Chapter 41

643 11 0
                                    

Brenan's POV

"Okay lang, wala rin naman kaming pinagkaka-abalahan ngayon eh, saka magka-kaibigan naman tayo... diba?" naka-ngiting tanong ni Ianne sa amin. Muli itong tuminigin kay Trixie, sa pagkakataong iyon ay hindi na nakayanan ni Trixie at sinugod niya ng yakap si Ianne. Tatlong taon, tatlong taon ang nawala sa kanilang dalawa. Dati-rati'y halos hindi na nga sila mapaghiwalay.

Sumenyas naman si Levi sa amin at agad ko naman nakuha ang gusto niyang sabihin. Marahan kaming lumabas at iniwan muna silang dalawa doon. Tama na rin siguro ito, kailangan na nilang magka-ayos. Masyadong mahaba na ang tatlong taong nawala sa pagkakaibigan nila.

"Everything is falling according to plan." naka-ngiting sambit ni Stephany. Napatingin naman ako sa kanya. Isa pa to, napaka-misteryosa. Simula ng bumalik si Ianne kasama siya, halos lahat ng nangyayari samin sa araw-araw ay parang may kinalaman siya. Argg baka masyado lang ako nag-iisip.

"Do you think magiging ayos na ang lahat?" nag-aalalang tanong ni Audrey. Nilapitan naman ito agad ni James at niyakap. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi na lang nag-lalambingan tong dalawang to. Get a Room psh.

Tahimik ko lang pinagmamasdan yung kaibigan nila Ianne. Ano ba siya ni Ianne, at ano bang meron sa kanilang dalawa. Kalalaking tao napaka-clingy. Mukha naman siyang matino, pero mahirap pa rin pagkatiwalaan. Isang malaking tanong pa rin sa akin ang kapatid ni Ianne na si Daren. Anong nangyari ng nasa Seoul si Ianne?

-

Trixie's POV

Parang may kung anong sumanib sakin ng bigla ko na lang yakapin si Ianne. Alam kong nagulat ito sa ginawa kong pagyakap sa kanya. Namiss ko si Ianne, namiss ko ang best friend ko. Nang kumawala na ako sa pagkakayakap namin, bigla na lamang tumulo ang mga luha ko.

"I-Ianne I'm so sorry. I don't know how to say this, I-I d-don't know where to start. But seriously Ianne.. I am really sorry. Forgive me.. please forgive me. I'm sorry." inaasahan kong sa pagkikita namin muli ni Ianne ay magbabago ito. Yung tipong paghihigantihan niya ako dahil sa mga ginawa ko sa kanya. Pero hindi, yung Ianne na nakilala ko 14 years ago, nandoon pa rin. Yung Ianne na mabait, yung Ianne na maunawain, yung Ianne na hindi marunong magtanim ng galit.

"Trixie matagal na yun, wag na tayo mamuhay sa nakaraan. Wala naman na tayong magagawa e, nangyari na yun. Hindi na natin mababalik ang nakaraan, hindi na natin mababago lahat yun. Ang magagawa na lang natin ngayon ay ang patawarin ang mga taong naka-sakit sa atin. Trixie tao lang naman tayo eh, nagkakamali, nakakagawa ng kasalanan. Pero wag din sana natin kalimutan na tao lang din tayo at marunong magpatawad." walang prenong sabi ni Ianne. Kung may nagbago kay Ianne, yun ay yung mas naging mature siya, mas naging matapang at mas naging positibo sa lahat ng bagay.

"Na-miss kita. Na-miss ko yung Best friend ko. Na-miss kita, Trixie."

-

Ianne's POV

"Susulat na ba ko kay Charo dahil sa kadramahan ng buhay niyo?" biglang may epal na nagsalita sa likod namin kaya napaharap kami ni Trixie sa kanya. Alam mo yung nakaka-inis, yung ang ganda-ganda ng moment tapos may epal na panira.

"Kahit kailan epal ka talaga ano?" inis na sabi ko kay Brenan. Nakaka-bwisit kasi e. Lumapit naman ito sa akin at nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin.

"Ako? Hindi mo na-miss? naka-ngiting tanong niya sakin at yinakap ulit ako. Nakita ko naman na papasok na ng Shop yung iba. Kumalas na sa pagkakayakap sakin si Brenan. Ngunit ang mga sunod na sinabi niya ang mas lalong ikinagulat ko.

No Ordinary Love (GD&SAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon