Chapter 28

839 16 0
                                    

Ianne's POV

Bakit ganun? Feeling ko napaka OP ko sa kanila, kasi minsan may usapan sila na sila-sila lang ang nagkakaintindihan tapos ako nanonood at nakikinig lang sa mga usapan at ginagawa nila. Isang linggo na kami dito sa Cavite pero para bang Isang taon na para sakin. Sa katunayan, first time kong sumama kanila Trixie sa ganitong klaseng bakasyon. Kasi diba laging sa Seoul ako kapag Sembreak namin, Christmas Break o kaya Bakasyon. Gusto ko na nga bumalik ng Manila eh, nag-aalangan lang ako na baka hindi pumayag si Trixie. Saka ayoko rin na masira yung bakasyon nila tutal isang linggo na lang naman kami dito.

2 am na pero gising pa rin ako. Ayoko naman na magising si Trixie ng dahil sa likot ko kaya naisipan kong lumabas muna. Tumambay lang ako sa may pool habang nakalublob yung mga paa ko doon... Ang daming nangyari ngayong taon na to. Nalaman ko na si Levi pala yung kababata ko. Or should I say, nalaman ni Levi na ako pala yung kababata niya.

Nakilala ko si Dexter na matagal ko ng kaklase. Pero kung kailan naman medyo malapit na kami ay saka pa niya binalak na lumipat sa ibang eskwelahan. Kung ano ang dahilan, yun ang hindi ko alam. Dahil sa nalaman nga ni Levi na ako yung 'Childhood Friend' niya. Medyo bumait ang pakikitungo niya sakin. Hindi na yung tulad ng dati na halos hindi na kami magpansinan.

Si Brenan naman, matapos mangyari yung dare na yun, mas lalo kaming naging malapit sa isa't- isa. Hindi ko alam pero mas parang nagiing mas close kami. Wala namang ilangan saming dalawa ni Brenan, hindi na ako gaanong napipikon sa mga biro niya. Minsan nga sumasakay pa ako sa mga biro niya.

Samin ni Audrey, oo saming magbabarkada kami yung hindi madalas mag-usap, dahil nga doon sa nangyari dati. May trust-issue pa rin ako pagdating sa kanya. Pero minsan naman nakakausap ko siya ng matino. Isa pa, magkakilala na kami bata pa lang kami yun nga lang ay hindi ko na gaano matandaan kasi mga bata pa kami noon.

Kami ni Trixie mag-bestfriend pa rin. Kasa-kasama sa Galaan, kapag may bagong labas na Damit sa Mall magkasama kaming bibilhin agad yun. Minsan sa bahay din siya natutulog. Wala namang nagbago samin ni Trixie. Siya pa rin naman yung bestfriend ko na kung makapag-alala sakin ay daig pa yung mga magulang ko.

And lastly si Trevor, I don't know pero nung gabing yun, bigla na lang ako nailang sa kanya. Mali ba yung nararamdaman ko? Normal lang naman sa babae na mailang sa lalaki after niyang umamin sa nararamdaman niya diba? Of all people si Trevor pa. Hindi ko ine-expect na darating yung isang araw na sasabihin ni Trevor sakin na ay nararamdaman siya sakin. Yes, si Trevor nga yung lalaking umamin sakin nung unang gabi namin dito. Even me, nagulat ako sa revelation niya. Paano ba naman si Trevor na parang magkapatid na kami is may gusto sakin? >< Ayoko naman siyang iwasan ng dahil lang dun. Eottoke? -___-"

Pero bakit kung dati, kay Levi malakas ang tibok ng puso ko. Baduypakinggan diba? >< Pero sabi nila wala daw baduy o corny sa taong inlove at nagmahahal ng tapat. Gusto ko nga ba si Levi? O masyado lang ako na-attach sa kanya noon? Paano nga ba malalamn kung gusto mo ang isang tao. Sabi ni Trixie sakin dati, malalaman mo daw yun kapag lagi mong iniisip yung taong yun o kaya marinig mo lang yung pangalan niya o kaya boses nito ay bibilis na ang tibok ng puso mo.

Oo dati, ganun ang nararamdaman ko kay Levi. Magdikit lang ang mga balat namin para bang may kuryrnteng dumadaloy agad sakin. Pero simula ng malaman niyang ako yung kababata niya. Itinuring niya na lang ako bilang isang malapait na kaibigan. Siguro nga hanggang doon na lang kaming dalawa. Ang maging mag-kaibigan.

------------------------------------------------------------------------------------------------------

Levi's POV

Alas dos na pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi lang talaga ako sanay na makitulog sa ibang bahay. Pang anim na gabi na namin dito pero nahihirapan pa din ako mag-adjust. Buti na lang at isang linggo na lang ang hihintayin ko, makakauwi na rin kami.

Bumaba ako sa sala para doon mahiga, hindi kasi ako sanay ng may katabi e. Lalo na't si Brenan pa yung katabi ko ang likot matulog. Pahiga na sana ako sa may sofa ng mapansin kong may babaeng nakaupo sa may pool. Salamin kasi yung pagitan ng sala ng bahay nila Trevor kaya kita yung sa may Pool Area. Si Ianne yun sigurado ako. Hindi rin siguro siya makatulog. Lalabas sana ako para lapitan siya ng maalala ko yung nangyari noong unang gabi namin dito.

Nagkakasayahan kaming lima noon sa may Pool Area. Tamang inom lang at kwentuhan. Si Ianne hindi sumali dahil baka mapasubo na naman daw siya sa isang dare na wala siyang balak sundin. Maya-maya pa ay nagpa-alam si Trevor na mag-C-CR lang daw siya. Pero nakita ko siyang umakyat. Akala ko may kukunin lang siya pero ang tagal niya bago bumalik kaya sinundan ko siya. Papasok na sana ako ng kwarto ng marinig kong may nagsalita sa kwarto nila Ianne, at si Trevor yun. Lahat ng sinabi niya at pag-aming ginawa niya ay narinig ko.

Habang sinasabi ni Trevor kay Ianne kung gaano niya kagusto ito ay para bang ang sakit ng balik sakin. Gusto ko na rin ba si Ianne? Pero hindi na mahalaga yun. ayoko rin naman na magkaroon kami ng samaan ng loob ni Trevor ng dahil lang sa babae at kay Ianne pa. Narinig kong papalabas na ng kwarto si Trevor kaya agad akong pumasok sa kabilang kwarto.

Nang makasiguro akong nakababa na siya ay pumunta ako sa kwarto kung saan natutulog si Ianne pero laking gulat ko na gising pa siya. Siguro narinig niya lahat ng sinabi ni Trevor nung gabing yun kaya hanggang ngayon ay iniisip niya pa ito.

Paano na lang kung may gusto din pala si Ianne kay Trevor? Hindi malabong mangyari yun. Halos sabay na silang lumaking dalawa. Kung hindi lang nagyari yung aksidente noon ay hindi sana kami magkakalayo ni Ianne sa isa't isa. At kung mas narealize ko lang ng mas maaga na may nararamdaman ako sa kanya, ay sana ngayon katulad ni Trevor ay nakaamin na din ako sa kanya.

"Kanina ka pa diyan?" hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Ianne. Tulad ko halata din sa kanya na malalim ang iniisip niya. Hindi rin siya makatulog.

"Kakababa ko lang." tipid na sagot ko at umupo ako sa may sofa. Umupo rin siya sa kabilang dulo ng sofa.

"May itatanong ako." sabi niya. Tumango lang ako at inaantay ang sasabihin niya.

"Paano kung may kaibigan kang umamin na may gusto siya sayo pero kaibigan lang talaga ang turing mo sa kanya at yung kaibigan niya ang gusto mo. Anong gagawin mo?" tanong ni Ianne sa akin. Agad naman akong napatingin sa kanya. Nakapaikit ang mga mata niya habang yakap yakap ang mga tuhod niya.

Ang tinutukoy ba ni Ianne ay yung ginawang pag-amin sa kanya ni Trevor? Kung ganoon ay kaibigan lang tingin niya dito? Anong ibig sabihin ni Ianne sa ang kaibigan ng taong may gusto sa kanya ang taong gusto niya?

"Kung ako yun, sasabihin ko ng diretsahan na hindi ko siya gusto sa paraang hindi siya masasaktan. Sasabihin ko rin na yung kaibigan niya yung gusto ko." sagot habang nakatinigin sa kawalan. Iniintay kong may sabihin pa si Ianne pero nakatulog na pala ito. Umakyat ako para kunin yung unan at kumot ko. At ikinumot ko ito kay Ianne na mahimbing na natutulog.

------------------------------------------------------------------------------------

Ngayon lang nakapag-Update. 2days kasing nawalan ng signal yung Wifi e ><

So ayan na nga po. Nasagot na ang mga kasagutan Heol.

Si TREVOR nga po yung umamin kay Ianne nung gabing yun at narinig ni LEVI hahaha. Awkward.

Anyway, Almost 1.4k reads na ang NOL. Thankyou po !! Keep Reading and Voting HAHAHA. SALAMAT ^___________________^

No Ordinary Love (GD&SAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon