Chapter 18

919 22 0
                                    

Levi’s POV

From: Arianne

 

 

 

‘mauna ka na umuwi. may pupuntahan pa ko.’

 

Obviously text ni Ianne. Alas-sais na ah. Saan naman siya pupunta ng ganitong oras? Kasama pa kaya niya yung Dexter na yun? Bakit ba ko nag-aalala? Malaki na siya kaya na niya sarili niya >____>

Palabas na ko ng YGA ng makita ko si trevor nag-aabang sa gate. Kinawayan niya ko, kaya lumapit ako sa kanya.

 

"Nasaan si Ianne? Bakit  di mo kasama?" bungad nito sakin.

"Nagtext may pinuntahan siya." sagot ko. Tumango lang siya at nagsimula na kaming mag-lakad. Tahimik lang kaming dalawa habang nag-lalakad. Magkaibigan kami ni Trevor pero hindi kami ganoon kalapit sa isa't-isa. Pero nag-uusap kami. Pakiramdaman nga lang kung sino unang magsasalita.

Nakarating kami sa subdivision ng hindi nagkikibuan. Minsan kasabay namin ni Ianne si Trevor kapag umuuwi ito ng late. Sila lang dalawa ang nag-uusap, may pagka-suplado kasi itong si Trevor, buti nga nato-tolerate ni Ianne yung ugali niyang ganyan.

"Ah pre una na ko." paalam niya, tumango lang ako at pumasok na sa loob ng bahay. Magkaka-lapit lang ang bahay namin sa isa't-isa. Yung bahay namin katapat lang ng bahay nila Trevor samantalang yung bahay nila Brenan ay dalawang bahay ang layo nito sa bahay nila Trevor.

Nang lumipat kami ng bahay. Si Brenan ang una kong naging kaibigan. Dahil sa kakilala niya sila Trevor at Trixie ay naging magkaka-kaibigan din kami. Hanggang sa ampunin ni Papa si Audrey. Lagi kaming lima ang magkakalaro. Pero ng 8 years old ako, lumipat kami ng bahay. Wala na kaming kumonikasyon nila Brenan. Maliban nalang noong 17 years old kami.

Bumalik kami dito at dito na muli tumira. Hanggang sa nakilala namin ni Audrey si Ianne. Hindi man sila nagkikibuang dalawa, kaibigan naman ang turingan nila. Parang aso't pusa kasi sila na mahilig kontrahin ang isa't isa.

Noong unang beses kong nakita si Ianne, para bang matagal ko na siyan kilala. Hindi ko alam kung kailan basta ang alam ko ay nakita ko na siya. Masyadong pamilyar ang mukha niya, hindi ako pwede magkamali. Pero hindi ko lang talaga maalala kung saan kami unang nagkita.

No Ordinary Love (GD&SAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon