Chapter 5

1.2K 23 2
                                    

It's been 2 days since I talked to Trevor. Di pa rin ako nakakapag decide kung tatanggapin ko ba yung offer nila na doon na lang ako 'pansamantala' tumira sa kanila. Trixie and I were bestfriends since Grade 6. Parang pamilya na ang turing ko sa kanila at alam ko naman na ganoon din sila sakin pero parang masyado na ata silang maraming nagawa para sakin.

To think na umuwi pa si Trevor dito sa Pilipinas para lang may kasama ako, arggg. Parang pakiramdam ko tuloy ay isa akong pabigat. Na hindi ko kaya tumayo mag-isa at kailangan ko pang taong aalalay sakin.

Should I accept or decline the offer? Aishhh.

'Trixie Calling..'

"Hey Ianne. have you met Trevor na? HAHHAHA pinauwi ko kasi siya diyan." sabi ni Trix pagka-sagot ko ng phone.

"Yeah. hmm di mo na dapat ginawa yun. I can take care of myself naman. Isa pa, maaabala ko pa si Trevor imbes na kasama niyo siya diyan at diyan din siya nag-aaral e nandito siya kasama ko. Really Trix, I appreciated the effort and thank you for thinking about me. Pero kasi--"

"Ano ka ba?! Pabor din naman kay Trev na umuwi siya diyan no. Mas gusto niya daw sa Philippines kaysa dito. Pinayagan lang siya bumalik ni Papa diyan dahil may deal kami. Tama na rin yun. mabuti ng may kasama ka diyan habang wala ako no. Saka para na din maging close kayo ng kapatid ko." actually, may point si Trix, may makakasama na ako and at the same time magiging mas close kami ni Trev.

"Thank you.." that's all I can say... Lagi na lang ako yung naka depende kay Trixie. Ano kayang managyayari sakin kung hindi ko nabangga noon si Trevor at hindi kami nagkakilala ni Trixie.

"That's what Bestfriends are for." she said. napa-ngiti na lang ako dahil kahit malayo ako sa parents ko at kahit malayo si Trixie sakin ay hindi pa din niya ko nakakalimutan.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tinext ko si Trevor after ng pag-uusap namin ni Triexie. Sabi ko na pupumayag na ko sa kanila tumira.. pero tuwing weekends ay sa Condo ako uuwi. Pumayag naman siya.

Parang dati lang din nung nandito pa si Trixie. Sa kanila na ako halos tumira. Pero tuwing weekends ay sa Condo ko kami ni Trixie natutulog.

Nag-iimpake na ko ng mga gamit ko ng dumating si Trevor.

"Need help?" tanong niya. Napansin ko naman na may kasama pala siya at laging gulat ko ng nakita ko kung sino ito.

"Ikaw?!!" halos pasigaw na tanong ko.

"Ikaw?!!" tanong din nung lalaki.

"You knew each other?" tanong naman ni Trevor.

"NO" ako

"Yes." siya. Feeling close talaga tong lalaki na to. Siya lang naman yung lalaking nakipag-agawan sakin dun sa Taxi nung araw na hinatid ko si Trixie sa may Airport.

"Ohh. So he knows you, but you don't know him." sabi sa akin ni Trevor.

Naiyukom ko na lang yung kamay ko sa inis.

"Hindi ko siya kilala ok? Nakasabay ko lang siya sa Taxi nung hinatid ko kayo sa Airport." sabi ko sabay alis na. Argg kainis magkakilala sila? I didn't know that Trevor has this kind of friend. Psh.

-----------------------------------------------------------------------------------------

Nandito na kami sa bahay nila Trevor. At kasama pa din namin yung asungot na FC na yun.

Pagpasok ko ng bahay nila nanibago agad ako. Wala kasi si Trixie. Si Trixie lang naman ang dahilan ko noon kung bakit nagpupunta ako dito.

Napag-usapan na din namin na sa kwarto muna ako ni Trixie mag-ka-kwarto. Sabi ko nga sa sala na lang ako matutulog. XD

Inaayos ko na ang gamit ko ng pumasok si Trevor sa kwarto.

"May kailangan ka?" tanong ko.

"Wala, sinisilip lang kita." ohh-kayy parang nakakapanibago lang na dati ang awkward namin sa isa't-isa pero ngayon parang ok na ang lahat.

Ano kayang feeling ng may kapatid? Yung may mag-aalala at mag-aalaga din sayo katulad ni Trevor. Ang sarap siguro ng feeeling na may tumatawag sayong 'ate'. 

"Hey." sabi ni Trevor na dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Ha?" tanong ko naman.

"Tama nga si Ate. Bigla-bigla ka na lang natutulala. Hahaha, sige baba na ko. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka pa" sabi niya at tumalikod na.

Palabas na sana siya ng pinto ng pigilan ko siya.

"Sandali." sabi ko at humarap naman siya sakin. Nakatingin lang siya sakin at ganun din ako sa kanya. Pero parang may sumanib sa akin at bigla ko na lang siyang yinakap. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko. Maski ako nagulat sa inakto ko.

"T-thank youuuu." medyo awkward na sabi ko nung kumalas na ako sa pagkakayakap.

"Wa-wala yun. Si-sige" sabi niya at kumaripas na ng takbo.

Aish Arianne ang tanga mo. Kaya awkward sayo yung tao kung anu-anong pinag-gagawa mo. Aish~~

No Ordinary Love (GD&SAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon