"MARJORIE, dumating na ba si Darren? Nandito na ba siya?" tanong agad ni Jonathan nang dumating siya sa kanilang bahay. Galing na siya sa family house nila pero walang tao roon na kaniyang nadatnan maliban sa mga kasambahay nila. Tinawagan niya rin ang mommy niya at nalaman niyang may sinasabi nga raw rito si Darren. Mabuti na lang at hindi raw pinaniwalaan ng kanilang ina ang kapatid. Nakahinga siya kahit paano kanina, subalit ay hindi pa rin siya mapanatag. He knows Darren very well; he won't just stop like that.
"Hindi pa po, Kuya," sagot ni Marjorie. Maingat niyang isinarado ang pinto.
"Nasa'n na kaya ang pasaway na 'yon?" Inis na inis na si Jonathan. Nagulo niya ang sariling buhok. Wala na talagang mabuting naidulot sa kaniya ang kapatid, laging sakit ng ulo.
"Siya nga ba talaga ang sakit sa ulo o ikaw?" narinig niyang akusa sa kaniya ng isang tinig sa isip niya.
Ibinuntong-hininga lang niya iyon. "Eh, si Ate JL mo? Where is she?"
"Umalis po—" Natigil ang dapat na isasagot ni Marjorie, dahil nagbukas ang pinto at pumasok si JL. Speaking of the evil witch!
"Oh, ang aga mo yata, Babe?" paglalambing nito kay Jonathan. Humalik sa labi.
"Where have you been?" madilim ang mukhang tanong naman ni Jonathan.
"Nag-shopping lang. Why? May nangyari bang hindi maganda? Namatay na ba si Ashlene?" pilyang mga katanungan ni JL.
"Ate?!" malakas na saway ni Marjorie sa kapatid. Kinilabutan ang dalaga.
"Sorry naman," hindi senserong paghingi ng paumanhin ni JL.
"Nagagawa mo pang mag-shopping gayong may problema tayo?! Dammit, JL!" sita naman ni Jonathan.
"Problema? Anong problema?" maang-maangan ng dalaga.
Nakapamaywang na pinuno ni Jonathan ang kaniyang dibdib. "Never mind!" saka sambit na lang sabay talikod.
Masamang napatingin muna si JL kay Marjorie bago sinundan si Jonathan paakyat sa ikalawang palapag ng bahay. "Wait lang, Babe. Ano ba kasi 'yon? Ano ba'ng problema ang sinasabi mo? Sabihin mo kasi sa akin para maunawaan ko."
Napapabuntong-hininga naman si Marjorie na naiwan sa salas. Nainis na rin siya. Nainis siya dahil kung makaasta ang kapatid niya ay akala mo'y ito na talaga ang asawa. Ang arte-arte na lalo. Nakakainis tingnan. Nakakasuka.
Nagpasya si Marjorie na umakyat na rin siya sa silid ng pasyente niya. Dumating na ang kaniyang kapatid na demonyita kaya kailangan niya ulit bantayan ang kaniyang Ate Ashlene. Subalit nakakailang hakbang pa lang siya ay muling nagbukas ang main door. Nagtakang napalingon siya at nakita niya si Darren na pumasok.
Nagtataka ang tuwa niya nang madami pa ang pumasok na tao sa bahay. Sunod-sunod sila. Isang may edad na babae, isang doktor, dalawang assistant nito, at apat na lalaking may mga mala-batong katawan.
"A-ano'ng ibig sabihin nito? Sino sila?" nanlalaki ang mga matang tanong niya kay Darren. Nabahala na siya.
"Ako ang mama ni Ashlene. Ako si Mrs. Marcelina Zamora," ang mala-donyang ginang ang sumagot imbis na si Darren. At ang timbre ng boses ay galit na galit.
Literal na nalaglag ang panga ni Marjorie habang nanlalaki pa rin ang kaniyang mga mata. Sa pagpapakilala ng ginang ay nakuha na niya na ang susunod mangyayari. Ang kinatatakutan niya. Mangyayari na nga.
"Nasaan sina Kuya? Nandito na ba sila sa bahay?" tanong naman sa kaniya ni Darren.
Hindi siya nakasagot dahil natuod na siya sa kaniyang kinatatayuan.
BINABASA MO ANG
REVENGE OF THE REAL WIFE (published under IMMAC)
Dragoste(R18) Gawa ng aksidente ay na-comatose si Ashlene. Nanatili siyang tulog ng ilang buwan dahilan para kumuha si Jonathan ng private nurse. Ang hindi alam ni Jonathan ay ang desisyon niya na iyon ang magdadala ng kaguluhan sa buhay nila na mag-asawa...