30 seconds na kahihiyan pero parang habang buhay ko dadalhin yun. Nakakahiya sa harap pa talaga nila Trixie nangyari. And it's my first kiss, yung first kiss na dapat sa mapapangasawa ko lang ibibigay pero .... Waaaaaaaaaaah. Nakakabaliw.
3 weeks na kong di nagpapakita kila Trixie dahil sa nangyari nung gabing yun.
Joke 3 days lang. Di ko lang talaga alam kung paano sila haharapin. Nahihiya pa din ako hanggang ngayon.
Nasa may library ako ngayon, As much as possible, di talaga ako nagpapakita kanila Trixie maging kay Levi. Kahit si Brenan di ko pa nakikita. Kanya-kanya kami umuwi pagkatapos nung gabing yun. Kasi nga nakakahiya!! ><
*yawn*
Napatingin ako sa may tabi ko, nandito ako sa may dulo, alam niyo yung mga book shelf? Dun ako tumatambay. Nakaupo lang ako sa tabi ng marinig kong may humikab sa tabi ko. Nakita kong may nakahiga sa di kalayuan pero may nakatakip na libro sa mukha niya. Nung tinanggal niya, shisss, kung suswertihin ka nga naman oh..
"Ianne.. anong ginagawa mo dito?" tanong niya sakin.
"ano bang ginagawa sa Library?" pagmamataray ko.
"Ang taray mo talaga e noh." ewan ko sayo.
"Bakit ikaw nandito ka?" tanong ko naman sa kanya.
"Inaantok kasi ako eh." Nice estudyante talaga.
"Yu-yung nangyari nung Monday, ano... bakit..bakit ako yung pinili mo?" ang lakas ng loob niyang tanungin pa sakin. Kinakalimutan ko na nga e >///<
"Wala, ano..kasi basta aish." hindi ko masabi sa kanya na kaya siya yung pinili ko dahil ayoko piliin si Levi dahil may feelings ako sa kanya. Duhh, hindi ako makwento.
"tara na, may klase pa tayo." sabi niya at tumayo na.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Habang naglalakad kami papunta sa CBA nang makasalubong namin si Dexter.
"Hoy ALONZO!!" sigaw ko ng makalapit kami sa kanya. "Bakit hindi ka pumunta nung contest ha? Akala ko ba importante sayo yun? Tapos hindi ka nagpunta? Alam mo bang kinabahan ako ng todo nung gabing yun? Napilitan ako mag-solo dahil wala ka! Pero okay nadin kasi nanalo pa ko kahit 2nd place! Pero nakakabwisit ka pa din alam mo yun!!"
"Tapos ka na?" Eh? Wow ha, siya pa may gana magalit?
"Ano? Han--" di na ko pinatapos magsalita ni Dexter. Bastusing bata -_____-.
"Alam mo Ianne, wala naman talaga ako balak sumali sa contest na yun. Ginawa ko lang na dahilan yun para mapalapit sayo. Gusto kita, bilang kaibigan. Pero may emergency na nangyari nung gabing yun kaya hindi ako nakarating. Hindi rin kita na-contact." paliwanag niya. Ang sarap sapakin.
"May kasalanan ka pa din sakin." sabi ko at naglakad na. "Ano di ka pa susunod?" sigaw ko kay Brenan ng mapansin kong wala siya sa tabi ko.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Levi's POV
Habang naglalakad ako papunta sa Bldg ng CAFA, nakita ko sila Ianne at Brenan na kausap si Dexter. After that night akala ko iniiwasan kami ni Ianne, pero bakit ngayon kasama niya pa siya, at si Brenan pa talaga. May something ba sa kanila?
BINABASA MO ANG
No Ordinary Love (GD&SAN)
RomancePaano kung si "Destiny Addict" ay ma-in Love kay "Not Yet in Service"? Ang 'tadhana' kaya ang maglapit sa kanilang dalawa? O ang tadhana na mismo ang magpasya na hindi sila ang para sa isa't-isa.