CHAPTER TWELVE (First Time)

22 2 1
                                    


KAHIT puyat kagabi ay maaga pa ring nagising si Shin para maghanda sa pagpasok. Papasok na siya ng kusina nang mapansing may tao na roon. Dali-dali siyang pumaroon para tingnan kung sino man ang nakikialam sa kanilang kusina sa ganitong kaagang oras. Nagulat man ay unti-unting sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi.

"Magandang umaga, Aya! Ang aga mo namang nagising," masayang bati niya saka masuyong inakbayan ang nakababatang kapatid.

"Sabi mo kasi ipagluto ko si Masataka. Ito nga at dinadagdagan ko na ang dadalhin natin sa school," walang anu-anong panimula ni Aya.

"Sige, pagkatapos mo riyan ay sabay-sabay na rin tayong mag-almusal na tatlo nina Maya. Siya nga pala, nakita mo na ba si Maya?" tanong ni Shin habang nag-uumpisa nang gumawa ng mainit na kape para sa kapatid.

"Ewan ko roon? Baka binangungot na," naiinis na baling ni Aya at ipinagpatuloy ang paghahalo sa nilulutong ulam.

Maang na napatingin si Shin kay Aya at iiling-iling na nagsalita. "Ano bang pinag-aawayan ninyong magkambal at ganiyan na lang ang init ng ulo ninyo sa bawat isa?" masusing tanong nito. Hindi ito umimik at patuloy lang sa paghihiwa ng sibuyas. Napakibit na lang ng balikat si Shin. "Titingnan ko lang muna si Maya sa kuwarto niya at nang magising na rin. ubusin mo na 'yang kape para mainitan naman ang sikmura mo," baling ni Shin sa kapatid at agad ng lumabas ng kusina. Tumango na lang si Aya at tinitigan lang ang kape pagkatapos ay pinilit na humigop doon. Hindi siya nagkakape kaya halos hindi nya maubos ang kapeng ginawa ng kapatid. Pero dahil sa gawa ng kaniyang Kuya Shin ay pinagtyagaan nyang ubusin.

Dahan-dahang ibinaba ni Aya ang wala nang lamang mug ng kape." Masarap din palang magkape paminsan-minsan." Matipid na ngumiti si Aya habang inaayos na ang aalmusalin ng mga kapatid.

Sabay na pumasok ng kusina sina Shin at Maya. Nakasimangot na umupo si Maya habang ang Kuya naman nito ay nag-umpisa nang magdasal. Pagkatapos magdasal ay nag-umpisa nang magsikain ang magkakapatid na Natsume.

"Bakit ba ang aga-aga natin mag-aalmusal, huh? Quarter to seven pa lang naman," naiinis na himutok ni Maya habang nginunguya ang kanin.

Masama siyang tinitigan ni Aya. "Kung ayaw mong kumain ay lumayas ka sa harap namin! Nakakawala ka ng ganang kumain!" himutok ni Aya na humigop ng mainit na sabaw ng baboy.

"A-anong sabi mo?" inis na bulahaw ni Maya.

"Magtigil ka na, Aya. Kumain na nga lang kayo ng tahimik," saway ni Shin.

Matapos kumain ni Maya ay umusal na ito ng pasasalamat. "Kuya Shin, napakasarap naman ng niluto mo. Dabest ka talagang magluto!" nangingiting puna ni Maya. Napa-smirk si Aya at tinaasan ng kilay ang kakambal. "Ano na naman bang tinitingin-tingin mo, kutong lupa? Eh, sa talagang masarap. . ." napatigil sa pagsasalita si Maya at tinitigan nang maigi si Shin.

"Whats the meaning of this, Kuya Shin?" naguguluhang tanong ni Maya na muling napabaling ang tingin sa kakambal.

"What the hell are you smiling at, Aya?!" sigaw na ni Maya.

"Tumigil na nga kayo! Ang aga-aga, nag-aaway kayo at sa harap pa ng grasya!" saway na rin ni Shin.

"Bakit, Maya? Sumasakit na ba iyang tiyan mo? Hindi ka na ba makahinga? nilagyan ko kasi ng lason iyang pagkain mo," nang-iinis pa na sagot ni Aya sa kakambal.

"Anong sabi mo?!" mabalasik na palahaw ni Maya kay Aya. Agad na pumagitna sa pagitan ng pag-aaway ng kambal si Shin.

"Tama na iyan, Aya! Ipagpatuloy mo ang pagkain. Ikaw, Maya, umakyat ka nasa itaas at maligo. Ang bagal-bagal mo pa mandin," mahabang salaysay ni Shin sa magkambal.

✔️SOKTOREGGIE(TENJHO TENGE) COMPLETE/ UNDER-EDITED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon