Part 29 || Red-Handed

12.9K 245 9
                                    

"KUMAIN ka na. Nakapagluto na ako,"sabi ni JL nang makita nito si Marjorie papasok sa kusina. Bigla ay parang nagbago ang ihip ng hangin. Ang maladelubyo nitong galit kahapon ay mistulang naging ambon na lamang ngayon.

Nagtaka si Marjorie. Umiiwas kasi siya sa kapatid dahil akala niya ay oras na magsalubong ulit sila ay nakakatakot na bangayan na naman nila ang mangyayari. Hindi naman pala.

"Pasensya ka na sa mga nasabi ko kahapon. Nakakainis ka kasi," sabi pa ni JL. Ang amo na rin ng mukha.

Gayunman, hindi ito pansinin ni Marjorie. She wasn't born yesterday para hindi niya ma-sense na kaplastikan ang pagbabait-baitan nito. Dire-diretso siya sa fridge at kumuha ng malamig na tubig. Nawalan na siya ng gana kaya binabawi na niya ang balak niya sanang kumain.

Nakapagdesisyon na talaga siyang hindi aalis sa bahay na iyon. Nagkausap na rin sila ng kaniyang Kuya Jonathan kahapon at sobrang nagpasalamat sa kaniya ang amo. Magkagayunman ay hindi ibig sabihin niyon ay okay na sa kaniya ang extramarital affair nila. Mananatili lang siyab para mapangalagaan niya ang kaniyang pasyente, 'yun lang 'yun.

"Kinakausap kita!" Hinawakan siya ni Ate JL niya sa braso. Galit na naman dahil sa kaniyang pangdededma.

Hawak ng bote ng tubig ay tiningnan niya ng masama ang kamay ng kapatid sa kanyang braso. Anong gusto nito? Bati na sila? No way. Makikipagbati lang siya kapag sasabihin nitong hindi na nito guguluhin ang mag-asawa.

"Huwag kang bastos, Marjorie! Akala mo kung sino ka, ah!" Nang hindi siya sumagot ay itinulak siya nito.

Napaatras si Marjorie sa fridge pero napasinghap lang siya. Hindi na siya papatol. Ayaw na niyang makipagsumbatan. Tama na iyong kahapon.

Parang walang nangyari na humakbang siya paalis.

"Ang yabang mo, ah!" Subalit lalo namang ikinais iyon ni JL. Susungguban sana nito dapat ulit ang buhok ng kapatid ngunit hindi niya nagawa dahil biglang bungad na ni Jonathan.

"Ano na naman 'to, JL? Inaaway mo na naman ba si Marjorie?" sita ni Jonathan sa kalaguyo.

Napalingon nang masama si Marjorie sa kapatid bago itinuloy ang pag-alis.

"Hindi ba't nag-usap na tayo? Hindi ba't sabi ko ay huwag mo nang aawayin o sasaktan si Marjorie?" si Jonathan kay JL. Dismayado sa nakitang gagawin na naman sana ni JL sa sariling kapatid.

Humalukipkip si JL. "Sa sumusobra na siya, eh. Ang bastos."

"Can't you just understand her? Bata pa siya para maintindihan niya ng sitwasyon."

"My gosh, Jonathan. Twenty-four years old na siya. Hindi na siya bata!" gigil na pangangatwiran ni JL.

Napabuntong-hininga nang malalim si Jonathan. Inilapag nito muna ang attaché case na hawak sa dining table at masuyong niyakap sa likod si JL.

"Basta pagpasensyahan mo na lang siya. Kapatid mo naman siya, eh. Ang mahalaga kahit hindi siya sang-ayon sa ginagawa natin ay hindi niya tayo iniwan. Alam mo namang importante siya sa akin dahil siya lamang ang pinagkakatiwalaan ko sa pag-aalaga sa asawa ko."

Si JL naman ang napabuntong-hininga. Lihim na tumirik ang mga mata niya sa inis gawa nang pagkabigkas ni Jonathan sa salita na 'asawa ko'. Buwisit na buwisit siya.

"Gusto mo ba ay magkaproblema ulit tayo?"

"Sige na nga. Hindi ko na siya aawayin pero sa isang kondisyon." Nakangiti na siya nang harapin niya si Jonathan. Napakadali niyang nabago ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

"Shoot. What is it?" Pinisil ni Jonathan ang matangos na ilong ni JL.

Napahagikgik naman si JL. Animo'y nakiliti kahit hindi naman.

