“And I ahhhhhhh”
“Tigil!” halos sabunutan na ni Dexter ang sarili dahil sa inis. Kanina pa niya tinuturuan si Arianne pero hanggang ngayon ay wala pa silang natatapos.
“Sigurado ka bang hindi ka marunong kumanta? Sinasadya mo na ata e.” inis na sabi nito sa dalaga. Nagkibit-balikat lang si Arianne. Una, si Dexter ang naglagay sa kanya sa ganitong sitwasyon. Ikalawa, wala siyang hilig sa ganitong mga bagay. Napilitan nalang siya na pumayag dahil may utang siya kay Dexter at iyon ay ang pag-tutor nito sa dalaga.
“Hindi nga ko kumakanta.” Sagot nito. Hindi na niya makayanan ang pagod kanina pa sila nag-eensayo, napapaos na siya .
“Tatlong araw na lang foundation day na. Kailangan na natin practicin ng matino to ohh.” Halos mag-ma-kaawa na si Dexter kay Arianne. Napa-isip ang dalaga. Bakit nga ba naisipang sumali nito sa ganitong klaseng paligsahan? Ano ang gusto niyang patunayan? At bakit siya pa ang napili nitong kapareha.
“Bakit ba gustong-gusto mo sumali sa Singing Contest na yun?” tanong ni Arianne kay Dexter.
“Gusto ko lang..” mahinang sagot nito.
“Gusto mo sumali ng contest dahil gusto mo lang?” sa isip-isip ni Arianne alam niyang may mas mabigat pa na dahilan. Imposible na ang habol ni Dexter sa contest ay ang premyo dahil sa postura pa lang ni Dexter ay alam mo na anak-mayaman ito.
“Kailangan ko manalo. Kailangan natin manalo. Gusto kong may mapatunayan ako sa mga magulang ko.” Naguguluhan pa rin si Arianne sa sagot nito. Magtatanong pa sana siya pero natigilan siya dahil sa sinabi ng binata.
“Wala akong hilig sa musika. Kahit pagtug-tog ng mga instrumento hindi sumagi sa isip ko. Hindi naman talaga ako dito dapat nag-aaral e, in-enrol lang ako ng mga magulang ko dito dahil nga sa nagtuturo ang YGA sa pagkanta at pagsayaw. Ang mga magulang ko ang may gusto nito hindi ako.” Sabi nito habang naka-yuko. Naawa si Arianne kay Dexter. Gusto niya ito tulungan pero anong gagawin niya? Hindi siya marunong kumanta—Hindi, marunong siya kumanta, magaling siya tumugtog ng gitara at mag-piano. Pero ayaw niya na gawin ang mga bagay na ito, dahil ayaw ng Papa nito.
Nilapitan niya si Dexter at niyakap. “Mananalo tayo.” Sabi niya habang yakap ang lalaki.
Levi’s POV
Nagtataka na ko kay Ianne, simula na makilala niya yung Dexter na yun madalang na lang siya sumama samin. Imposible naman na nagpapaturo siya dun dahil tapos na ang finals. Saka hindi na rin siya nagpapahatid at nagpapa-sundo sakin. Problema ba ng babaeng yon? -_-
“Uyy girl, alam mo ba sasali si Papa Dexter sa singing contest.”
“Talaga? Wow, gwapo na talented pa!”
“Oo nga e. Kaya lang, sabi nung mga kaklase nila si Arianne daw yung partner niya!” rinig kong sabi nung mga babae na nag-uusap sa likod ko, pa-alis na sana ako pero pinili kong makinig muna sa usapan nila.
“Si Arianne Reyes? Yung parang tomboy??”
“Oo, girl! Nagulat nga din daw yung president nung klase nila. Kasi si Dexter daw mismo nag-prisinta na sasali sila ni Ianne sa contest. Gosh sa dami ng magagandang babae dito sa campus bakit dun pa. Eww.”
“Nasa may music room nga daw sila ngayon. Dun sila nagpa-practice.” Ahh. Kaya pala hindi na sumasama sa amin si Ianne dahil sa lagi niyang kasama yung lalaking yun. Psh, pwede naman siya tumanggi.
Hindi ko alam kung bakit pero dinala ako ng mga paa ko sa may tapat ng Music Room, naku-curious talaga ako eh. Nakabukas ng onti yung pinto pero tahimik. Binuksan ko ang pinto, at hindi ko inaasahan ang mga nakita ko.
