Chapter 32

872 22 2
                                    

Ianne's POV

"Sino Ka?"

Tanong ko sa babaeng nasa harapan ko. Nakita kong nanlaki ang mga mata nito sa gulat. Magsasalita pa sana siya nang dumating na ang mga Doktor. Pinalabas siya ng mga Nurse dahil sa nagiging emosyonal ito.

Maraming tinanong sakin ang Doktor pero ni isa ay walang pumapasok sa isipan ko. Tumatango lang ako sa bawat tanong niya.

 

"May naaalala ka ba?" tanong ng Doktor sakin. Umiling ako at tumango lang siya.

Sinenyasan niya ang kasama niyang nurse at inayos na nito ang mga gamit nila.

"Sige hija, magpahinga ka na." sabi ng Doktor. Matagal din bago bumalik yung babae kanina.

Nagtutubig ang mga mata, pero pinipigilan niyang tumulo ang mga ito. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.

"Ianne, si Audrey to.. wala ka ba talagang maalala?" tanong niya sakin.

Umiling ako, wala akong maalala sa mga nangyari sakin. Wala akong naalala.

"Ianne, apat na buwan ka ng walang malay.. Naaksidente ka kaya ka nandito. Marahil ay yon din ang dahilan ng pagkawala ng Memorya mo. Pero Ianne, kung dahilan mo lang to para kalimutan ang mga nangyari--" napatigil siya sa pagsasalita.

"Sino ka ba? Kaibigan ba kita?" tanong ko sa kanya. Tuluyan ng bumagsak ang mga luha niya.

"Audrey. Audrey ang pangalan ko. Bata pa lang magkakilala na tayo. Magkaibigan din ang mga magulang natin kaya tayo nagkakilala." pagpapaliwanag niya.

"Nasan ang mga magulang ko? May magulang pa ba ko?" tanong ko ulit sa kanya pero hindi ito sumagot.

 

"Ang totoo kasi niyan, hindi pa namin nasasabi kay Tita ang nangyari sayo. Ianne, natatakot ako. Baka kunin ka nila at dalhin sa Seoul." kumunot ang noo ko sa mga sinabi niya. Hindi nila pinaalam sa mga magulang ko ang mga nangyari sakin? Kaibigan ko ba talaga sila?

"Seoul?" tanong ko dito at tumango naman ito.

"Sa Seoul kayo nakatira, pero nagpaiwan ka dito. Mahabang istorya, pero sana Ianne, maalala mo na ang lahat. Ianne, ang tawag namin sayo. Pero Arianne ang pangalan mo. Ako, Audrey Perez. Ianne, masaya ako at gising ka na." sabi niya at niyakap ako.

No Ordinary Love (GD&SAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon