Patuloy silang nagkukuwentuhan nang biglang may sumigaw sa hindi kalayuan. Kasabay niyon ay ang pagtawag sa pangalan ni Suitchiro.“Oh, dumating na pala ang star ng grupo!” sigaw ni Bob kay Maya. “Lalo kang gumaganda, Maya. Anong sekreto mo? Pa-share naman sa amin nina Emi at Kuzunoha,” salubong ni Chiaki o kilala ring Jackie.
“Heh! Ano ba kayo? Di ba matagal naman na akong maganda? Hindi ba kayo nagsasawa sa katatawag sa akin ng star? Hay, iba na talaga ang maganda.”
Hindi lang maganda ito kundi matalino rin. Kung pagmamasdan ang magandang hubog ng katawan niya ay hindi mo na maaalis ang mga mata mo roon. Kung ikukumpara sa mga magaganda sa kanilang campus ay wala kang maitutulak kabigin sa kaniya.
Ang kaibahan niya sa iba ay ang pagkahaba-haba nitong buhok. Kasing kulay iyon ng bughaw na langit. Sa taas niyang 5’1” ay hanggang sa may talampakan niya ang haba ng buhok. Siya ang chika babe sa kanilang school.
Meron siyang nakatatandang kapatid na nagngangalang Shin Natsume. Third year High School si Maya kaya sa susunod na taon ay ga-graduate na siya.
Nang sagutin ni Maya ang nobyong si Suitchiro ay parang mababaliw ito. Magmula sa araw na iyon ay sila na ang naging star. Lalong naging sikat ang dalawa nang bumuo si Masataka ng club. Tinawag itong Katanaga Club. Binubuo iyon ng kaniyang mga astig na barkada na sina: Shin, Kuzunoha, Bonschichi, Emi, Bob, Chiaki, Maya at Suitchiro.
Ang magtatangkang bumuwag sa grupo nila ay nilalagutan ng hininga o hindi kaya’y binabalian nila ng buto. Kaya kapag mayroong aberya sa campus, sila ang nag-aayos.
“Kumusta ang girlfriend ko?” sabay yukod nito para mahalikan ang noo ng girlfriend.
“Okay lang. "Ipinikit nito ang mga mata nito para damhin ang init ng halik ni Suitchiro.
“Hanggang kailan mo pananatilihin ang ganiyang anyo mo. Namimiss ko na iyong sexy and hot na version mo,” anas ni Suitchiro sabay yapos sa buhok ni Maya.
“Ano ka ba? Kadarating lang, kung saan-saan pumupunta ang kamay mo. Baka may mahawakan ka riyan,” malambing na saway ni Maya sa boyfriend. Hindi maitago ang pilyong ngiti sa labi.
Hindi mo aakalaing si Maya Natsume, na hot and sexy chic ng campus ay may kakayahang lumiit na kasingliit lang ng isang preparatory. Isa ito sa mga namana at napag-aralan ni Maya mula sa mga magulang. Isa ito sa mga magaling at magandang technique para mapalakas at mapalawak ang chin sa katawan. Ang Chin ay ang aurang nagtatago upang mailabas ang nakatagong kakaibang kakayahan.
“Mamaya na kapag meron na si Kuya Shin. Nasaan na ba kasi ang Kuya?” sigaw ni Maya, habang tumitingin ito sa gate.
“Maya, may time ka mamaya? Date tayo. Gusto mo? Free ako, may dagdag allowance ako. Call ka, mamaya?” nakangiting tugon niya sa nobya.
“Talaga?!? Gusto kong mag-shopping mamaya sa lungsod. Pero gusto ko ay iyong tayo lang at walang istorbo,” nang-aakit na sabi ni Maya.
Kumislap ang mga mata ni Suitchiro nang marinig ang mga salitang iyon mula sa labi ng nobya. Naghahalikan na ang dalawa nang siniko siya ni Bonschichi. “Hey, mga bata, andiyan na si Kuya! Third year pa lang kayo, e, kung saan-saan na kayo nagtutukaan.”
Natigilan ang lahat nang mapansin nila ang pagdating ni Shin. Pinagtakhan nila ang isang batang nakaupo sa balikat nito na kasinglaki ni Maya.
Magkasinghaba rin ng buhok ang mga ito.
“Sino iyan?” tanong ni Chiaki kay Bob.“Ewan ko? Baka pamangkin o hindi kaya’y ipinaalaga lang,” sumbat ni Bob sa girlfriend.
“Wow, ang cute naman! Sino siya, Maya? Pinsan mo?” tanong ni Suitchiro sa nobya habang titig na titig naman sa padating.
Kumawala si Maya sa pagkakayakap sa boyfriend at inayos ang sarili. Tinitigan niya kung sino ang tinatanong ng mga ito.
Naiinis siya dahil may tumatalbog na sa ganda niya. Tinitigan niya nang pagkasama-sama ang batang nakaupo sa balikat ng Kuya niya. Pero kinalma niya ang sarili.
“Tara at ipapakila ko siya sa inyo,” tawag niya sa mga kaibigan. Naglalakad na sila nang may naglalarong gunita sa isip niya.
“Ano? Bakit doon mag-aaral ang halimaw na iyan? Bukod sa kulang-kulang, freak pa! Baka lahat ng mga kaibigan natin ay pagsusungitan ng malditang iyan!” mariing sigaw ni Maya.
“Maya, huwag kang magsalita nang ganiyan laban sa kakambal mo! Alalahanin mong kapatid natin siya,” mahinahong saway ni Shin sa kapatid.
“P-pero, Kuya, ayaw kong kasama si Aya sa campus. Baka hindi ko kayanin at mag-away lang kami. B-baka siya pa ang mauna, huh! Kuya, alam mo naman ang ugali niyon! Baka magkapasa ako nang hindi ko namamalayan.”
“Hayaan mo, pagsasabihan ko si Aya na huwag kang awayin. Basta makakasama na natin siyang pumasok sa school.”
“Pero Kuya. . . No! I don’t want to be with her. Buwisit siya at baliw!” aniya kasabay ng pagmumukmok niya sa ilalim ng kumot.
“Sorry, Maya, pero wala akong magagawa d-dahil. . .” pero hindi na natapos ni Shin ang sinasabi at nagpasyahang umalis na lang.
Ang hindi alam ng dalawa ay kanina pa sumisilip sa siwang ng pintuan si Aya. Ang bunso sa magkakapatid na Natsume.
“Freak pala, huh! Puwes gagawin kong miserable ang buhay mo!” bulong sa isip ni Aya mula sa kadiliman ng gabi.
BINABASA MO ANG
✔️SOKTOREGGIE(TENJHO TENGE) COMPLETE/ UNDER-EDITED
Fanfiction"Para sa lahat siya ay inosenti, pero sa likod ng maamong mukha nagtatago ang mapait na katotohanan sa tunay niyang pagkatao..." SYNOPSIS Aya Natsume, kabilang sa angkan ng mga Natsume na nagtataglay ng kakaibang mata. Mata ng hinaharap kung tawagi...