HIS..
"You are my sunshine , my only sunshine. You make me happy when skies are gray."
Kanta ko habang yakap si Dennise na nakahiga sa dibdib ko habang yakap yakap yung bewang ko para magkasya kami sa bed.
Den: Talaga? I am your only sunshine?
She said looking at me.
Ako: Yes po.
Den: Promise?
Ako: Promise po.
Den: Cute.
She said pinching my nose. Pinatong niya yung chin niya sa dibdib ko and half of her body, nakapatong na sa katawan ko. I smiled at her. Wala eh, ang ganda ng girlfriend ko.
I've been confined here sa hospital for 2 days already, doctor's advise. Binigay kasi nila Mommy yung health records ko before and nalaman nga nila yung nangyari sa'kin dati kaya ayun baka daw kasi bumalik.
Sobrang nagpapasalamat ako kay Den. She really stayed beside me. Inintindi niya ako.
l looked at her and caressed her cheeks. Ang dami talaga nilang similarities.
Ako: You remind me so much of her.
Kumunot yung noo niya so I continued what I was trying to say.
Ako: Amma. You're like her. Yung demeanor niyo, mannerisms and all, parehong pareho. Kaya siguro kita minahal. Kasi si Amma yung ideal girl ko.
Den: You miss her, don't you?
Ako: Magsisinungaling ako if sasabihin kong hindi. I love her.
Den: She loves you and so do I.
Ako: I know my clingy monkey with panda eyes, so cute.
I said then pulled her close para i-kiss yung noo niya. Kinurot niya naman yung tagiliran ko.
Den: Sino kayang mas clingy sa ating dalawa?
Ako: Sabi ko nga, ako. Hey, you have to go back to the dorm and sleep, Babe. Ang laki na ng eye bags mo."
I said convincing Dennise to leave for her to be able to rest well. Wala pa din kasing tulog 'to eh.
Kasalanan ko.
I'm always having nightmares kasi. Lagi kong napapanaginipan si Appa. Tapos kung ano ano pang naiisip ko kaya ayun pare pareho kaming gising, my parents included. I've forgiven them na din. Hindi naman ako marunong magtanim ng galit.
Takot lang.
Takot na baka kaya siya bumalik para bumawi sa akin, pero hindi lang sa'kin baka maraming madamay sa galit niya.
Den: Why do you want me to leave ba? Ayaw mo na ba ako dito? Dahil lang malaki na yung eye bags ko, ayaw mo na sa'kin?
She said na parang bata napatawa tuloy ako. I know na naglalambing lang ang baby and she's really good at it.
Ako: Babe, you do know that if I could just be by your side always, I would, di ba?
Den: Weh? Bola ka masyado eh.
Ako: Asus, sabihin mo kinikilig ka lang.
Den: Yan, dyan ka magaling. Yabang.
Ako: Hahaha taray naman. Haha you're so cute, Boo.
Den: Ewan ko sayo. Yabang.
Sabi niya umirap pa. Hahah ang cute talaga.
Madramahan nga.