Chapter 27

844 19 2
                                    

Ianne's POV

Argh, hindi ako makatulog. Kanina pa ako nagpapa-gulong-gulong dito, buti nalang at wala si Trixie sa tabi ko kundi kanina pa ko tinulak nun. Nasa may pool silang lima ngayon, nag-iinuman >//< Hindi na ko sumali dahil baka maulit na naman yung nangyari noon, saka wala na talaga akong balak uminom lalo na kung sila yung kasama ko. Paano ba naman kasi si Brenan eh -____-

Narinig kong parang may naglalakad papalapit sa may kwarto kaya nagtalukbong ako ng kumot at nagtulog-tulugan. Narinig kong bumukas ang pinto at narinig ko din ang yapak ng paa niya. Naramdaman kong may umupo sa kabilang side. Akala ko si Trixie lang nung una, pero hindi ito gumagalaw sa pwesto niya kaya nanatili lang din ako sa pwesto ko at pinakiramdaman siya...

"Ianne, natutulog ka na ba?" rinig kong tanong niya pero hindi ako umimik. Hindi siya si Trixie, sa boses pa lang ay malayo na.

"May gusto sana kasi akong aminin sayo..." panimula niya.

"Una palang kita nakita, gusto na kita... gustong laging makasama, gustong laging maka-usap. Kapag nakikita kita, buo na agad ang araw ko. Baduy ba? pero ganun talaga yung nararamdaman ko sayo. Kahit hindi man ganun kaganda yung una nating pagkikita, hindi ko alam pero nun pa lang natamaan na ko sayo eh. Hahaha, ano ba tong mga pinagsasabi ko. Pero maniwala't ka man sa hindi, totoo lahat ng sinasabi ko...." narinig ko siyang huminga ng malalim.

"Pero salamat na din at kahit sa ganung paraan ay nakilala kita. Psh kung naririnig mo siguro ako, binato mo na naman ako.... Pero Ianne seryoso ako.. Ganito pala ako kabaduy.... Goodnight."

Nang makasiguro akong lumabas na siya, umupo ako sa kama at huminga ng malalim. Tama ba yung mga narinig ko? May gusto siya sakin? Eh para na kaming magkaibigan sa tagal na naming magkakilala. Aish baka naghahallucinate lang ako. Inaantok lang ako.

"Wala kang narinig, mali yung narinig mo. Wala----" napatigil ako sa pagkausap sa sarili ko ng may pumasok sa kwarto.

"Sabi na gising ka pa e!"

"Le--Levi."

-

Dahil sa hindi ako gaano nakatulog kagabi sa kakaisip nung nalaman ko, ako yung pinaka-huling bumangon. Lahat sila nasa may sala nanonood ng TV habang nag-a-almusal nung bumaba ako.

"Good Morning Ianne." sabay na bati ni Levi, Brenan at Trevor sakin. Nagkatinginan lang kaming dalawa ni Trixie.

"Go-good morning din." bati ko at umupo sa tabi ni Trixie.

"Gusto mong gatas?" tanong ni Trevor.

"Tinapay gusto mo?" tanong ni Brenan.

"Pancake you want?" tanong din ni Levi.

Nakatingin lang ako sa kanilang tatlo. Anong meron? Bakit parang ang bait nila sakin ngayon? -_____- Hindi kaya, narinig nila yung sinabi ni..... kagabi? Kaya ba sila mabait sakin?

"Busog ako. Salamat." sabi ko nang hindi tumitingin sa kanila.

"Ako gusto ko ng pancake." sabi ni Trixie at inabutan naman siya ni Levi.

"I want Milk." sabi ni Audrey at inabutan din siya ni Trevor.

"Alam ko namang gutom ka e, oh Tinapay." abot sakin ni Brenan at tinabihan pa ako. Medyo umurong ako ng onti. Naiilang lang ako.

"Kunin mo na wala namang lason yan.." kinuha ko yung tinapay at nagsimula ng kumain. "Masarap no? May halo kasing pagmamahal yan e." sabi ni Brenan dahilan para mabilaukan ako.

Dali-dali namang kumuha ng tubig si Trevor at inabot sakin. "Ianne ayos ka lang?" tanong niya matapos kong makainom.

"Ayos lang he-he-he." sagot ko sa kanya.

"Wag ka nga magbibiro ng ganun Pare." seryosong sabi ni Levi.

"Bakit? Nagseselos ka?" tanong ni Brenan, biglang tumahimik, walang gustong magsalita. Napatingin lang sakin si Trixie ganun din si Audrey.

"Hah! Hahaha, syempre nagseselos yan si Levi kasi--- kasi diba mag-Babe kayo?! Tama! Kaya may karapatan siyang magselos.! Ha-ha-ha"

Sige Ianne kumbinsihin mo ang sarili mo -_____-

-

Alas-kwatro na ng hapon ng mapagpasiyahan kong maglakad-lakad ulit, pero this time kasama ko si Trevor. Ayoko ng maulit yung nangyari kahapon baka mamaya mapano pa ko, masira pa tong bakasyon namin.

"Ianne ayos ka lang? Gusto mo ng bumalik?" tanong sakin ni Trevor ng mapansing niyang tahimik lang ako. Nginitian ko lang siya at umiling.

"Hmm, Ianne halimbawa may nagtapat sayong lalaki tungkol sa nararamdaman niya sayo. Iko-consider mo ba yung feelings niya?" tanong sakin ni Trevor, napatigil ako sa paglalakad at napatingin lang ako sa kanya.

"Ba-bakit mo tinatanong?"

"Wala lang naman, ah may tanong pa ko." sabi niya at hinihintay ko na lang ang mga susunod niya pang sasabihin.

"Halimbawa kung ako yung lalaking yun, anong gagawin mo?" seryosong tanong niya sakin. Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko magawang sumagot.

"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.

"Kalimutan mo na lang nga. Tara na, magdidilim na." yaya niya sakin at umuwi na kami.

Nauna akong bumalik sa bahay dahil nag-paiwan sa may Pool Area si Trevor. Wala sila Trixie sa sala, baka siguro lumabas din sila at namasyal. Naisip kong umidlip muna at umakyat ng kwarto.

Papasok na sana ako pero may narinig akong nag-uusap o parang nagtatalo sa kabilang kwarto. Kwarto kung saan natutulog yung mga lalaki.

"Gusto mo na ba siya? Nahulog ka na sa kanya?" rinig kong tanong nung nagsalita.

"Hindi ko alam." sagot naman ng kausap nito.

"Hindi ka pwedeng ma-in love sa kanya. May usapan tayo!"

Napagtanto kong hindi tama na makinig ako sa usapan ng ibang tao kaya umalis na ako at bumaba. Pero bago ako makababa ay may narinig akong sigaw galing sa kwartong yun. Kilala ko kung kaninong mga boses yung nag-uusap. Pero ang hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila at kung anong koneksyon ang meron sila.

---------------

Short Update!

Sino sa tingin niyo yung dalawang nagtatalo na narinig ni Ianne?

E yung umamin kay Ianne?

Hulaan niyo HAHAHA kung sino makahula ng tama gagawin kong Cameo XD

Anyway, salamat sa mga nagvo-vote ang nagco-comment.

Maikling update lang, Finals na kasi e, dami pang Requirements. -___-

Vote and Comment ulit kayo HAHAHA ^_____________^v

No Ordinary Love (GD&SAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon