Part 11 || Ostensible

14.8K 281 14
                                    

HUMALIK sa pisngi ng kaniyang Ate JL si Nurse Marjorie pagdating ng kapatid.

"Tara po sa loob, Ate," at anyaya niya. Kinuha niya ang may kalakihang bag na dala ng kapatid. Medyo nagtaka pa siya dahil parang ang dami yatang dala nitong damit. Pinili lamang niya na huwag na lang iyong pansanin.

"Mag-isa ka lang?" tanong ni JL habang inililibot ang tingin sa paligid ng kabahayan. Ang inasahan kasi nito ay agad nitong makikita ang among lalaki ni Marjorie—si Jonathan.

"Nandito po si Kuya Jonathan. Binabantayan niya si Ate Ashlene sa taas," sagot ng kapatid. "Nga pala kumain ka na, Ate?"

"Oo kanina pa. Tara sa silid ni Ashlene," walang kagatol-gatul na sabi ni JL. Ang gusto nito ay magkita agad sila ni Jonathan dahil siguradong magugulat din ito. Wala pa man ay kinikilig na si JL sa magiging reaksyon ni Jonathan.

"Pero bakit, Ate?" Nagtaka tuloy si Marjorie.

Natauhan si JL sa kaniyang padalos-dalos na kilos. Mali nga pala na halatado siya masyado. Dapat niyang alalahanin na wala pang kaalam-alam si Marjorie sa kaniyang plano at sa kaniyang nararamdaman para kay Jonathan. Dapat ay maghinay-hinay lang siya.

"Uhm, kasi ano... gusto ko sanang magpasalamat agad sa kaniya kasi pumayag siyang makitulog ako rito," pagsisinungaling na lang niya. Buti na lang talaga at mabilis siyang mag-isip ng mga alibi.

Nakita niyang umaliwalas na ang mukha ni Marjorie. "Ay, oo nga. Tama, Ate. Dapat ka nga talagang mag-thank you kay Kuya kahit na nag-thank you na ako sa kaniya."

Ngumiti siya sa kapatid na uto-uto.

Itinabi muna ni Marjorie ang bag niya, saka siya nito iginiya sa silid ng mga amo. Tuwang-tuwa siyang sumunod.

Kumatok muna si Marjorie sa pinto bago dahan-dahang binuksan ang marangyang silid. Ipinasok nito muna ang ulo. Sumilip muna sa loob. "Kuya, nandito na po si Ate."

"Come in," tugon ni Jonathan na narinig ni JL.

Napakagat-labi si JL. Grabe, boses pa lang ni Jonathan ay kumakabog na ang kaniyang puso. Kinikilig na siya.

Unang pumasok si Marjorie. Kiming sumunod naman siya.

"Ikaw?" At katulad nga nang kaniyang inasahan ay napakunot-noo si Jonathan nang makita siya.

She smiled at him sheepishly. Lalo pa siyang kinilig dahil naalala siya ni Jonathan. Sobrang saya ng pakiramdam niya na ngayon lang niya ulit naramdaman para sa isang lalaki.

Magkakilala na po kayo?" tanong naman ni Marjorie. Naglipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa. Takang-taka.

"Uhm, yeah. Naalala ko na. Ikaw 'yong kaibigan ni Gomer na boyfriend ng kaibigan kong si Flower, tama?" kunwari ay tanong din ni JL kay Jonathan upang hindi makahalata ang kapatid.

"Ako nga," maluwang ang pagkakangiting sagot ni Jonathan. "And you are JL, right?"

Tumango si JL. Ang ngiti niya ay mas naging matamis dahil pati ang kaniyang pangalan ay natatandaan ni Jonathan. Tinanggap niya iyon na sign na baka may gusto rin sa kaniya si Jonathan dahil naalala nito ang lahat ng tungkol sa kaniya.

"Oo. At salamat sa pagpayag mong makitulog ako rito," kunwari ay nahihiyang pasasalamat na niya kay Jonathan. Dagdag sa kaniyang pagdadrama.

"It's my pleasure. Maluwag naman ang bahay."

