Ianne's POV
"Ang galing nu? Nakakapag-salita na nga ang unggoy, nakakapag-joke pa." simula ng dumating kami, halata ko ng kay Levi yung pagkainis. Ano bang kinaiinis niya tss.
"Narinig ko yun ah." sagot naman ni Andrei sa tabi ko.
"Edi congrats." inis na sabi ni Levi at pumasok na sa loob ng Shop. Ano bang problema niya?!
Bakit ba nandito kami? Simple lang, kanina diba nagpunta ako ng resto, and it happened na pupunta din pala si Audrey dun.
Kailangan daw nila ng tulong ngayon. Kaya sinama ko na si Steph at Andrei ng may magawa naman silang maganda sa mundong to. As in NOW na! /sings TM's Now. Tell me Now Now Now. Hahahaha
"So, anong klaseng tulong ba maitutulong namin?" seryosong tanong ni Andrei kay Audrey.
"Wala, pwede ka ng umalis." eto na naman si Levi, ang laki ng problema kay Andrei. Hinayaan na lang ni Andrei ang sinabi ni Levi. Hindi naman madaling mapikon to e.
"The sales of this Shop is not as high as what we've expected. And kapag hindi kami gumawa ng paraan, baka mapilitan kaming magsara." malungkot na sabi ni Trixie. I feel sorry for her. Noon pa lang alam ko ng isa to sa mga pangarap niya, ang magkaroon ng sariling negosyo. Isa din to sa mga pinanghahawakan niya na kaya na niya ipakita sa papa niya na kaya niyang tumayo sa sarili nitong mga paa.
"We're willing to help. If it's money, no problem with me." pormal na sagot ni Daren. Agad naman itong kinontra ni Audrey.
"No, hindi kami lumapit sa inyo para sa pera.... I asked for a favor not for a help." sambit ni Audrey.
"Eh anong klaseng tulong?" naguguluhang tanong ni James sa kanyang girl friend. Ayie Hahaha.
"Napag-usapan kasi namin na mag-bargain kami ngayon.. and ang ini-suggest ni Trevor ay ayun nga, mag-bargain kami. Pero para makasigurado na may bibili, you guys have to do something." paliwanag muli ni Audrey.
"Something like?" tanong ni Stephany.
"For the guys, I know this is beyond the line but, I'm asking for a favor na, you have to.. kiss. You have to kiss every girl customer na bibili ng 2 or more items. "
Nang maipaliwanag na niya sa amin ang mga gagawin, hindi ko alam pero bigla ako natawa ahahaha. Kasi naman, sinong matinong 'business man' ang makaka-isip ng ganung klaseng idea.
"So, we just have to sell it outside?" tanong ni Daren at tumango naman si Trixie.
"At kapag dalawang item ang binili may extra service? Like .. kiss?" tanong naman ni James kay Audrey. "Is it okay with you na halikan ako ng ibang babae? Kahit sa cheeks? Hindi ka magseselos?" tanong muli ni James kay Audrey at yinakap ito.
"Kanina pa kayo nag-pi-pda sa harap ko ah. Okay James tama na yan. Guys, ilabas niyo na ang mga dapat ilabas." utos ko sa kanila, parang ako ang may-ari no. Ahahahaha
"Alam mo kasi Ianne, kung gusto mo ring may ka-PDA nandito lang naman ako e. Hinding-hindi naman ako tatanggi sayo." sinamaan ko na lang ng tingin si Andrei. Eto namang si Daren tumatawa pa. Okay, moral support naman please? Gosh.
-
Trixie's POV
Nang maipwesto na namin ng maayos yung mga items sa labas ng shop, kinuha ni Ianne yung mega-phone. Sa pagkakaalam ko wala namang mega-phone dito.
"Ehem, ehem, okay. Good after ma'am and sir. Magkakaroon kami ng promo today!!! Kapag bumili kayo ng 2 or more items, may libre kayong kiss sa kanila!!! Oh diba ang saya ahahaha." masayang sabi ni Ianne habang kami dito ay medyo nahihiya sa ginawa niya.
Maya-maya pa ay bigla na lang nagtilian ang mga grupo ng mga high school students na patakbo sa amin.
Madami ding lumalapit at tumitingin ng damit. Mukhang ayos yung Plano ni Trevor, 1 point for you brotha!
-
Ianne's POV
Medyo madami ng namimili, puros karamihan ay mga high school students at mga babae pa. Mga kiri ahahaha. May mga lalaki din.
Si Trixie ang naka-toka sa may cashier, samantalang si Audrey naman ang taga balot. Kami ni Steph ang nagsilbing Sales Lady. Yung anim na lalaki? Ayun pinagkakaguluhan na ng mga babae dahil sa free kiss.
"Bessy, anong mas maganda eto o ito?" tanong nung high school student sa kasama niyang lalaki. Girl-Boy friendship, naalala ko tuloy nung... okay nevermind.
"Eh parehas lang naman yan e. Parehas maganda." sagot naman ng kaibigan niya.
"Ayun na nga, parehas maganda kaya hindi ko alam kung ano yung pipiliin ko." sabi pa nito. Ginulo na lang ng lalaki yung buhok ng kaibigan niya.
"Kayo talagang mga babae napaka-choosy. Parang sa love lang yan e, kung parehas silang maganda at parehas mo silang gusto, hindi pwedeng silang dalawa ang piliin mo. Dapat isa lang. Kung sino yung mas sa paningin at sa puso mo, edi yun yung piliin mo." pangaral nung lalaki.
"Arg, napaka-seryoso mo talaga, sige ito na nga lang, masyado kasing simple tong isa e. Tara na dali sayang yung free kiss!!!"
Napaisip ako, tama nga, sa pag-ibig hindi pwedeng pantay, may isang mas higit. Hindi pwedeng dalawa, dapat isa lang... Napatingin ako kay Levi na pinagkakaguluhan ngayon ng mga babae. Ganun din ba ang nararamdaman niya noon? Pareho niya kaming gusto ni Trixie, pero mas higit si Trixie sa akin kaya ito ang pinili niya?
"Uy, natamaan siya." asar ni Steph sakin na bigla na lang lumitaw sa tabi ko. Hindi ko na lang ito pinansin at nilapitan na lang yung mga bagon dating na natingin ng damit.
-
Levi's POV
Feeling ko wala na kong labi, nakaka-inis naman kasi tong pakulo ni Trevor e, kung sana siya lang yung hahalik, dinamay pa kami. Alas-siete ng maubus yung mga panindang inilabas namin. Akalain mo yun ang daming bumili, and dami din naming hinalikan.
Nasa loob kami ng Shop, sobrang tuwa ni Trixie pati ni Audrey. Kulang na lang umiyak sa sobrang tuwa at paghahalikan kaming lahat e. Masyado na kanig madami yung stock na mga item kaya nakatambak na shop. At sa ginawa naming sale ngayon, naubos lahat.
"Guys, maraming salamat talaga. Hindi ko alam kung paano magte-thank you pero salamat pa din sa tulong niyo. James, Daren, thank you ah. Naabala pa namin kayo, mas inuna niyo pa to kaysa sa resto niyo. Thank you talaga. Sayo din Andrei, salamat. Malaki yung naitulong niyo samin. Steph, I-Ianne.. salamat." mangiyak-ngiyak na sabi ni Trixie.
"Okay lang, wala rin naman kaming pinagkaka-abalahan ngayon eh, saka magka-kaibigan naman tayo... diba?" naka-ngiting sabi ni Ianne, lumapit si Trixie rito at yinakap ito. Nabigla man si Ianne sa inakto ni Trixie ay yinakap niya din ito pabalik.
Sinenyasan ko naman sila Brenan na iwan na muna namin yung dalawa. After 3 years ngayon na lamang ulit sila magkaka-usap. Sana maging okay na ang lahat. Knowing Ianne, hindi naman ito marunong magtanim ng galit sa isang tao. Masyado itong mabait, to the point na ayaw mo siyang gawan ng masama. Kaya na-gi-guilty ako sa ginawa ko sa kanya at kay Trixie. Should I tell her the truth?
BINABASA MO ANG
No Ordinary Love (GD&SAN)
RomancePaano kung si "Destiny Addict" ay ma-in Love kay "Not Yet in Service"? Ang 'tadhana' kaya ang maglapit sa kanilang dalawa? O ang tadhana na mismo ang magpasya na hindi sila ang para sa isa't-isa.