Ianne's POV
2 weeks na lang at 24th birthday ko na </3. Ang tanda ko na oh my gee. Ayos lang baby face naman ako eh Y(^_^)Y
Nag-su-surf lang ako sa internet ng maka-receive ako ng isang e-mail from YGA.
22nd Anniversary na pala ng Yang Goon Academy, at ayon sa e-mail na natanggap ko ay may Grand Alumni Homecoming yung batch namin. Eh hindi naman ako umabot ng graduation sa YGA, kalokohan, bakit pati ako inimbitahan nila. Saka dalawang taon palang ng maka-graduate yung batch nila Brenan, Reunion agad.. Actually 3 batch yung inbitado sa Homecoming, yung batch na sinundan namin, batch namin, (maka-namin parang gumraduate naman ako don), at batch nila Audrey.
Hmm, pupunta ba ko? Mukhang masaya e >o< Pero kung pupunta ako, ibig sabihin nun makakasama ko si..
"LeBabe." singit ni Tiffany slash Stephany. Dadampot na sana ako ng unan pambato sa kanya kaya lang naunahan niya kong kunin yung unan. How sad :(
"Magtigil ka nga diyan. Sisipain kita pabalik ng Seoul diyan eh. Isa pa." pagbabanta ko sa kanya at itinuon muli ang atensyon ko sa e-mail na natanggap ko.
Maya-maya pa ay nag-ring ang aking mahiwagang cellphone.
*Andrei M. calling...*
Hayy, ano pa bang gusto netong gawin sa buhay niya?!
"Ano na namang kailangan mo saken?!" inis na tanong ko sa kanya ng masagot ko na ang tawag nito.
"PMS Much?" nang-aasar na tanong niya.
"Kung tatawag ka lang para mang-asar, wag ka ng tatawag ulit. Sinasayang mo ang oras ko bye!" padabog kong inihagis ang cell phone ko sa may kama. Hindi ko naman alam na naka-higa pa pala dun si Stephany, natamaan tuloy. Buti nga.
"Aray! Masakit yun ah!!" sigaw niya habang minamasahe ang noo niya. Binelatan ko lang siya at humarap na ulit sa Laptop. Pupunta ba ko o pupunta ako?
-
Audrey's POV
Nasa may office kaming lima nila Trixie, pinag-mi-meetingan namin ang dapat gawing aksyon para tumaas ang kita ng negosyo namin. Ilang buwan na din kasi mababa ang kita nito.
"Kumuha kaya tayo ng panibagong model? O kaya tapos let's do commercials for publicity." suhestyon ni Brenan, may utak din naman pala to kahit papaano.
Sumang-ayon naman agad si Trevor sa suggestion ni Brenan. Palibhasa'y walang ma-i-suggest kaya um-oo na lang.
"We can do that, yes. But we can't guarantee that after we do those commercials thingy, that we will gain profit. Gagastos tayo for that, saan tayo kukuha ng model na libre? Hindi na sapat yung kita netong business para gastusan yan iniisip niyo." sagot ko naman. True, masyado kaming nakampante noon dahil kumikita tong business namin, hanggang sa may magsupultan na lang na panibagong businesses at maungusan na kami.
"Audrey has a point. Masyado na tayong maraming kakumpetensya pagdating sa negosyong napili natin. And hindi na natin kayang gumastos pa, wala na tayong pondo." O diba tama ako? 1 point for me. Halata kay Trixie na nafufrustrate na siya. Mahalaga sa kanya tong negosyo na to. After naming gumraduate, eto na agad ang pinagkaabalahan namin at lalo na niya.
"Why don't we try something new? O kaya lagyan natin ng twist.. kapag bumili ng isang item... may kiss kay Levi. Kapag dalawang item.. may hug kay Brenan." hindi ko alam pero bigla na lang ako natawa sa sinabi ni Trevor.
BINABASA MO ANG
No Ordinary Love (GD&SAN)
RomancePaano kung si "Destiny Addict" ay ma-in Love kay "Not Yet in Service"? Ang 'tadhana' kaya ang maglapit sa kanilang dalawa? O ang tadhana na mismo ang magpasya na hindi sila ang para sa isa't-isa.