Her coffee-brown eyes gleamed appreciatively. Pakiramdam niya ay ang ganda ng pangalan niyang JL kapag si Jonathan ang siyang bumibigkas. Lalo tuloy nadagdagan ang paghanga niya para rito. Hindi lang ito guwapo, sobrang bait pa. Mas sure na siya ngayon na ito ang gusto niyang mapangasawa.

"It's getting late," saglit ay ani Jonathan na napatingin sa pambisig nitong relo. "Magpahinga na kayo. Ako na ang bahala sa asawa ko, Marjorie. Samahan mo na ang Ate mo sa silid niyo. Bukas na lang tayo magkuwentuhan."

"Sige po, Kuya." Bahagya na iniyuko ni Marjorie ang ulo bilang paggalang sa amo.

"Salamat ulit, Jonathan," sabi rin ni JL na hindi maitago ang labis-labis na kilig.

Magkasunod silang magkapatid na lumabas. Kumaway pa siya konti kay Jonathan at inipit ang buhok sa tainga niya. Parang nagbalik siya sa pagiging dalagita. Malanding dalagita nga lang.

"Ate, may hindi ka ba sinasabi sa akin?" ang hindi niya nga lang inasahan na itatanong ni Marjorie sa kaniya nang maglapat na sa pagsara ang pinto.

"Ano 'yon?" maang-maangan niya. Hindi naaalis ang matamis na ngiti sa mga labi niya. Hindi kasi talaga niya mapaniwalaan na magkasama na sila ngayon ni Jonathan sa iisang bubong. Ang gusto lang sana niya ay makita itong muli pero sobra-sobra pa ang nangyari. Nakakakilig talaga.

Pinaningkitan siya ng mata ng kapatid. "Ate, ha, binabalaan na kita. May asawa na si Kuya. Bawal na magka-crush sa kaniya."

"Ikaw naman. Ano'ng akala mo sa akin malandi? Kahit gusto ko nang mag-asawa ay hindi pa naman ako desperada much para papatol ako sa may marriage contract na," pagsisinungaling niya.

"Sure ka?" Ayaw maniwala ni Marjorie sa kapatid. Kitang-kita kasi sa mukha ng Ate niya ang kilig.

Kunsabagay hindi niya naman masisisi ang kaniyang Ate JL. Sinong babae ba naman kasi ang hindi magaguwapuhan sa amo? Wala yata. Baka nga kung hindi siya bata masyado para kay Kuya Jonathan niya ay nagka-crush na rin siya.

"Oo nga," natatawang sagot ni JL. "Tara na nga sa room ko. Kung anu-anong napapansin mo," pagkuwa'y pagwawala niya sa usapan. Kumapit siya sa bisig ng kapatid at siya na ang humila rito.

"Silid natin, Ate," ngunit ay pagtatama sa kaniya ni Marjorie.

"Silid natin? Ibig sabihin dalawa tayo sa silid mo?"

"Oo, Ate. Nakakahiya naman kasi kay Kuya kung gagamit ka pa ng ibang kuwarto."

"Pero alam mo namang hindi ako sanay na may katabi. Nasanay ako sa Hong Kong na mag-isa, eh," katwiran niya at umaasa siya na mabobola niya ulit ang kapatid.

Napakamot sa noo si Marjorie. Namoblema ang hitsura nito.

"Dito na lang ako sa kuwarto na ito." Turo niya pa rin sa pinto ng isang kuwarto. Kinapalan na talaga niya ang kaniyang mukha.

"Pero, Ate—"

"Sige na, Marjorie, diyan na lang ang Ate mo sa isang kuwarto. It's okay," nang bigla ay boses ni Jonathan mula sa likuran nila.

Hiyang-hiya si Marjorie na napalingon sa amo. Habang si JL ang siya namang tuwang-tuwa. Napakatamis na ngiti ang iginawad niya kay Jonathan.

Ito talaga ang gusto ni JL; ang nakabukod siya ng silid sa kapatid upang magagawa niya ang lahat ng gusto niya. Kasama ito sa plano niya. Sasamantalahin niya ang pagkakataong naririto siya sa bahay ni Jonathan upang maakit niya ito. Paiibigin niya si Jonathan agad sa kahit na anong paraan.

REVENGE OF THE REAL WIFE (published under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon