Ianne's POV
Am I dreaming?
*blink blink*
Arrggg!! Nakaka-baliw!! Yu-yu-yung childhood friend ni Levi is me? Waaahh!!! Nananaginip ba ko?!! Pano nangyare yun?!!!! He even know my birthday na si Trixie lang ang nakaka-alam! Yes, familiar din siya sa akin but I didn't know na ganito ka pamilyar na magkababata pa pala kami.
Kung akoyung childhood chorva niya ibig sabihin medyo close kami dati? Eh bakit ang layo ng loob namin sa isa't-isa ngayon? I mean kapag ... diba.. Aish nevermind. Ang bilis ng mga nangyari. In just a blink of an eye, poof! I'm now his Friend.. Epp, Childhood Friend.
So sabi niya una kami nagkita sa company namin, ang company namin ay sa Seoul pa, so hindi ko lang siya basta 'friend' from my childhood. Maybe kaibigan din ni Papa yung mga parents niya, pero wala namang naku-kwentong ganun si Papa.
"Joie." speaking of. Kasama ko kasi sila ngayon, nandito kami kanila Trixie. Post-birthday Celebration ko daw. Maduga daw ako dahil ko pinaalam na birthday ko. I hate birthdays, esp. mine ≧﹏≦
"What?!" I snapped.
"Make a wish na." sabi ni Trevor. Isa to sa mga dahilan kung bakit ayaw kong nagce-celebrate ng birthday e, yung magwi-wish tas ibo-blow yung candle. Diba parang bata lang? Nababaduyan kasi ako, kaya nga mas minabuti ko na itago sa kanila at kay Trixie lang ipaalam.
I closed my eyes, ano pa bang dapat hilingin ko? Si Levi na magustuhan ako? Psh as if mangyayari pa yun e lalo na ngayon nalaman niya na ako yung childhood friend niya. FRIEND! F-R-I-E-N-D as in KAIBIGAN!
Kung kayamanan, di ko na kailangan yun, sanay ako mamuhay ng simple kahit na may kaya yung pamilya ko. Health? Healthy ako. Siguro attention na lang, attention mula kay Papa at Mama.
"Happy Birthday!!" masayang bati nila sakin, Ok,awkward this is the first time someone greeted me on my Birthday, well aside from my parents and Trixie.
"Anong winish mo?" tanong ni Brenan.
"Kapag sinabi ko hindi na matutupad, wala ng silbi yung wish!" pagtataray ko sa kanya. Na-iirita kasi ako di ako sanay sa ganitong set-up.
"Sana hindi na magsungit si Ianne." sabi ni Brenan at hinipan na yung kandila. Di ko talaga hinipan yun dahil ayoko gawin. -_-
Tutal Monday ngayon, wala kaming pasok, kasi nga Sunday ginanap yung FD pahinga daw namin, mabuti naman.
"Nagba-bar ba kayo?" Audrey asked out of nowhere.
"Oo, madalas ako." sagot ni Brenan. Dun kasi siya nangchi-chicks.
"I tried once. Nung nasa Cali ako." sagot naman ni Trixie, di na ko magugulat may pagka-party Girl talaga to, di niya lang magawa ngayon dahil nandito ako.
"Yeah." tipid na sagot ni Trevor. Dun ako nagulat. Wow may social life din naman pala to.
"Yep, why don't tell me pupunta ulit tayo sa bar na pinuntahan natin last time?" Levi asked. Oh what to expect. Mga party animals pala tong kasama ko dito. ><
"Di ako umiinom." sagot ko.
"Oh c'mon Ianne." si Audrey. Ohc'mon your face.
"Hindi nga."
"Kahit minsan?" tanong ni Brenan.
"Umiinom naman, kasi kapag nabilaukan ka diba kailan mo uminom? Psh.. Hindi nga ang kulit ah."
BINABASA MO ANG
No Ordinary Love (GD&SAN)
RomancePaano kung si "Destiny Addict" ay ma-in Love kay "Not Yet in Service"? Ang 'tadhana' kaya ang maglapit sa kanilang dalawa? O ang tadhana na mismo ang magpasya na hindi sila ang para sa isa't-isa.