Ianne's POV
"Bata." rinig kong tawag sa akin ng isang batang lalaki. Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa paglalakad. Patay ako kay Papa, marahil ay hinahanap na ako noon. Galit na galit pa naman yun pag malingat lang ako kahit saglit.
"HOY ANO BA?!"
"Joie, saan ka na naman ba nagsusuot bata ka. Kanina pa ko hinahanap ng mga kaibigan ko. Halika na." sabi ni Papa sabay hatak sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit nandito ako, dati ayaw ni Papa na nagpupunta ako sa kompanya namin. Kahit isama lang ako ni Mama kapag dumadalaway ayaw niya.
"Jaime, Roger.. kumusta na? Pasensya na kung pinag-antay ko kayo, may inasikaso lang." sabi ni Papa sa dalawang lalaki doon na kasing edad niya.
"Ayos lang. Umaasenso ka na talaga biruin mo, hindi man naging maganda ang kinalabasan ng negosyo mo sa Pilipinas, pero eto ka ngayon. Malaki at asensado na ang kompanya mo. At sa seoul pa. Teka ayan na ba ang anak mo? Kay gandang bata." sabi nung isang lalaki. Ngayon lang siya nakita. Maging yung dalawang bata na kasama namin ngayon.
"Hija, eto si Tito Roger mo, kaibigan ko yan nung nasa kolehiyo pa ako." sabi ni Papa habang tinuturo siya sa akin. "Eto na ba ang anak mo? Bakit di mo kamukha? ahaha. Anong pangalan mo Hija?" tanong ni Papa dun sa batang babae.
Hindi naging malinaw ang pagsagot nung batang babae kaya hindi ko gaano naintindihan. Ganoon din ang mga sumunod na pangyayari at pag-uusap ni Papa at ng mga dating kaibigan niya. Bigla na lang dumilim at nakita ko ang sarili kong nag-iisa. Hinahanap ko sila Papa pero dahil sa kadiliman ay hindi ko sila makita.
"Papa.." tawag lang ako ng tawag sa kanya kahit alam kong hindi niya ako maririnig.
"Papa.."
PAPA!"
"Ianne.. Ianne.. huy gising na." naimulat ko ang mga mata ko. Panaginip na naman pala. Hindi ko alam pero kada aalalahanin ko ang kabataan ko ay iisang alaala lang na papanaginipan ko.
Yung batang lalaki na tumawag sa akin ay laging nandoon sa panaganip ko. Pero hindi ko gaano maaninag ang mukha niya. Sino kaya ang batang iyon...
BINABASA MO ANG
No Ordinary Love (GD&SAN)
RomancePaano kung si "Destiny Addict" ay ma-in Love kay "Not Yet in Service"? Ang 'tadhana' kaya ang maglapit sa kanilang dalawa? O ang tadhana na mismo ang magpasya na hindi sila ang para sa isa't-isa.