"Ano nga iyon? Sabihin mo na dahil kahit anong kondisyon pa 'yan ay gagawin ko."

Inilapit ni JL ang bibig sa tainga ni Jonathan. "Ang gusto ko ay huwag ka na lang ulit papasok ngayon sa office. Magkulong ulit tayo sa kuwarto tapos gawa tayo ng maraming baby."

Jonathan broke into laughter.

"Sige na," ungot ni JL. Nagpapabebe na hinimas-himas niya ang necktie ni Jonathan.

"Ikaw talaga. Pero sige na nga," nagpauto namang sang-ayon na ni Jonathan. Bigla ay binuhat nito si JL. Isinampa sa kaniyang harapan.

"Ay!" Kunwa'y nagulat si JL. Mabilis niyang ikinawiwit ang mga binti niya sa balakang ni Jonathan kasabay nang pagkunyapit ng mga braso niya sa leeg ni Jonathan. Nakasalo sa puwetan niya ang mga kamay ni Jonathan.

At nagdikit na ang mga labi nila. Muli nilang nilasap ang sarap ng kasalanan, na sa sobrang sarap ay halos hindi na nila maiakyat pa sa kuwarto ang romansahan nila.

Sa isip-isip nila'y sigurado namang magkukulong na naman sa kuwarto ni Ashlene si Marjorie.

Ipinaupo ni Jonathan sa dining table si JL at doon niya sinubasob ng halik. Mula sa labi hanggang sa leeg. Nilawayan niya nang nilawayan ang kurba ng leeg ni JL habang busy ang isang kamay niya sa malulusog na mga dibdib nito.

"Mmpp..." napapahalinghing na lang ang dalaga sa sarap.

Napaungol din si Jonathan. Masarap kasing talaga si JL at magaling magpaligaya ng lalaki. Ibang-iba kay Ashlene. Totoo.

Ayaw niya sanang ikumpara ang kaniyang asawa kay JL, but damn iba talaga si JL. Ang daming nagagawa nito sa s*x na hindi nagawa pa sa kaniya ni Ashlene at ng mga ibang babaeng nadala na siya sa kama noon. Magaling siya. Lahat ng position ay kaya nito. Kahit pa iyong mga kakaiba.

Bumaba ang dila niya sa gitna ng mga dibdib ni JL nang itulak siya nito para roon. Mababa ang neckline ng suot na damit ni JL kaya kahit hindi niya hubarin ay malayang nalalasap niya pa rin ang malalambot na bundok nito. Sinabayan niya iyon nang paglalandas ng kamay niya sa mga hita nito. Ang hindi niya inasahan ay wala pa lang panty ang kaniig. What the f*ck!

"Jonathan, that's it... ooohhhh..." ungol ni JL nang nilaro ng dila niya ang nipple nito at sumabay ang daliri niya sa perlas nito. Lalong napaliyad ang dalaga.

Kahit siya man ay napapaungol na rin. Ilang ulit na niyang nalaro ang mga dibdib ni JL, ilang ulit na rin niya itong nasisid, ngunit ang sarap pa rin nito. Katulad ito ng isang alak na habang tumatagal ay lalong sumasarap.

"F*ck me now, Jonathan," naliliyong hiling na ni JL.

"Ehem..." Subalit bigla ay may umubo. "May tao po rito."

Agad na napahiwalay sa romansahan sina JL at Jonathan na kapwa nagulat.

Biglang lingon si Jonathan sa nabosesan niyang nagsalita, at lumaki ang mga mata niya nang nakita nga sa likod si Darren—ang kapatid niya.

Muntikan nang maihulog ni Jonathan si JL sa kabiglaan.

Nahiya naman na inayos ni JL ang sarili. Nainis ito sa lalaki na parang nanonood lamang ng live show. Hindi na lang umalis nang makita sila. Para ba'y sinadya talagang panoorin sila.

"Really, Kuya? Mambababae ka na nga lang ay dito mo pa talaga sa bahay niyong mag-asawa dinala? Demonyo ka rin, ano?" komento ng bagong dating na binata. Nakangisi ito at iiling-iling.

"What are you doing here, Darren?" tanong ni Jonathan sa kapatid habang ibinubotones ang polo.

"Is it not obvious? Of course, I am visiting you. But what the hell! Ito pala ang ginagawa mo habang tulog ang misis mo?"

Hindi nakasagot agad si Jonathan. Ano'ng gagawin niya ngayon? Sh*t!

REVENGE OF THE REAL WIFE (published under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon