HIS...
Am I considered a cheater if I fell in love with someone? And the fact na mas gusto ko siyang nakikita kesa sa asawa ko?
Am I bad person for going behind my wife's back?
Ang tanga ko ba para ipagpalit yung pinakamagandang babae sa buhay ko?
Kasalanan ko bang mahalin silang dalawa ng sabay?
"Babe, you have to take your medicine na."
I heard her saying but hindi ko siya nililingon.
Why?
Kasi I'm too consumed. Ito siguro yung hirap ng sabay yung dalawa yung mahal mo.
Wala eh. I'm sorry.
Yung feeling kasi na konti na lang maaangkin mo na talaga siya.
Yung alam mong konti na lang mahahawakan mo na talaga.
I know, I know. Unfair kay Den 'tong ginagawa ko but can you blame me?
I love her.
There I've said it.
I love her.
I am freaking in love with her.
I love to be with her.
Masaya ako kasi konti na lang magkikita na talaga kami.
I am so in love with her and I can't help it. Every time I think about er, yung puso ko parang sasabog na hindi ko maintindihan.
Ganun din naman ako kay Den, pero kasi sa kanya, iba talaga.
Ibang iba.
Kapag kinakausap ko siya, iba yung dalang saya sa puso ko. Lagi akong nakangiti.
Hindi ko naman sinasadyang mahulog eh.
I know, jerk move.
Ginto na magiging bato pa. Pero hindi, iba 'to.
Ito yung pinakagusto ko.
May takot pero alam ko kaya kong ipaglaban 'to. Ipaglalaban ko 'to.
Hindi ko hahayaang masaktan siya ng kahit na sino. Mahal na mahal ko siya.
Den: Boo.
Hindi pa din ako lumilingon sa kanya. I'm too mesmerized by what I'm currently holding. It's not my first time to see this but iba talaga kapag alam mong sayo na yung hawak mo.
I am currently holding HER first ever picture. MY LIFE's picture.
I am freaking COMPLETE! CONTENTED and VERY HAPPY!
Ang cute cute niya.
Den: Oyens!
She called me again and this time nilingon ko na siya. Iba na tawag sa'kin eh. Mahirap na kapag nagalit. May malaking kasalanan na nga ako. Though I don't feel guilty about it which is weird. Parang ang saya ko pa lalo kasi mahal ko silang dalawa.
Paglingon ko, grabe ang ganda. Hinding hindi ako magsasawa sa mukha niya kahit ilang years na kami magkasama and ilang months na kami mag-asawa.
Lovely.
She is so lovely. She was, she is and always be lovely to me.
