Chapter 36

805 21 3
                                    

"If you ask me what happiness is,

When this life is done, Maybe when this Love is Gone.

If you ask me what happiness is,

You're smile out under the sun, but I'm always on the run."

------------------------------------- 뇽달

Ianne's POV

"Sinabi mo?!!" halos pasigaw na tanong ko kay Tiffany, nandito pa rin kami sa may Restaurant nila Daren.

"Lower your voice.. please." pabulong na paki-usap sakin ni Tiffany. Napatingin naman ako sa paligid at nakita ko yung ibang costumer ay naka-tingin sa amin.

"Bakit mo sinabi?! Aish nakaka-inis naman to." halos masabunutan ko na ang sarili ko sa inis kay Tiffany.

"Yun naman ang sabi mo diba, kapag nagtanong sila, yun ang sabihin ko." inosenteng sagot pa nito.

"Pero hindi ko sinabing sabihin mo ang totoo kay Audrey na si Trixie ----" hindi ko na itunuloy ang sasabihin ko sa inis. Aish, wala naman talaga akong balak ipaalam sa kanila na si Trixie ang may kagustuhang umalis ako e, alam kong pagsisimulan lang ito ng panibagong gulo.

Tulad kanina, ng malaman ni Audrey ang lahat bigla na lamang ito umalis. Alam ko napupuntahan niya si Trixie para alamin ang totoo, ayokong mapasama ang tingin nila kay Trixie ng dahil lang sa akin.

"Bakit ba may pag-aalala ka pa din kay Trixie? Tinraydor ka niya diba?" makahulugang tanong sa akin ni Tiffany. Hindi ko alam, wala akong maisagot sa tanong niya. Bakit nga ba?

"Ka-kaibigan ko siya... kaibigan ko pa rin siya." mahinang sagot ko at narinig kong tumawa si Tiffany. Napatingin ako rito at nakita ko siyang ngumisi.

"Akala ko ba gusto mo sila kalimutan? Bakit simula ng bumalik ka dito, nag-iba na ata ang gusto mo?" tanong ulit niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. "At kaibigan? Naririnig mo ba yang sarili mo ha? May kaibigan bang kayang lokohin at Traydurin ang tinatawag niyang, kaibigan?"

Nanatili lamang ako tahimik sa mga sinabi niya. Sarili kong desisyon na kalimutan sila pero nung nakita ko ulit sila, parang nalimutan ko lahat-lahat ng nagyari noon. Ganoon ba talaga sila kahalaga sa akin?

Si Trixie, siya ang una kong naging kaibigan. Pinaka-matalik na kaibigan, para ko na nga siyang kapatid. Pero ng dahil sa pagmamahal niya kay Levi ay nagbago ang samahan naming iyon. Nang dahil doon nagawa niyang saktan ang damdamin ko.

Si Audrey, si Brenan, maging si Trevor. Wala silang nagawang masama sa akin. Naging mabait at totoo sila, pero bakit nadadadamay sila sa galit ko kay Levi?

"Umamin ka nga, mahal mo pa ba si Levi?" naka-ngiting tanong nito sa akin habang itinataas-baba nito ang kilay niya. Uminom muna ako ng tubig bago ako sumagot.

"Hi-hindi no. ang tagal na nun, nakapag---naka move-on na ko, pwede ba!" nakita ko lang itong ngumiti sa akin at tumingin sa akin ng makahulugan.

"Talaga? So pwede ko siyang.. alam mo na, ang hot kaya niya." tingnan ko lang ito ng masama at tumawa na naman siya, may sira na ata tong babaeng to.

"Saan ka na naman pupunta?" tanong ni Tiffany ng bigla akong tumayo.

"Sa lugar kung saan wala ka." nag-lakad na ako pero bumalik ulit ako at humarap sa kanya. "Tatawag ako sayo mamaya kung saan mo ko susunduin, ge."

No Ordinary Love (GD&SAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon