Chapter 26

952 19 2
                                    

Trixie's POV


Waaaaah, ngayon na lang ulit ako nakapag-POV hahahaha na-miss ko to, ako ba na-miss niyo? ^___^ Ang dami kong gustong i-kwento, pero dahil hindi naman tungkol sakin ang istryang to ay hindi mahalaga yun! Hahahaha. Madrama ba? XD

(Oo, madrama ka Trixie. Hindi bagay.)

Ewan sayo author-nim. Anyway so eto na nga. Ang daming nanyari these past few days. Nakilala ni Ianne si Dexter, sumali sila sa contest pero in the end si Ianne lang ang nag-perform at dahil dun nalaman ni Levi na si Ianne ang kanyang Childhood Friend.

So ibig sabihin mas nauna pang nakilala ni Ianne si Levi kaysa sakin, pero alam ko naman ang dahilan kung bakit walang naki-kwento si Bestfriend sakin na ganoon.

At ayun na nga ng dahil sa isang dare nagkaroon ng hinding inaasahang first kiss si Ianne. At kay Brenan pa talaga. Buti nga at hindi sia nagkaka-ilangang dalawa, sabagay magkakaibigan naman kami kaya wala lang yung kiss na yun diba? diba? diba? ^___^

At..... ang pinaka masaya sa lahat ay bakasyon na !!! Naipasa na naming lahat ang requirements sa bawat teacher namin. May usapan kami na magbabakasyon kami sa may Cavite. May bahay bakasyunan kasi kami doon at matagal na din kaming hindi nakakauwi doon kaya doon na lang.

Nag-aayos na ako ng mga gamit na dadalhin ko para sa dalawang linggong bakasyon namin. Alas-tres na, alas-sais pa naman ang usapan namin, sagot na nila Levi yung gagamiting sasakyan tutal may driver naman sila. Kasi kami wala na simula ng magpunta ako ng Cali.

Sa bahay ngayon natulog si Ianne dahila ayaw daw niya ma-late. Tulog na tulog pa din siya hanggang ngayon, mamaya ko na lang siya gigisingin. O maaga lang talaga ako nagising? Excited? Siguro, dahil tulad nga ng sinabi ko matagal na simula ng huli kaming nakapunta doon. May mga kapitbahay at kalaro din ako doon. Kumusta na kaya doon? Hmmmmm.

"Mor..ning.." biglang sabi ni Ianne habang naka-upo sa may kama pero nakapikit pa din yung mga mata niya.

"Good Morning din Ianne, bakit gising ka na? Mamaya pa naman tayo aalis." sabi ko habang tinutupi yung mga dadalhin kong damit.

"hmmm." yun lang ang sabi ni Ianne at humiga na ulit. May hobby si Ianne na ganyan yung parang maalimpungatan. Tas uupo, magsasalita ahahaha. Dati nga natatakot ako diyan kapag bigla-bigla na lang umuupo kahit nakapikit pa.

No Ordinary Love (GD&SAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon