Levi's POV
Everything went so fast. Almost 3 years na rin since we came back here sa Philippines. Nagtataka siguro kayo kung magka-ano-ano kami ni Audrey no? Audrey is my childhood friend. Actually, anak siya ng kaibigan ni Papa. Namatay kasi ang mga magulang nito at sinisisi ni Papa ang sarili niya sa nangyari sa mga magulang nito. Kaya bilang kabayaran, inampon ni Papa si Audrey. Si Audrey na yung tumayong kapatid at kaibigan ko. Sabay kaming lumaki. Kami-kami nila Trevor ang magkababata noon. Pero nung nangyare yung Accident na yun, napagpasyahan ni Papa na tumira na lang kami sa US.
At noong bumalik na nga kami dito para dito na manirahan. Nakilala ko si Arianne. Parang mayroon sa loob ko na nagsasabi na matagal ko na siyang kakilala. Kaya nga ang gaan ng loob ko sa kanya. Pero nung gabing hinika siyang dahil sa pananakot ni Audrey, natakot ako na baka dahil dun ay lumayo ang loob niya sakin. Pero hindi, simula nun ako na ang nag bantay sa kanya. Ayaw pa nga niya noong una eh, as if namang may gagawin akong masama sa kanya. Minsan cold yung treatment niya sa akin siguro na-trauma, siraulong Audrey din kasi to e.
Aish, bakit ba pinag-uusapan natin si Arianne? Baka isipin niyo may gusto ako sa kanya, WALA no. Asa tsss.
"IANNE BILISAN MOOOOOOOOOOOOO." tawag ko sa kanya. Kanina pa kong Alas-otso nag-aantay sa kanya 9:30 na oh.. Psh
Nang makarinig ako ng bumaba sa may hagdan ay tumayo na ako at inabanga siya pero dahil nga may pagka-careless to, minsan nga naguguluhan ako kung babae ba to o lalaki e. Ang boyish kasi kumilos. Mas lalaki pa nga ata siya pumorma kay Brenan.
Dahil nga sa may pagka-careless di niya napansin yung tsinelas sa may hagdan at ayun, Napatid. Mabuti nalang at nasalo ko kaagad siya. Pareho tuloy kaming bumagsak sa may sahig masakit din yun ah. Inaantay kong tumayo siya pero nakatingin lang siya at pumikit-pikit pa.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya.
"Nahulog ka, sinalo kita, bumagsak tayo." sagot ko naman. Nakapatong kasi siya sakin. TEKA?! Napansin siguro niya na nakapatong nga siya sakin kaya bigla siyang tumayo at pinagpag yung damit niya.
"Akala ko wala ka ng balak tumayo e." sabi ko habang nakangisi. Haha, nakakatawa talaga mukha niya lalo na pag naiinis.
-
Dahil nga sa ako ang bantay niya, kailangan sabay kami pumasok at umuwi. Napilitan lang ako no, alam niyo naman yung nangyari dati baka maulit pa.
Parehas na kaming magpo-4th year College nila Arianne. Si Trixie din na sa YGA na nag-aaral, parehas kami ng course na Fine Arts. Si Brenan ayun, kahit na sa CBA siya laging na sa CAFA, trip niya pa sin si Trixie e. Si Trevor at Audrey naman ay magti-3rd year College na din sa YGA, Tourism naman sila parehas. Ang galing diba sa iisang school lang kami nag-aaral lahat. Masasabi ko na kaming anim ay magkakaibigan na, pero alam ko na hanggang ngayon ay ilang pa din si Arianne sa amin lalo na kay Audrey. Di ko naman siya masisi. Muntikan na niya ikamatay yung nangyari sa kanya dati. Malay ko bang may hika siya.
"Dito na ko. Ge thankyou." paalam ni Arianne at pumasok na.
Sa aming anim ako ang pinakamalapit na building sa kanya. Si Brenan naman irregular dahil nga tumigil siya nung nag-punta siya ng Japan.
Kilala niyo naman ako siguro diba? -_-
Levi Yuan Mercado delos Santos, yan pangalan ko yan. Tandaan niyo ah. 19 years Old. Gwapo -_- Mayaman, matalino, cool. Oo, wag na aangal. Mabait ako sa mabait sakin. Masungit sa hindi.. Hmm NGSB ako, wag na kayo magtaka. Hindi naman sa choosy ako, may inaantay lang akong dumating. At alam ko, nakita ko na siya..
------------
Heol nakapag-update din.
Sino po yung kausap ko sa twitter nung nakaraan? :) Di ko alam UN mo message mo Ko :) HAHA
BINABASA MO ANG
No Ordinary Love (GD&SAN)
RomancePaano kung si "Destiny Addict" ay ma-in Love kay "Not Yet in Service"? Ang 'tadhana' kaya ang maglapit sa kanilang dalawa? O ang tadhana na mismo ang magpasya na hindi sila ang para sa isa't-isa.