Ianne's POV
Maaga pa lang ay umalis na ako sa bahay, hindi ko na rin pinag-aksayahan ng panahon linisin ang kalat sa sala. Kung saan ako pupunta, yun ang hindi ko alam.
"Arianne, ang aga mo ngayon ahh." bati sa akin ni Manang Fe, katulong sa katabi naming bahay. Nginitian ko lang ito saka ini-lock yung gate.
"May pupuntahan lang po." sagot ko rito. "Mag-iingat ka." sabi nito at nginitian lang ulit siya.
Habang naglalakad ako ay hindi ko namalayang nasa tapat na pala ako ng bahay nila Trixie, tumingin ako sa kaliwa at nakita ko naman ang bahay nila Levi. Naramdaman ko ulit yung sakit na naramdaman ko kagabi. Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Nang makalabas ako ng subdivision ay pumara ako agad ng Taxi, ngunit bago pa man ako makasakay ay may sumakay na dito. Nginitian niya lang ako, ngiting abot hanggang tenga. Tinignan ko lang ito na parang wala akong nakita at sumakay na din sa Taxi.
"Ang saya no? Parang nangyari na din to dati. Tanda mo pa ba?" nakangiting sabi ni Brenan pero hindi ko siya pinansin bagkus nakatuon lang ang atensyon ko sa daan.
"Huy Ianne." tinapik nito ang kamay ko dahilan para mapangiwi ako sa sakit. May sugat nga pala ako.
"Ano?" walang buhay na tanong ko sa kanya. Para akong isang patay na buhay.
"Kanina pa kita kinakausap, pansinin mo naman ako. Saan ka pupunta ng ganito kaaga ha?" tanong nito ulit sakin.
"Wala ka na don." sagot ko sa kanya at ibinalik ulit ang tingin ko sa labas.
BINABASA MO ANG
No Ordinary Love (GD&SAN)
RomancePaano kung si "Destiny Addict" ay ma-in Love kay "Not Yet in Service"? Ang 'tadhana' kaya ang maglapit sa kanilang dalawa? O ang tadhana na mismo ang magpasya na hindi sila ang para sa isa't-isa.