Ianne's POV
Kanina pa ako hindi mapakali dito sa backstage. Ilang minuto na lang magsisimula na yung Contest, pero hanggang ngayon wala pa din si Dexter. Gahhhd, kinakabahan ako lalo. Baka ano na nangyari dun.
Akala ko pa naman mahalaga sa kanya 'tong contest na 'to tapos hanggang ngayon wala pa siya. Sumilip ako sa labas, medyo madami ng tao. Kapag hindi dumating si Dexter mapipilitan akong mag-solo.
"Magsisimula na tayo after 10 minutes, contestants mag-handa na kayo." sigaw nung isang student marshall. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso. Dexter nasaan ka na ba???!
Tumingin ako sa relo ko, limang minuto na lang at magsisimula na ang contest pero hanggang ngayon ay wala pa din siya. Pang 5 pa naman kami pero kahit na, dapat dumating siya kundi magso-solo ako. Hindi ko kaya, ayoko ng masyadong maraming tao, pumayag lang ako na sumali dito dahil nga may utang na loob ako sa kanya.
"Yung contestants para sa Solo maghanda na."
Narinig kong nagsimula ng umingay sa labas, nagsisimula na ang contest pero hanggang ngayon ay wala pa din siya.
"Mapapatay talaga kita kapag nakita kita.Aishhh."
"Good Evening YGnians! (ang Baduy, okay XD) Today, we are celebrating the 18th year Foundation of our beloved school Yang Goon Academy. Ready na ba kayo?"
Rinig na rinig ko yung sigawan ng tao mula sa labas. Mas lalo akong kinakabahan. Dexter nasaan ka na ba. Kapag di ka pa dumating magba-back-out talaga ako. Wala akong pake kung ibagsak tayo ni Ma'am. OTL
"Handa na ba kayong marinig ang mga magagandang boses ng YGians??!!"
Mas lalong nagpapakaba pa sakin yung sigawan ng tao eh.
"Let's call now our contestant number 1 from the College of Education!!!"
Okay, Ianne wag kang kabahan Solo pa lang yan, mamaya pa yung sa duo. Dadating din si Dexter magtiwala ka lang, dadating siya.
Para akong tanga habang lakad ng lakad pabalik-balik, nakakainis naman kasi si Dexter akala ko pa naman, Psh nako mapapatay ko talaga siya. Kami pa naman yung representative ng College of Business para sa Duet. Aish bahala na nga.
Levi's POV
Kakahatid lang namin kay Papa sa airport. Dumalaw lang siya dahil may dinalaw kaming importanteng tao. Hindi naman nagtagal si Papa, busy rin siya.. sa kompanya... at sa paglimot ng nakaraan niyang dapat matagal ng ibinaon sa limot.
"Lev.."
"Hmm?" tanong ko kay Audrey ng hindi tumitingin sa kanya.
"Pupunta ka bang School ngayon? May laban si Ianne di ka manonood?" pagkarinig ko ng pangalan ni Ianne bigla ako napatingin agad kay Audrey.
"Ano? di ka manonood?" tanong niya ulit
"Sila Trixie nandoon na ba?"
"Kanina pa nandoon yun. Tara para may kasabay din ako." pag-aya sakin ni Audrey.
Habang nasa byahe iniisip ko yung nangyari samin ni Ianne kahapon. Di ko naman sinasadya yung mga nasabi ko sa kanya. Nabigla ako, malay ko ba kung bakit sila nagyayakapan dun -_- nagsorry ako pero di niya ko pinakinggan. I admit it, kasalanan ko dahil nag-conclude ako at nagbitaw pa ko ng hurtful words towards her. Masakit din naman sakin, di ko lang napigilan. Lalo na't nakita ko pa yung pag-iyak niya dahil sa mga sinabi ko, nasaktan ko nga siguro talaga siya.
BINABASA MO ANG
No Ordinary Love (GD&SAN)
RomancePaano kung si "Destiny Addict" ay ma-in Love kay "Not Yet in Service"? Ang 'tadhana' kaya ang maglapit sa kanilang dalawa? O ang tadhana na mismo ang magpasya na hindi sila ang para sa isa't-isa.