Audrey's POV
Stephanie Choi... pamilyar ang pangalan niya sakin ngunit hindi ko matandaan kung saan ko ito narinig. Nahihiwagaan pa rin ako sa kanya. Paano niya nalaman na nasa Ospital si Ianne, ni mismong magulang nga nito ay hindi namin sinabihan.
Pagka-galing namin ng Ospital ay dumiretso kami agad sa bahay nila Ianne. Door bell lang ako ng Door bell habang si Trevor ay sinisigaw ang pangalan ni Ianne na baka sakaling lumabas ito. May lumabas na matandang babae sa katabing bahay nila Ianne at lumapit samin.
"Hija, sinong hinahanap niyo?" tanong nito sa amin.
"Yung nakatira po dito si Ianne..." sagot ko naman. Nagbabakasakaling alam niya kung nasaan si Ianne.
"Apat na buwan ng walang nakatira riyan e, pero kanina may babaeng nagpunta diyan. Pumasok siya sa loob at paglabas nito ay may mga dala ng maleta." sagot ng matanda samin. Napatingin ako kay Levi, ito na nga ba ang sinasabi ko.
"Ano pong itsura nung babae? Kasama niya po ba si Ianne?" tanong naman ni Trixie.
"Bata pa yung babae eh. Ka-edaran lang siguro ni Ianne... Mukhang Koreana, maganda din at maputi... teka bakit niyo ba hinahanap si Arianne?" tanong ng matanda sa amin pero nagpasalamat nalang kami at umalis.
"Ano ng gagawin natin? Saan na natin hahanapin si Ianne?" tanong ko muli sa kanila.
"Bakit pa natin hahanapin si Ianne kung siya nga mismo ay ayaw magpakita satin? Mabuti na rin wala siya, kinaya nga natin na apat na buwang hindi natin siya kasama e." sagot ni Trixie at tinignan ko lang ito ng masama, ano bang problema niya? Parang hindi niya matalik si Ianne kung makapagsalita siya ng ganun.
"Saan ka pupunta?" tanong sakin ni Trevor ng tumayo ako. "Uuwi at mag-iisip ng paraan kung paano mahahanap si Ianne. Hindi yung naka-upo lang dito at palihim na hinihiling na sana hindi siya bumalik." sagot ko ng nakatingin kay Trixie, napatingin din siya sakin pero iniwas din kaagad niya ang tingin niya.
-
Nag-log In ako sa Facebook, binisita ko ang profile ni Ianne baka sakaling makita ko kung ano ang hinahanap ko. Viniew ko ang friend list niya.
"Eto Stephanie Choi!" malakas kong sabi na para ba akong nanalo sa lotto. Viniew ko ang profile nito. Tama nga yung sabi nung matanda, Koreana ito at mukhang kasing edad lang namin.
Pinsan siya ni Ianne, sa Mother Side siguro. Pero may isang pumukaw ng atensyon ko, ang wall post niya na pinost niya 5 oras lang ang nakakalipas.
Finally you're home...
Nakaramdam ako bigla ng kaba. Kung totoo ngang kasama niya si Ianne, paano nangyari yun? Hindi kaya tama ang hinala ko?
-
Levi's POV
Isang linggo na simula ng nangyaring mawalang parang bula si Ianne. Hindi ko akalain na aabot sa ganito. Kung ako lang, siguro ayoko ng bumalik pa ang mga alaala niya, masyadong masakit ang mga nagyari sa kanya. Ayoko ng maramdaman niya ulit to kung sakaling bumalik ang mga alaala niya. Ayos na sa akin kahit hindi niya ako maalala, marami akong kasalanang nagawa sa kanya, nasaktan ko siya.
Sa halos limang buwan na relasyon namin ni Trixie, si Ianne lagi ang naiisip ko. Gago ba ko? Dalawa silang parehong nasasaktan sa mga ginagawa ko. Hindi to tama pero ito lang ang alam kong paraan.
Sa school, kapag magkakasama kaming lima, hindi mapigilan na mapag-usapan namin si Ianne. Pero nagtataka lang ako kay Trixie na para bang sa kanya ay wala lang yung nangyari. Marahil tama nga siya. Nangyari na ang dapat mangyari, kailangan na namin tanggapin ang katotohanan. Kailangan na namin mag Move-on... Pero kahit kailan hindi ko kayang kalimutan si Ianne.
BINABASA MO ANG
No Ordinary Love (GD&SAN)
RomancePaano kung si "Destiny Addict" ay ma-in Love kay "Not Yet in Service"? Ang 'tadhana' kaya ang maglapit sa kanilang dalawa? O ang tadhana na mismo ang magpasya na hindi sila ang para sa isa't-isa.