Chapter 6

1.3K 24 0
                                    

7 days. 1 week. 1 freaking week!!! Isang linggo na ko nakatira dito kila Trixie kasama si Trevor pero ang awkward pa din namin sa isa't-isa. May payakap-yakap ka pa kasing nalalaman ayan tuloy!! Aish.

Awkward Moment # 1

Nung unang gabi ko dito, hindi talaga ako makatulog as in. Nagpagulong-gulong na ko sa kama pero di pa rin ako makatulog. Kaya ang ginawa ko lumabas ako ng kwarto at bumababa pera magtimpla ng gatas.

Pero pagka-baba ko, nandun si Trevor naka-upo sa sofa!!

"Hmm. Di ka makatulog?" siya

"Ye-yeah. Ikaw din?" sabi ko.

"Hi-hindi. Inaantay ko lang matapos yung palabas. Aakyat na din ako." sabi niya naman

"Pero nakapatay yung TV." sabi ko sabay turo sa TV. Napatingin naman siya dun tas sabay tingin sakin.

"Ha-ha-ha tapos na pala yung pinapanood ko. Sige tulog na ko." pagkasabi niya nun umakyat na siya. He left me there.. dumbfounded.

Awkward Moment # 2

Kinabukasan pagkagising ko naabutan ko siya nagluluto ng almusal. I asked him if he need help pero sabi niya hindi.

Nagkibit-balikat na lang ako at inantay siya matapos sa ginagawa niya.

Nung tinawag niya na ko para kumain, halos lumuwa yung mga mata ko sa mga niluto niya.

"Napalakas ata yung bukas mo sa kalan." I joked. Then started eating. Pagkasubo ko ng kanin na may itlog halos di ko mailunok yung kinakain ko. Seriously guys.

"Tama lang yung luto? May lasa ba? Masarap?" he asked.

Nilunok ko muna yung nasa bibig ko before ako sumagot.

"Oo, ang sarap nga eh!" sabi ko nang naka-ngiti pa.

Tinikman niya yung luto niya then poof! He left me again.

"I think you forgot to put salt. Pero masarap naman!!" sigaw ko nung lumabas siya.

Aish, hindi ata ako tatagal ng kasama niya sa bahay.

Then, Awkward Moment # 3 !! Gosh nakaka-hiya!!

Nakalimutan niya siguro i-lock yung pinto sa CR. Ihing-ihi na kasi ako talaga kaya di na ako kumatok kung may tao man sa loob o wala.

Pag-bukas ko ng pinto nakita ko siya nakahubad!!! Pero may tapis ng twalya yung lower part ng katawan niya. I sound disappointed haha.

Sa sobrang bigla ko, tumakbo ako paakyat ng kwarto at hanggang ngayon hindi pa rin ako lumalabas.

Aish, ang tanga-tanga mo talaga Arianne!!!!! Aishhh

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Di ko na talaga matiis yung gutom ko kaya bumaba na ako para bumili ng makakain.

Nasa may sala si Trevor kasama yung asungot na FC.

"Nagugutom ka na ba? May pagkain diyan." sabi ni Trevor.

"Ah. hindi busog pa ko." pagsisinungaling ko.

"Sigurado ka? Don't worry, may lasa na yan." pagbibiro niya.

"Hi-hindi talaga. Sige-- *ppruuut*" napahawak ako bigla sa tiyan ko then nakita ko si asungot na FC na nagpipigil ng tawa.

"What's funny?" tanong ko kay FC

"Hahahahaha, grabe busog ka na sa lagay na yan? Hahahaha" aish ang fc talaga!! Kinuha ko nga yung unan tas binato sa kanya. Bwisit!

Nagpunta na ko sa may kusina para kumain, ayoko na pigilan yung gutom ko. Another Awkward Moment Aishhhhh.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nandito kami nila Trevor sa may labas. Niyaya niya ko na tumambay para naman daw maka-langhap ako ng sariwang hangin hindi yung lagi nalang daw ako nagkukulong sa kwarto.

At siyempre kasama si asungot na FC.

"Uyy magsalita ka naman matuyuan ka ng laway diyan." si Asungot!

"Eh ano naman sayo?!" pagtataray ko.

"Alam mo ang sungit mo! Nakikipag-kaibigan na nga ko sayo e!" siya.

"Hindi ko kailangan ng kaibigan. Lalo na kung Asungot na FC na katulad mo!" sagot ko sa kanya

"Oh-oh awat na. Magsapakan pa kayo diyan e." awat naman ni Trev na pumagitan samin.

"Ang sungit na ang taray pa. Tss. Ok, magpapakilala ako ng maayos." sabi niya tas lumipat sa tabi ko.

"Hi, my name is Brenan. And you are?" sabi niya tas inilahad yung kamay niya.

Tinitigan ko lang siya di ako umiimik.

"Haha, Joie makipag-kamay ka na malinis naman kamay niyan." pagbibiro ni Trevor.

"Arianne." tipid na sabi ko pero di ako nakipag shake hands.

"Ang suplada mo!!!" sabi niya sabay agaw sa kamay ko tas shinake hands niya yung mga kamay namin.

"Nice meeting you." sabi niya habang nakangisi. Seriously nakakainis siya.

Inalis ko yung kamay ko sa pagkaka-shake hands tas binelatan ko siya.

Feeling Close talaga.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Araw-araw nasa bahay nila Trev si Brenan Asungot. At araw-araw din magulo at nakakabwisit ang araw ko.

"Matagal na ba kayo magkakilala nila Dale?" tanong ni Asungot.

"E ano naman sayo?" tanong ko sa kanya.

"Grabe! Para kang laging meron e nuh!! Galit ka ba sa tao? O sadyang galit ka lang sa pogi na tulad ko?" sabi naman niya. I almost vomited. Gosh ang yabang.

"Pogi? You have the guts to call yourself handsome ah." pang-aasar ko sa kanya.

"Pero wag ka masyadong mapogian sakin, baka ma in love ka. Pero sorry, para sa ate lang ni Dale 'tong kagwapuhan ko." sabi niya na may pahawak-hawak pa sa mukha niya.

"Ulul pare." sabi ni Trevor sabay bato ng unan kay Brenan.

"I don't think na type ka ni Trixie. Mataas ang standard nun pagdating sa boys. Ugali pa lang di ka papasa. At kung sakaling pumasa ka. Hindi ako papayag no." sabi ko at seryoso ako dun.

"Wow posessive." sabi naman ni Brenan.

Binatukan ko nga. Kainis eh.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Yung Joie po sa name ni Arianne is pronounced as Jowi.

At kung may tanong po kayo about sa mga Characters, panoorin niyo po yung video sa gilid thanks.

xoxo

No Ordinary Love (GD&SAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon