Levi's POV
"Bata.."
"Bata..wait lang."
"HOY ANO BA?!"
Pilit kong tinatawag yung batang babae na nakita ko pero ayaw niya ko lingunin. Bingi siguro ><
"Levi." si Papa nakita kong hingal na hingal siya habang papalapit sa akin.
"Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala. Halika, ipapakilala kita sa Ninong mo."
Sinundan ko lang si Papa. Pumasok kami sa isang malaking Kwarto.... isang Opisina.
"Kumpadre, eto na si Levi ang inaanak mo."
Tumingin ako sa lalaki sa harapan ko at nagmano.
"Magandang araw po." naka-ngiting bati ko.
"Ang gwapo pala ng Unico Hijo mo. Bagay na bagay sa anak ko." pagbibiro nung Lalaki.
"Nga pala, Audrey halika. Levi, eto si Audrey ang anak ko. Audrey si Levi anak ni Tito Jaime mo."
"Hello." tipid na sabi nung batang babae, nginitian niya ako pero hindi man lang ako ngumiti ng pabalik sa kanya.
Maya-maya pa ay may pumasok na isa pang lalaki kasama yung batang babae na tinatawag ko kanina.
"Jaime, Roger.. kumusta na? Pasensya na kung pinag-antay ko kayo, may inasikaso lang." masiglang sabi nito.
"Ayos lang. Umaasenso ka na talaga biruin mo, hindi man naging maganda ang kinalabasan ng negosyo mo sa Pilipinas, pero eto ka ngayon. Malaki at asensado na ang kompanya mo. At sa Seoul pa. Teka ayan na ba ang anak mo? Kay gandang bata." sabi ni Tito Roger. Tiningnan ko yung bata at napa-tingin din siya sa akin. Maganda nga siya. Bilugan ang mga mata. Maputi at itim na itin ang mga buhok.
"Hija, eto si Tito Roger mo, kaibigan ko yan nung nasa kolehiyo pa ako. Eto na ba ang anak mo? Bakit di mo kamukha? ahaha. Anong pangalan mo Hija?" tanong nito kay Audrey.
"Audrey po." tipid naman na sagot nito.
"At ito naman si Tito Jaime mo. Kababata ko naman ito, kaklase siya ng mama mo noong nasa kolehiyo naman sila." pagpapakilala nito kay Papa.
"Matandain ka pa din Pareng Jack. Nga pala ito ang anak kong si Levi. Levi bumati ka, dali"
"Hello po, ako po si Levi"
"Kay gwapong bata. Ingatan mo yan Pare, iyan ang magpapatuloy ng mga pinag-hirapan mo. Haha, Joie anak, halika. Hmm kumpadre, Levi hijo, Audrey eto si Joie ang anak ko." pagpapakilala ni Tito Jack sa anak niya.
"Ku-kumusta po." Mahiyaing bati nito.
"Aba marunong pala mag-tagalog ang anak mo kahit may lahing Koreano ano??"
"SINONG MAY LAHING KOREANO?"
Agad kong naimulat ang mga mata dahila sa boses na isang babae sa may kwarto ko. KWARTO KO.
"Anong ginagawa mo dito?!' agad kong sinuot ang t-shirt ko at ang short ko. Naka-boxer lang kasi ako pag natutulog.
"Ginigising ka." matipid talaga sumagot to kahit kailan. Pero pag si Trixie ang kausap akala mo mauubusan na ng salita sa sobrang dami ng sinasabi.
BINABASA MO ANG
No Ordinary Love (GD&SAN)
RomancePaano kung si "Destiny Addict" ay ma-in Love kay "Not Yet in Service"? Ang 'tadhana' kaya ang maglapit sa kanilang dalawa? O ang tadhana na mismo ang magpasya na hindi sila ang para sa isa't-isa.