Brenan's POV
Nag-paalam si Levi na lalabas lang daw saglit. Psh, gusto lang tumakas nun. Napilitan lang kasi siya sumama dito. Parang hindi naman niya kaibigan yung may-ari dito. Biglang bumukas yung pinto, at may pumasok na babae. Nakita kong nilapitan siya ni James at Daren at bineso ang mga ito.
May pumasok pang isang babae, pero hindi ko na nakita ang mukha nito dahil sa nakaharang ang mga likod nila James hahaha tsismoso ba yung dating ko. Nakita ko rin na pumasok na si Levi na para bang wala sa sarili.
"Hoy bakit ang tagal mo sa labas?" tanong ni Audrey sa kanya. "Akala ko umuwi ka na e." dagdag pa nito ng makaupo na si Levi. Parang di maipinta ang mukha ni Levi, ano bang nangyari dito.
"Huy ayos ka lang?" tanong ko sa kanya pero tinignan niya lang kami isa-isa. Magsasalita pa sana siya ng mapansin ni Audrey na papalapit si James samin. Napansin kong nanlaki ang mga mata ni Audrey kaya napatingin ako sa tinitignan niya. At katulad ng reaksyon niya ay ganoon din ako.
"Aud, Guys.. I want you to meet my cousin.. Tiffany." sabi ni Daren habang pinapakilala niya kami isa-isa sa babaeng kasama niya. "And my Sister, Rian." napatayo kaming tatlo maliban kay Trixie at Levi na gulat pa rin sa nakita nila. Kahit ako rin naman. Si Ianne... nagbalik siya.
"Nice to meet you......" sabi ni Ianne samin ng nakangiti. Pero wala akong makitang kakaiba sa mga ngiti niya. Hindi yung ngiting nagpapanggap lang, napaka natural ng mga ngiti niya.
"Ianne..." yun ang tanging nasabi ni Audrey na hindi makapaniwala sa nakikita niya. Bigla niyang niyakap si Ianne. Nabigla naman sila James sa inakto ni Audrey.
"Ianne, kumusta ka na? Ang tagal mong nawala.." sabi ni Audrey na halos mangiyak-ngiyak na.
"You knew each other?" tanong naman ni Daren. Ngumiti lang si Ianne. Nakita kong tumingin siya kay Trixie pero iniwas din agad niya ang tingin niya dito.
"Pupunta lang akong restroom, excuse me." sabi ni Ianne samin na biglang sumeryoso ang itsura niya. Tatlong taon. Tatlong taon siya nawala. Hindi ko akalain na sa ganitong pagkakataon pa kami magkikita-kita.
-
"Si Ianne ba talaga yun?" tanong ni Trevor na parang hindi makapaniwala. Naka-uwi na kami pero si Trixie ay gulat pa rin sa mga nangyari.
"Ang alam ko walang kapatid si Ianne e." sagot ko naman. Ang kwento samin ni Ianne noon ay only child lang siya. Pero kanina ang pakilala sa kanya ni Daren ay kapatid niya ito.. Paano naman nangyari yun?
"Pero hindi naman itinanggi ni Ianne na kakilala niya tayo diba?" tanong naman ni Audrey.. Sa loob ng tatlong taon... ang akala namin kahit kailan ay hindi na namin makikita si Ianne. Maging ang pag-alis niya ay isa ring palaisipan samin.
Umuwi na ako sa bahay at nagpahinga. Iniisip ko pa rin ang mga nangyari kanina. Si Ianne, mas lalo siyang gumanda kumpara noon. Naaalala na niya kaya kami? Anong nangyari sa kanya. Marami ako gusto malaman.
Sa loob ng tatlong taon na saksihan ko ang pagbabago sa mga kaibigan ko. Malaki ang naging epekto ng pagkawala ni Ianne, samin, sakin at lalo na kay Levi. Masakit sakin na nakikita siya araw-araw naglalasing, nagwawala. Naging miserable ang buhay niya ng dahil doon. Naawa ako sa kanya. Pero naawa din ako kay Trixie.
Si Trixie ang pinili niya noon pero sa pag-alis ni Ianne nagbago ang lahat ng iyon. Sinisi niya ang sarili niya sa mga nangyari. Sa aksidente, sa pagkawala ng alaala at pag-alis ni Ianne, lahat yon ay sinisi niya sa sarili niya. Pero nandiyan si Trixie na laging umiintindi sa kanya. Kahit na ang laging mukhang-bibig ni Levi ay si Ianne, ay hinhabaan pa rin ni Trixie ang pasensya niya, ano pa nga bang magagawa niya? Mahal na mahal niya si Levi to the point na kahit siya nasasaktan na nito.
BINABASA MO ANG
No Ordinary Love (GD&SAN)
RomancePaano kung si "Destiny Addict" ay ma-in Love kay "Not Yet in Service"? Ang 'tadhana' kaya ang maglapit sa kanilang dalawa? O ang tadhana na mismo ang magpasya na hindi sila ang para sa isa't-isa.