Part 13 || Crazy Wench

14.6K 234 7
                                    

"Really, Pare, nasa bahay niyo si JL? 'Yong kaibigan ni Flower?" Hindi makapaniwala si Gomer nang hindi natiis ni Jonatha na sabihin sa kaibigan ang hindi inasahang nangyari kahapon.

"Yeah. Kapatid pala siya ni Marjorie," nakatutok ang tingin ni Jonathan sa mga papeles na sagot. Kaniyang binabasa ang mga profile ng mga buyer ng kanilang mga bagong model na sasakyan bago niya mga i-approve.

"Saludo na talaga ako sa 'yo. You're such a lucky man." Niluwagan ni Gomer ang necktie. Mukhang nainitan sa itinakbo ng malaswa nitong isipan.

Halos magdugtong ang mga kilay ni Jonathan nang sulyapan niya ang kasosyo. "Anong lucky man na sinasabi mo, Pare?"

"Pare, alam mong type ka ni JL kaya siguradong exciting ang susunod na mga mangyayari sa inyo habang magkasama kayo sa iisang bubong. Siguradong magiging sizzling iyon!" Animo'y natakam sa isang ulam si Gomer ngayon na binasa ang dila nito ang mga labi.

"Magtrabaho ka na nga. Kung anu-ano ang pinagsasabi mo na, eh." Binato niya ng lapis ng sira-ulo niyang kaibigan. Nakalimutan yata na may asawa na siya. Hinding-hindi niya magagawa kung anuman ang nasa isip nito. Isa pa, baka nga pag-uwi niya mamaya ay wala na si JL sa bahay niya dahil nakitulog lang naman ang dalaga kagabi.

Subalit iyon ay malaking pagkakamali pala, anong gulat ni Jonathan nang umuwi siya dahil nasa bahay pa pala nila ang dalaga. At ito'y lasing. Lasing na lasing si JL.

"Kuya, sorry. Akala ko nag-aayos na siya ng gamit niya kanina para umuwi. Iyon pala ay umiinom siya ng alak," hiyang-hiya na sabi sa kaniya ni Marjorie.

"It's okay. Ang mabuti pa'y kumuha ka ng tubig at bimpuhan mo siya," dismayado man ay aniya.

"Sige po." Natatarantang lumabas nga ng silid si Marjorie.

Sinamantala iyon ni JL dahil ang totoo ay naglalasing-lasingan lang naman siya. Kanina'y nag-isip si JL ng paraan para hindi pa siya umalis sa bahay ni Jonathan at ito nga ang naisip niya – ang kunwari ay lasing siya.

"Hi, Jonathan." Kunwari ay mahilo-hilo siyang tumayo at susuray-suray na nilapitan si Jonathan.

"Oh, teka, teka. Mahiga ka lang, JL." Nabahalang inalalayan siya ni Jonathan nang kunwari rin ay nahihilo siya.

Hinapit ni Jonathan ang baywang niya para hindi siya matumba. Ikinawit naman niya ang dalawang braso niya sa leeg nito. Nagdikit ang mga katawan nila at napaungol siya sa kaniyang loob-loob. Nag-init kasi agad ang kaniyang katawang lupa nang kaniyang maramdaman ang matipunong dibdib ni Jonathan. Nag-wet agad ang nasa pagitan ng mga hita niya.

"Halika. Humiga ka lang at baka matumba tayo," ngunit parang wala lang naman na wika ni Jonathan.

May paglalanding nginitian niya ito. Grabe, mas guwapo pa pala si Jonathan sa malapitan. Ang kinis ng mukha nito. Ang mga labi nito, ang sarap sanang halikan. Kung hindi nga niya napigilan ang sarili ay baka sinalabusab na niya ito ng mga halik. Buti na lang at naisip niya ang kaniyang kapatid. Ayaw niyang makita siya sa ganoong sitwasyon ni Marjorie. Hindi bale at madami pa namang pagkakataon basta mananatili lang siya sa bahay na iyon.

"No. Ayokong humiga, Jonathan. Gusto ko rito. Dito sa mga bisig mo," sabi na lang niya. Kinapalan na lang niya ang mukha. Nang hindi umiwas si Jonathan ay yumakap na siya rito. Mahigpit na yakap. Alam naman nito ay lasing siya kaya okay lang naman siguro na yakapin ito.

"Teka, JL," angal na naman dapat sana ni Jonathan pero parang tulog na si JL na nakayakap sa kaniya. Nagtatakang napalunok siya ng kaniyang laway. Nararamdaman na niya kasi ang malambot na katawan at lalo na ang mga malulusog na dibdib ni JL. Unti-unti ay nadadarang siya hanggang sa kumislot, at kumapal na nga ang pagkalalaki niya sa may loob ng brief niya.

Hindi niya gusto ang nararamdamang iyon pero hindi naman niya mapigilan.

"Naku, Kuya!" Mabuti na lang at dumating na si Marjorie. Dala na ng dalaga ang maliit na palanggana at isang bimpo.

"Marjorie, gusto niya kasing tumayo kanina pero hindi niya kinaya kaya ganito natumba siya," mabilis na paliwanag ni Jonathan.

Kunwari ay lumupaypay naman na ang katawan ni JL.

"Ate, naman, eh. Umayos ka nga." Madaling sinalo ito ni Marjorie.

Nagtulungan sila ni Jonatahan na ipinahiga ulit ito sa kama.

"Kuya, sorry talaga," hinging paumanhin ulit ni Marjorie sa amo pagkatapos.

"Okay lang 'yon. Naiintindihan ko naman. Sige na punasan mo na ang ate mo para maginhawaan siya."

"Sige po, Kuya."

Akmang iiwanan na ni Jonathan ang magkapatid nang nag-iiyak si JL. "Ayoko munang umuwi, Marjorie. Dito muna ako, please? Ayoko munang umuwi sa atin. Natatakot pa rin ako sa lalaking 'yon. Baka kapag umuwi ako ay kung ano ang gagawin niya sa 'kin."

"Ate, hindi puwede," tugon ni Marjorie habang pinupunasan ang kapatid sa mukha.

"Sige na, Marjorie. Maawa ka sa 'kin. Dito na lang ako. Ayoko talagang umuwi pa."

Napatingin si Marjorie kay Jonathan. Nanghihingi ng pag-unawa bago ipinagpatuloy ang pagpupunas sa kaniyang Ate JL.

Natitig naman si Jonathan sa mukha ni JL. Sa kaniyang tingin ay may pinagdadaanan nga talaga ang dalaga dahil hindi naman ito siguro magpapakalasing ng ganoong kalala kung walang malaking problema. Siguro'y problema nga nito talaga ang lalaking paulit-ulit nitong sinasambit. Iyong stalker daw nito.

At dahil hindi naman bato ang puso niya para paalisin ang isang tao sa bahay niya kung alam niyang mapapahamak ito sa pupuntahan, kaya nabuo ang kanyang pasya.

"Marjorie?"

"Kuya?" Lumingon sa kaniya ang dalagang nurse.

"Kapag ayaw pang umalis ng Ate JL mo'y hayaan mo na lang siya rito. Ayos lang naman."

"P-pero, Kuya, nakakahiya naman po sa inyo."

"Ayos lang talaga. Maluwag naman tayo rito sa bahay kaya walang problema."

Nagliwanag na ang mukha ni Marjorie. "Salamat, Kuya. Salamat po talaga. Ang totoo kasi nag-aalala rin ako sa kaniya kapag umuwi siya."

"Kaya nga hayaan mo na lang kung ang gusto niya ay dumito muna kaysa mapahamak siya. It would be safer for her if she stays here temporarily."

"Sige po, Kuya. Salamat po ulit. Kakapalan ko na po ang mukha ko."

Ang hindi nila alam ay lihim nang nagdidiwang ang kalooban ni JL sa mga sandaling iyon. Wagi na naman ang kaniyang plano. Ang galing niya talaga.

Umpisa pa lang iyon dahil sisiguraduhin niyang doon na siya titira sa bahay na iyon kasama si Jonathan, pati na ang magiging anak nila. Wala nang makakapigil sa mga gusto niyang mangyari. Isinusumpa niya, magiging asawa siya ni Jonathan kahit na ano'ng mangyari.

REVENGE OF THE REAL WIFE (published under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon