Graduation Day.
6:30 A.M pa lang ay gising na ako kahit mamayang 3 pm pa ang Graduation.
I'm trying to contact my parents pero laging out of coverage area. Nasa Korea sila parehas dahil nandoon ang business namin.
Ako lang ang naiwan sa Pilipinas dahil mas pinili kong dito mag-aral kaysa doon.
Wala ako ni-isang kamag-anak dito. Ang Lolo't Lola ko sa father side ay Patay na samantalang ang Grandparents ko sa mother side ay nasa Korea din.
Elementary pa lang ako, natuto na ko mamuhay mag-isa. May sarili akong condo pero minsan lang ako umuwi doon dahil kadalasan ay na kanila Trixie ako.
Ayos lang naman sa parents ni Trixie na halos doon na ako tumira. Silang dalawa lang naman ni Trevor ang nakatira doon. Mga maids at driver lang ang kasama nila.
May-ari ng isang Lending company ang mga magulang ni Trixie. Tulad ko, pinili rin niyang maiwan dito sa Pilipinas para dito mag-aral, pumayag naman ang parents niya kapalit nun ay pag tungtong niya ng college sa US na siya mag-aaral.
'The number is not yet in service. Please try again later.'
I sighed and turn off my phone. Aakyat na naman siguro ako ng stage ng walang magulang nag-aabang sa akin sa pagbaba ko.
Di ko mapigilan na hindi umiyak. Isa 'to sa mga dahilan kung bakit mas pinili kong mag-aral dito. Kahit naman sa Korea ako tumira at kasama sila ay parang wala pa rin akong magulang na makakasama. Parehas silang busy sa kompanya at walang oras sa akin.
Kaya bata pa lang ako ay sinanay ko na ang sarili ko na mamuhay na wala sila. Tuwing bakasyon ay ako pa ang nagpupunta ng Korea makasama lang sila.
Ano pang bago! Dapat sanay na ko sa mga ganitong pangyayari. Buti na lang ang Papa ni Trixie umuwi dito para lang sa graduation ni Trixie.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nagising na lang ako dahil sa ingay ng cellphone ko.
Ala-una na pala. Matagal din ako nakatulog at di namalayan ang oras.
'Congratulations Joie. Sorry we can't come, busy masyado dito. Don't worry babawi kami. I love you. Take Care.' text ni Mommy. Buti naman nakaalala sila na may anak pa sila.
Naligo na ako at nag-ayos ng sarili. Ilang oras na lang ga-graduate na kami.
Bukas, aalis na ang Best Friend ko. Bakit parang ang bilis ng panahon. Hays.
Nakarating ako sa school ng saktong 2:30. Dumiretso na ako sa 2nd floor kung saan naroon ang pila ng section namin.
"Ianne!!" sigaw agad ni Trixie ng magkita kami.
"Congrats saten." sabi ko sa kanya.
Napansin siguro ni Trixie na malungkot ako kaya 'di na siya nagtaka kung bakit. Alam naman niyang 'di makakarating ang Mommy't Daddy.
"Cheer up. Ga-graduate na tayo oh. Dapat masaya!!" naka-ngiting sabi niya sakin.
Nginitian ko nalang siya at yinakap. Ma-miss ko 'tong babaeng to. Nakakalungkot lang na iiwanan na naman ako ng isang tao napakalapit sa akin.
Nagsimula ng mag-martsa ang mga estudyante. Maraming nalulungkot dahil ito na ang huling yugto sa buhay High School.
Pero madami ding masaya dahil sa wakas, sa loob ng apat na taon nila sa High school, ngayon ay Makakapagtapos na sila.
BINABASA MO ANG
No Ordinary Love (GD&SAN)
RomancePaano kung si "Destiny Addict" ay ma-in Love kay "Not Yet in Service"? Ang 'tadhana' kaya ang maglapit sa kanilang dalawa? O ang tadhana na mismo ang magpasya na hindi sila ang para sa isa't-isa.