na hawak.
"Nag-aalala para saan?"
"Tungkol sa nangyayari sa amin ni JL," sagot niyang
"At ano'ng ipinag-aalala mo ro'n? Eh, ikaw na nga ang may sabi na hanggang s3x lang ang relasyon niyong dalawa. Malinaw naman yata iyon kay JL, hindi ba?"
Napahilamos sa mukha si Jonathan. "Yeah, walang problema do'n. Ang kaso kasi 'yung kapatid ko bigla na lang dumating sa bahay. At alam mo namang hindi kami niyon magkasundo."
"Si Darren? Nasa bahay niyo? Wow, himala yata?" Namilog konti ang mga mata ni Gomer. Hindi ito makapaniwala dahil alam din nito na hindi madaling mapapunta si Darren sa bahay ni Jonathan.
He nodded, then leaned heavily on his executive chair, looking exhausted. Kapag talaga tungkol sa kapatid ay sumasakit ang ulo niya.
Ilang beses na ba siyang pinahamak ni Darren mula bata sila? Ang sagot ay hindi na mabilang sa kaniyang mga daliri kung isasama niya lahat ng hindi naman kabigatan na kasalanan sa kanya ni Darren.
Basta ang pinakamalala ay noong isinama siya sa isang disco bar at painumin siya ng ipinagbabawal na gamot para lamang mapagalitan din siya ng kanilang Dad. Gusto siyang idamay sa katarantadohan nito porke nagseselos sa kaniya dahil laging iniisip na siya ang paborito ng kanilang mga magulang.
Their parents love them equally. It's only Darren who thinks about such matters. At kapag itinatama niya ay lalo lamang silang nagtatalo na magkapatid. Hanggang sa sinukuan na niya ito noon dahil hindi naman nakikinig.
Magkaganunman, hindi niya naman itinakwil ang kaniyang kapatid kahit pa nasundan pa ang mga katarantaduhan nito. Mahal niya si Darren. Hindi lang iyon nakikita ng kaniyang kapatid, dahil napupuno ito ng galit at selos sa kaniya.
"Naku, kailangan niyong mag-ingat kung gano'n. Oras na may makita sa inyo ni Darren at makuhanan kayo ng picture, tiyak magsusumbong 'yon para mapahamak ka na naman. Demonyito pa naman ang kapatid mo na 'yon."
"Oo nga, eh. Pero ang alam ko may mga nakuha na siya, hindi lang pa siya kumikilos."
Napangiwi si Gomer at napalunok na animo'y ito ang mabibitay. "Kung ganoon ay patay ka diyan, pare."
Nagbuntong-hininga si Jonathan. Mukhang matapusan na nga niya. Patay talaga siya kapag tama ang hula niya. Patay siya sa mommy niya at lalo na sa biyenan niya.
*******
"ATE JL, ano'ng ginagawa mo dito sa kuwarto ni Ate Ashlene?" Gulat na gulat si Nurse Marjorie nang mabungaran niya sa loob ng silid ang Ate JL niya. Nakatayo ito sa gilid ng kama ni Ashlene at ngingisi-ngisi.
Muntik pang mabitawan rin ni Marjorie ang palanggana at face towel. Tumubo agad sa dibdib niya ang matinding kaba.
Simula noong nalaman niya ang namamagitan kina Ate JL at Kuya Jonathan niya ay binabantayan na niya talaga ang kapatid niya kapag pumapasok ito sa silid ng Ate Ashlene niya. Bantay-sarado siya. Pakiramdam niya kasi ay parang may hindi ito magandang gagawin tulad ng kanIyang napanaginipan. Ngayon lang talaga na hindi niya ito namalayan na pumasok sa silid. Siguro gawa nang dahil abala ang isip niya kanina pa kung paano niya pipigilan si Darren sa pagsusumbong ay hindi niya napansin ang kapatid.
"Relax ka lang. Binabantayan ko lang siya," painosentang sabi ni JL.
Syempre ay hindi siya naniniwala. "Ate, lumabas ka na please."
"Huwag ka ngang OA," subalit singhal sa kanya nito.
"Sabing lumabas ka na!"
Nang ayaw tuminag ang kaniyang Ate JL ay ibinaba ni Marjorie ang mga hawak at halos ipagtulakan niya ito palabas ng silid.
"Ano ba'ng nangyayari sa 'yo?! Wala naman akong ginagawang masama. Sinabi ko na, binabantayan ko lang ang pasyento mo." piksi ni JL.
"Walang nangyayari sa 'kin, Ate" pasigaw niyang sagot. "Itong sinasabi ko sa 'yo, Ate, oras na may mangyaring hindi maganda kay Ate Ashlene na kagagawan mo ay kakalimutan kong kapatid kita!"
"Ay, di magsama kayo!" Subalit mataray na itinulak na naman siya ni JL.
Muntik na siyang ma-out of balance. Mabuti na lamang at naitukod niya sa gilid ng kama ang mga kamay niya at hindi siya natumba sa katawan ng kaniyang pasyente.
"Akala mo naman kung sino ka. Ano'ng ipinagmamalaki mo? Iyang lantang gulay na babaeng 'yan? Wala namang kuwenta 'yan. Pwe!"
"Ate, ano ba! Kahit konti gumalang ka naman sa tao! Pamamahay pa rin niya ito at asawa siya ng lalaking nilalandi mo!" Napaiyak na naman si Marjorie kahit ayaw niya.
"Pwes, igalang mo rin ako dahil kapatid mo ako, Marjorie! 'Yang babaeng 'yan, hindi mo 'yan kaanu-ano para ipagtanggol mo siya ng ganyan!"
Hindi na siya umimik pa. Nakipagsukatan na lamang siya nang masamang tingin.
"And for your information, malapit na 'yang mawala. Ako na ang magiging Misis Villasera. Ako na ang magiging asawa ni Jonathan at wala ka nang magagawa," pagyayabang pa ng kapatid.
Hindi pa rin siya sumagot. Hahayaan na lang niya ang kabaliwan ng kaniyang kapatid dahil siya rin naman ang masasaktan kapag kinontra niya ulit ito. Wala ring magiging saysay. Hihintayin na lang niya na ang karma na ang sumingil sa pinaggagawa nito.
"Tandaan mo ang sinasabi ko, Marjorie. Mawawala rin sa bahay na 'to ang babaeng 'yan kahit bantayan at alagaan mo pa siya nang maigi," huling sabi ni JL bago ang malalaking hakbang na lumabas na sa silid na iyon.
Naiwan si Marjorie na pigil na pigil na naman ang sarili. Grabe ang taas-baba ng kaniyang dibdib. At nang pumatak ang mga luha niya ay marahas niyang pinunas. Hindi na dapat iniiyakan ang klase ng taong ganoon.
Mayamaya ay naaawang napatingin siya sa mukha ni Ate Ashlene niya. Ano'ng gagawin niya para mas tulungan pa ito? Ano?
Bigla ay sumagi sa isip niya si Darren. Kailangan niyang pigilan si Darren nang sa ganoon ay hindi magtagumpay ang kaniyang Ate JL.
"Saglit lang po, Ate Ashlene. Iwanan muna kita pero babalik ako agad," paalam na niya sa kaniyang pasyente saka nagmadaling lumabas. Pero bago ang lahat ay ikinandado niya muna ang kuwarto at baka bumalik ang kaniyang Ate JL. Mahirap na.
Nang matiyak niyang safe na ang kaniyang pasyente ay lumakad na siya. Hahanapin at kakausapin niya si Darren. Ayaw niyang magtagumpay ang kapatid niya. Hindi siya papayag na mawala sa bahay na iyon si Ate Ashlene niya. Ang dapat mawala ay ang baliw niyang kapatid.
Ang nakapagtataka ay hindi niya makita si Darren sa kahit saang sulok ng malaking bahay.
"Nasaan ka Darren?" kinakabahang tanong niya sa isipan.
BINABASA MO ANG
REVENGE OF THE REAL WIFE (published under IMMAC)
Romance(R18) Gawa ng aksidente ay na-comatose si Ashlene. Nanatili siyang tulog ng ilang buwan dahilan para kumuha si Jonathan ng private nurse. Ang hindi alam ni Jonathan ay ang desisyon niya na iyon ang magdadala ng kaguluhan sa buhay nila na mag-asawa...