“Mananalo tayo.” Sabi ni Ianne habang magka-yakap sila ni Dexter. Umalis ako ng music room ng hindi gumagawa ng ingay. Yun pala ang ginagawa nila habang hindi siya sumasama samin. Nag-aalala pa naman din ako sa kanya dahila akala ko nagalit siya sakin sa pag-tanggi kong turuuan siya. Teka, sinabi ko bang nag-aalala ako? Hindi, di ako nag-aalala no.
Nabalitaan ko pa kay Trixie na lumipat na si Ianne ng bahay dun sa nabiling bahay ng Papa niya. Malapit lang naman din sa bahay nila Trixie. Pero pag nagpupunta yun kila Trix ako lang ang hindi pinapansin. Psh bakit ko ba siya iniisip.
“Levi!!” rinig kong may tumawag sakin.
Speaking of. Himala tinawag niya ko.
“Bakit?” walang buhay na sagot ko.
Ianne’s POV
Pagka-kalas ko ng yakap kay Dexter nakitakong may taong nagbukas ng pinto. Dali-dali akong lumabas ng pinto at nakita ko si Levi na naglalakad paalis. Nakita niya kaya? Aish wala naman kaming ginagawang masama. Mamaya kung ano pang isipin nun. Nagpaalam ako kay Dexter na mauuna na ako. At hinbol si Levi. Ang bilis naman maglakad nun.
“Levi!” tawag ko sa kanya nag Makita ko siya.
“Bakit?” halata sa kanya na wala siya sa mood.
“Yung ano yung kanina. Ma—“ hindi na niya ko pinatapos mag-salita.
“Bakit? Ano naman sayo kung may nakita ako o wala? E ano naman kung nakita kitang nakayakap sa kanya? Ano ba kita? Kaibigan? Psh, kaibigan lang kita dahil kaibigan ka nila Trixie. May lumapit lang sayo na lalaki, iniwanan mo na yung mga taong nakakasama mo. Malandi ka din pala”
*Slap*
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sumosobra na siya, ganyan ba ang tingin niya sakin ha. Wala siyang alam sa nangyari.
“Wala kang alam sa nangyari. Hindi mo ko kilala kaya wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan. Kaibigan mo lang ako dahil kaibigan ako ng mga kaibigan mo? Ha, ano pa bang ineexpect ko. Oo tama ka, wala sayo yun nakita mo at wala rin sakin kung may nakita ka. Pero sana bago ka mag-conclude alamin mo muna yung totoong nangyari.” Sabi ko at umalis na. Pumunta ako sa tambayan at nakita kong nandun si Trixie.
“Uyy Ianne. Oy oy oy anong nangyari uyy.” Sabi ni Ianne sabay yakap sakin. Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko, pati pag-iyak ko ay hindi ko na napigil.
Niyakap kong pabalik si Trixie, "Na-miss lang kita."
"Hindi ka naman iiyak ng ganyan kung yun lang ang dahilan, you can tell me. We're bestfriends." sabi ni Trix. Pero nagpatuloy lang ako sa pag-iyak. Isinubsob ko ang mukha ko sa lamesa, ang sakit lang. Kung sa ibang tao ko pa narinig yun ayos lang e, pero hindi ko inaasahan na kay Levi ko pa maririnig yung mga ganung bagay. Kaibigan ang turing ko sa kanya. Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nasaktan.
Sakto naman ang dating ni Trevor at Brenan kasama nila si Levi na hindi makatingin sa akin.
"Uy ba't umiiyak yan?" tanong ni Brenan kay Trixie. Hindi sumagot si Trixie dahil maging sa kanya di ko sinasabi ang dahilan ng pag-iyak ko.
Pinunasan ko ang mukha ko. "Wala masakit lang ang ulo ko. Sige mauna na ko." sabi ko at nagpa-alam na. Aalis na sana ako pero may humawak sa kamay ko. - si Levi.
"Bitawan mo nga ako." Sigaw ko habang tinatanggal yung kamay niya sa pagkakahawak sakin.
Nagulat naman sila Trixie sa inaakto naming dalawa.
"Yung kanina--" paniula ni Levi kaya lalong nagtaka sila Trixie.
Hinatak ko ang kamay ko kaya napatigil sa pagsasalita si Levi.
"Ah yung kanina? Wala yun, sanay na ko. Saka ano naman sayo? Mag-kaibigan ba tayo?" pagkasabi ko nun ay umalis na ako. Nakaka-bwisit.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
May LQ sila HAHAHAHA.
Comment Guise OTL
BINABASA MO ANG
No Ordinary Love (GD&SAN)
RomancePaano kung si "Destiny Addict" ay ma-in Love kay "Not Yet in Service"? Ang 'tadhana' kaya ang maglapit sa kanilang dalawa? O ang tadhana na mismo ang magpasya na hindi sila ang para sa isa't-isa.