Chapter 8

1.1K 24 1
                                    

Simula nang dumating si Levi at Audrey lagi na lang ako mag-isa. Si Audrey lagi nagpapasama kay Trevor sa Mall. Eto namang si Trevor hindi marunong tumanggi. Hindi naman sa nagrereklamo ako ah, pero syempre diba kaya nga ako pumayag din na dito tumira para may makasama ako.

Isa pa 'tong si Brenan lagi din siya inaaya nung Levi. Actually choice ko rin naman yun. Tulad na lang kanina. Inaaya ako ni Trevor na sumama sa kanila dahil mag-mo-mall nga sila. Pero di ako sumama. Nakaka-OP kaya.

Mag-a-alas kwatro na pero wala pa din sila kaya nandito lang ako sa may sala at inaantay sila.

'Calling Trixie..'

"Hel--" di pa man ako tapos magsalita e pinutol na niya agad yung sasabihin ko.

"Waahhh Bestfriend!!!! Kumusta ka naman diyan???! Pinapabayaan ka ba ni Trevor? Pinapakain ka ba niya? Waaahh kumusta ka?" sunod-sunod na tanong niya.

"Sa dami ng sinabi mo, di mo man lang ba sasabihin na namiss mo ko?" seryosong tanong ko.

"Syempre naman namiss kita no kahit kaka-kausap lang natin kanina. Hahahaha pero teka bakit parang ang lungkot mo? Nandiyan ba si Trevor? Kakausapin ko dali." sabi ni Trixie.

"Wala eh. Nag-mall sila ni Brenan kasama yung Levi at Audrey." sagot ko naman.

"Levi? Audrey? Oh My Gee! Nandiyan na sila??! Waahhh!! Nakakainis kung kelan wala ako diyan saka naman sila bumalik! Aish parang gusto ko na tuloy umuwi diyan." sabi ni Trixie na dahilan para mapaluha ako. Seriously, ano bang meron sa kanilang dalawa? Nung dumating sila, ako na lang ulit mag-isa pati ba naman si Trixie? Aish.

Sino ba naman ako para mag-reklamo. Bestfriend lang naman ako ni Trixie na nakikitira sa kanila.

"Huy!! Ianne! Still there?!" sabi ni Trixie sa other line

"Hmm. Yeah." tipid na sagot ko.

"Aish, pagod ka na ba? Don't worry I'll call Trevor para umuwi na." she offered.

"No no no. Ayos lang ako dito ano ka ba. Im fine! Hayaan mo na minsan na nga lang lumabas si Trev eh."

"You sure? Hayaan mo pag bakasyon uuwi ako diyan.." sabi niya na ikinatuwa ko

"Talaga??!" excited na tanong. Magkikita na ulit kami ni Trixie!

"..para makita ko na si Audrey at Levi. Ano na kayang hitsura ng mga yon. Ay na- hello- hello Ianne...*beep* *beep* *beep*"

I turned off my phone and started crying. How pathetic, umiiyak ako dahil hindi man lang ako nagawang isipin ng mga tao na pinapahalagahan ko? Aish, syempre Arianne hindi habang buhay ikaw lang iisipin nila.

I disappointed myself again. Ine-expect ko kasi na kaya uuwi si Trixie dito for vacation dahil gusto na niya ko makita pero hindi naman pala.

Naramdaman ko na naman yung feeling na para bang wala akong kwenta. Una sa parents ko na walang time sa akin dahil puro business ang inaatupag. And now dahil sa dalawang tao, dahil pakiramdam ko kinalimutan na nila ako. Kaibigan ka lang Arianne! Pathetic!!!

"Hello!!" bati ni Brenan pag ka dating nila ng bahay. Apat silang magkakasama, mukhang nag-enjoy sila.

Mabilis kong pinunasan ang luha ko para di nila mahalatang umiyak ako. Pero dahil sa makulit tong si Brenan, they've started interogating me.

"Uy umiiyak ka ba?" tanong ni Brenan ng makaupo siya sa tabi ko.

"No. why would I?" iritang sagot ko.

"Umiyak ka eh." pagpipilit niya.

"Hindi nga! Ang kulit ah!" inis na ako. Ang kulit kasi, nakita ko namang nakatingin lang si Trevor sakin at syempre katabi niya yung Audrey-slash-Ms. Cutesy. Psh

"Yie. umiyak siya kasi 'di namin siya sinama." pangungulit ni Brenan. Tumayo ako at kinuha yung unan at ibinato sa kanya. Pagkatapos nun e umakyat na ko at nagkulong sa kwarto ni Trixie. Nakakapikon kasi.

Rinig ko yung tawanan at kwentuhan nila mula sa baba.

"Lagot ka baka napikon yun." sabi ni Audrey. Pikon? ako? ASA!

(A/N: Kakasabi mo lang na napikon ka diba? XD)

Whatever Author-nim.

"Ganun talaga yun si Ianne, sanay na nga ako dun eh. Nung una di rin kami magkasundo dahil sa..Hahaha naalala ko na naman ahaha" kwento ni Brenan

"Paano niyo ba nakilala si Aria? Matagal na ba kayo magkakilala?" tanong ni Audrey. Aria?!! What the hell -_-

"ARIANNE! ang pangalan nun! Hahaha di ko naman makikilala yun kung di dahil dito." sabi ni Brenan. Wait whuut? As far as I remember, una kaming nagkita sa taxi. What the hell he was saying.

"Bestfriend ni Ate si Ianne kaya nagkakilala kami. Pero kung di ako binangga ni Ianne nun di sila magiging mag Bestfriend." kwento ni Trevor. BINANGGA? Totoo? Baka nabangga -_-

"Oo nga pala, di ba sabi mo familiar si Ianne sayo? Nagkita na ba kayo dati?" tanong ni Brenan kay Levi.

"Sinama ako ni Papa sa kompanya ng isa sa mga kumpare niya. Doon ko siya nakita, bata pa ako nun pero alam ko siya yun, kamukha niya eh." kwento niya. Hmm, wala naman akong matandaan... baka ibang bata yun -_-

teka bakit ba ko naiinis ?! -_-

No Ordinary Love (GD&SAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon